"Mahal Kita." Yan ang dalawang salita na huli kong nasambit bago pa ako malagutan ng hininga. Dalawang salita na kailanman ay hindi ko na muling maipaparamdam, maipapakita, masasabi at maibibigay sa kaisa-isang tao na lagi kong pinagtutuunan ng pansin, na walang sawang pinapakita na mahal ko siya. Mga salitang nabuo dahil lamang sa aming dalawa. Na sa bawat sandali ay pinaguugnay ang "mahal" at "kita" para labanan ang pagsubok na haharapin pa. Bumuo ng pangarap na hindi mahihigitan, magkasamang aabutin dahil "mahal" ang isa't-isa basta kasama "kita".
Ngunit paano kung ang lahat ay naglaho na parang bula? Paano kung ang lahat ng plano ay hindi na kailanman matutupad? Sino ang may dahilan? Tao ba o ang tadhana? Lahat ba ng ito ay aking kapalaran o plano lang?
*FLASHBACK*...
Nasa parke kami at magkahawak ang kamay. Nakasandal naman ako sa kanyang balikat at siya ay nakayap sa bewang ko at nakapatong ang ulo niya sa ulo ko. "Sana hindi ito ang huli nating pagkikita. Salamat kasi nahanap na kita. Pangako ko sayo, proprotektahan at aalagaan kita. Kaya kong magsakripisyo para lang mapasaya ka Rina." Sabi ni Gek habang nakayakap parin. Inalis ko naman ang ulo ko na nakapatong sa balikat niya at hinarap siya. Napakalas na rin siya pagkakayakap sa bewang ko at humarap din. Nagkatitigan kami sa mata. Ang ganda ng mata niya. Parang bituin sa langit na kumikislap kahit sa malayo mo lang nakikita. Hindi ito makuha pero parang nagbabagyang mahuhulog na dahil sa pagkatitig niya rin sa akin. Hindi ko akalaing magiging ganito kami ni Gek samantalang bestfriends kami. "Is this true?" Sabi ko sa sarili at medyo tinapik ng konti ang pisngi. "Sana Gek laging ganito. Salamat din sa iyo at hinanap mo talaga ako. At hindi ko rin akalain na magiging ganito tayo at sana wag ka ng magbago. Manatili ka sana sa Gek na kilala ko. I love you, Ge-" hindi ko pa nasasambit iyon nang bigla niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Naistatwa ako dahil pinipigil ko ang hininga ko. Nakapikit na siya at patuloy parin sa paglapit ng mukha niya. Dahan-dahan naman akong napapikit nang maramdaman ko na masyadong malapit na mukha niya sa mukha ko. Tuluyan ko na sanang ipipikit ang mga mata ko nang may lumapit sa aming dalawa ni Gek at pinanood lang kami. Ngumiti naman ako at pinagpatuloy ang moment naming dalawa ni Gek at-...
Tinapik-tapik ako dahilan ng pagtigil ko. Nagulat ako dahil... "Anak, gumising ka na riyan." Sabi ni inay at ngumingiti parin. "Maganda yata ang panaginip mo ah."pagsunod niya. "Sino yun ha?"sabay kiliti niya sa tiyan ko dahilan para mapatawa na rin. "Inay tama na."iritang sabi ko at napabulalas ng "Nandyan na po ba si itay?"at biglang tumayo palabas ng kwarto ko. Naiwan ang inay. "Wala pa siya anak pero nakaluto na ako kaya't maghugas ka nalang ng pinggan."tugon ni inay at lumabas na rin sa kwarto ko.
Habang naghuhugas, palaisipan ang panaginip ko kanina. Para kasing totoo. Pero di ko rin maintindihan kasi, si Gek? Kaibigan ko lang siya at malayong mangyayari iyon dahil unang-una, hindi kami masyadong nakakapagkita ni Gek. Napabuntong hininga nalang ako at pilit balewalain ang panaginip. Pero bakit may halik? Ay, hindi pala natuloy. "Si inay kasi istorbo." Ngumisi nalang ako tumingala ng saglitan. "Hayss.."
"Hoy! Buksan niyo ang pinto! Dalian niyo mga hampas lupa kayo!"
Hindi na ako magtataka kung lasing na namang dumating ang itay ko. Sanay na ako at kailangan siyang pagsilbihan dahil kung hindi, papakainin na naman kami ng mga salitang pati aso ay hindi ito malunok. Dali-dali ko namang hinain ang adobong kangkong at nagsandok ng kanin tska nilapag sa lamesa. Nakita ko na ring patungo na si itay sa kusina dahil binuksan na ni inay ang pinto na noon ay pagewang-gewang na ito papunta rito. Si inay naman ay halata na ang takot. Hindi pa nakakaupo ang itay ng napapikit nalang ako *plang* hinagis ni itay ang pagkain. "Ano ba naman ang buhay na ito! Wala bang ibang ulam kung hindi kangkong, kangkong at kangkong nalang ang laging niluluto niyo para sa akin ha?!" Sabi niya sabay duro at pinanlakihan ng mata. "W-wala p-po." Nangingig kong tugon. "Bwis*t!" Sabi niya kasabay ng pagbagsak ng mabigat na kamay niya sa mukha ko. Napapikit nalang ako dahil sa sakit. Tumakbo naman ang inay para ako'y saklolohan pero pati siya ay sinaktan ni itay. Tinadnyak niya into sa may Tiyan dahilan para mapaluhod si inay. Sinamahan ko naman siya at lumuhod na rin. "Ayos ka lang po ba in-" at tinadyakan din ako ni itay sa tagiliran kaya napaubo ako sa sakit at napahiga pa. Minsan pang sinampal ni itay si inay ng buong lakas kaya napahiga narin siya sa lakas ng impact tska umalis ng padabog. Wala kaming nagawa kundi umiyak na pareho ni inay.Kahit pala sabihin kong sanay na kami pero masakit padin. Oo. Lagi kaming kawawa ni inay. Para kaming asong ulol kung tratuhin ni itay. Patatahulin hanggang gusto niya at sasaktan naman pagkatapos. Wala na siyang konsedirasyon sa akin, sa amin ni inay.
(Hanggang kailan ba kami magdurusa? Kailan ito matatapos? Makakasungkit pa ba ako ng saya?)
BINABASA MO ANG
Dahil Mahal Kita
SpiritualAng buong bahahi ng istoryang ito ay hindi kinopya mula sa iba. Ang lahat ay kathang-isip ng may akda. Ang istoryang ito ay bagamat may karahasan, ay matutunghayan ang magkaibingang nag-ibigan na humantong sa hindi inaasahang pangyayari. Kailangan...