Matapos ang libing, lumayo ako’t nagbakasaling mabilis kong makalimutan ang sakit. Kapos man sa pera, bumyahe ako papuntang Maynila. Nagawi ako doon ngunit hindi ko alam kung saan nga ba ako tutuloy at mananatili. Bagama’t masaya naman ako dahil kahit papaano, malalayuan ko na ang dating tirahan ko. Tirahang, puno ng pighati dulot ng isang lalaking pinagkatiwalaan ko at itinuring na ama. At dahil ako nalang mag-isa, babangon ako sa sarili kong mga paa at magpagod para sa sarili. Sa aking paglalakad, bumukas ang inosenteng pag-iisip ko sa aking mga nakikita. Doon ako nakakita ng mga batang humuhingi ng pera sa mga taong nagdaraan sa iba’t ibang daanan. May mga batang nasa sulok lang at para bang may palihim na hinihithit. “’Yon ba ang shabu?” taka ko. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko ang isang babae at lalaking naghahalikan?! Na karamdam ako ng takot at pandidiri dahil una kong nakita ng ganoon. At sa tingin ko, kaedad ko lamang sila. “Ganito ba talaga dito? Siguro kailangan ko ng masanay dahil wala ng atrasan ito. Nandito na ako. Kakayanin ko.” Pagpapakalma ko sa sarili at nagpatuloy pa sa paglalakad. Kinapa ko ang aking bulsa at bumili ng mani at palamig. Iyon lamang kasi ang kasya sa aking pera. Kailangan kong magtipid. Umupo ako sa isang bench sa gilid ng kalsada kasabay ng panonood ko sa mga naglalakihan na sasakyan. Habang tulala, naisip ko ang inay. Nanlumo ako. Naalala ko ang mga masasayang araw na kami ay magkasama. “Namimiss na kita inay.”
“Hoy bata! Gumising ka dyan.” nagulat ako sa paghampas ng walis sa aking mukha. Napamulat ako bigla at nakita ko sa aking harapan ang isang mamang balbas sarado, maitim, gusgusin at mukhang pulubi. “Pasensya na po, hindi ko po kasi namalayan na nakatulog ako…”
“Hindi ko kailangan ng paliwanag! Umalis ka riyan at ako ang matutulog. pwesto ko diyan!” agad na galit niyang sabi sa akin. Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko. “O…opo” utal kong sagot at tumakbo na papalayo. Nang nakaramdam ako ng gutom, muli kong kinapa ang aking bulsa. “Bakit parang wala ‘yong natitira kong pera?” naisip kong baka nahulog sa kinaidlipan kong bench. Babalik na sana ako doon nang bigla
akong natigilan, “yung mama!” paniguradong magagalit ‘yon kapag makita akong muli. Hinayaan ko na lang ang pera ko at nagisip kung paano pa ako magkakapera at makakain. Nagawi ako sa isang maluwang na tambakan ng basura. “Basura?! Walang urungan ito. Magkakalkal ako ng basura tulad ng mga batang nakikita ko sa paligid ko ngayon. May kanya-kanya silang kariton at tulak-tulak ito. Titiisin ko.” Matatag kong bulog sa sarili.Nagaalangan akong tumungo sa malaking basurahan. Parang wala ako sa sarili at tulala habang naglalakad. "Hanggang kailan kaya ako magiging ganito? Kaya ko ba kung habambuh-" nainis ako sa bumangga sa akin. "Hindi mo ba tinitignan ang dinadaanan mo?" Iritang tugon ko habang nakayuko pa at hinihimas ang nasaktang bahagi ng katawan ko. "Sor-"sabi niya at nagulat ako nang mabilis niya akong hinawakan sa magkabilang braso. Para bang naexcite? "Ano bang problema mo!" Pagpapakawala ko sa pagkahawak niya sa akin at tiningala siya. "Pwede ba bitawan mo ak-" biglang bumulalas habang nakangiti "Rina?" Nagulat ako at tulala parin sa nakikita kong mukha sa harapan ko. Hindi ko lubos akalain na nandito siya at kaharap ko pa.
(Nakagagalak ba o nakakaalala?)
BINABASA MO ANG
Dahil Mahal Kita
EspiritualAng buong bahahi ng istoryang ito ay hindi kinopya mula sa iba. Ang lahat ay kathang-isip ng may akda. Ang istoryang ito ay bagamat may karahasan, ay matutunghayan ang magkaibingang nag-ibigan na humantong sa hindi inaasahang pangyayari. Kailangan...