Chapter 7: #Plano

107 2 0
                                    

Doon ay pakiramdam ko, para akong sinsunog ng sarili kong galit at poot. Gusto kong ilabas ngunit diko alam kung paano.

Walang ano-ano’y sumigaw ako ng napakalakas kahit alam kong walang makakarinig at walang makakatulong sa isang tulad  kong patay na.

Pinatay nang walang kaawa-awa. Pinagsamantalahan tsaka tinapon. Ano pa’t silbi ng koronang sinuot sa akin kung sa panandaliang saya ay magwawakas na aking buhay. Yugtong hindi inaasahan ng sinuman. “Maghiganti ka Rina Cruz!” sabi ko sa sarili na nagpapanggap na parang buhay pa. Naalala ko ang aking sagot sa pageant bago mangyari ang lahat ng ‘to. “Kung ikukumpara ko po ang aking sarili sa kahit ano., ako ay katulad ng isang bangkay. Patay man ang kaluluwa kodahil sa kahirapan ng aking buhay, buhay pa ang espirito ko para magpatuloy at bumangon mula sa aking kinababaunan at mabubuhay muli bilang tao. Mula sa kinasadlakan, babangon akong muli para sa aking kinabukasan.” Napangisi ako. Sinubukan kung kontrolin ang mga bagay na nasa paligid ko. Una ang puno. Mayabong ito pero sinubukan kong paglaruan. Itinapat ko ang aking mga kamay sa direksyon nito at tinaas. Ang sanga ng puno ay gumalaw. Nilakasan ko pa ang pagtaas tska pagbaba, naihampas ang sanga at kunti nalang ay mapuputol na ito.

Napahalakhak ako. Kung dati, hindi ako naniniwala sa mga kababalagahan, ngayon, ako na mismo ang magpapatunay na may kayang gawin ang mga nilalang kahit ispiritu nalang. Paulit-ulit ko pang ginagawa ang pagpapahampas sa puno. Namalayan ko nalang noong halos kalbo na ang  puno. Patuloy akong tumatawa na parang baliw. Gusto kong kotrolin ang aking emosyon ngunit… ito na! Ito nalang nag tanging paraan para ako’y makaganti. Wala na sigurong hihigit pang saya kung nagawa ko iyon. 

Pumikit ako saglit at "Mahal na mahal kita, Rina." Tinig iyon si Gek. Nagkaroon ako ng kutob na hindi maganda. "Hindi kaya't siya-...?" Napailing ako at pinilit na balewalain ang iniisip ko. Pero hindi ko lang kasi maiwasan. Nakasuot ng bonnet ang mga lalaki kaya hindi sila nakilala pero sa pamamagitan ng kakayahan ko, alam kong kaya kong tiyakin kung sino at nasaan sila. Napatigil ako sa pagiimagine... Ang hubog ng katawan at ang mata ng is a sa mga lalaki ay parang hindi bago para sa akin. Napabulalas ako at nagtaka. "Bakit hindi ko ito naisip agad?" Hindi kaya't si Gek?

Bumuntong hininga ako at nagplano na sa gagawing paghihiganti.

Hinanap ko na ang mga lalaki. Namangha ako sa kakayahan ko dahil agad-agad ay nakita at nakapunta ako sa kanila. Naglalakbay pa ang sila noon, nakasakay sa van at nakita ko kung paano sila magsaya. naalis na ang kani-kanilang mga bonnet at- "si Gek nga!"

Inabangan ko ang van
sa isang sulok. Doon ay naghanda ako. Nang malapit na, pumagitna ako sa kalsada tska kinontrol ang van upang mahulog sa bangin. Bago mahulog ang van, nagpagewang-gewang pa ito. Nakita ko sa harapan kung paano sila natakot. Hinulog ko ang van sa ilog dahil sakto noon sa may tulay. “Kung mamamatay kayo riyan, salamat. Kung hindi, babalikan ko kayo.” matapang na sambit ko.

Dahil Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon