(Ihuhuli ko si Gek)Inumpisahan ko sa unang namantala sa akin. Tulog siya noon at pinilit kong makapasok sa kanyang panaginip. Ginulo ko ang masayang panaginip niya. Nakita niya ako at tumakbo siya ng mabilis. Sinubukan kong bulyawan siya “Alisin mo ang sinturon mo!” narinig niya ito at bakas sa mukha niya ang malubhang takot. Sa pagmamadali niyang tumakbo, humantong ito sa isang bangin, mahuhulog na sana ito ngunit ginising siya ng kanyang asawa. Natigilan ako. Takot na takot parin ang lalaki. “Ayos ka lang ba?” tanong ng asawa nito. “Kukuha lang ako ng tubig mo.” Narinig kong sabi ng asawa nito at umalis na. tinakot ko pa ang lalaki. Kinontrol ko ang kanilang lampshade at ihinulog. Hindi na imik ang lalaki. Pinatay ko ang main light at nagpakita ako sa kanya. Alam ko sa sarili ko na puno parin ako ng dugo at halos hindi na naiayos ang mga parte ng katawan ko. Kitang-kita ko ang sobrang pagpapawis nito. Nakangisi naman ang reaksyon ko.
Ang buhok ko ang ginawa kong pansakal sa kanya hanggang malagutan ng hininga. Doon ko lang siya tinigilan. Mulat ang mga mata at bakas sa reaksyon ng mukha ang magkahalong takot at konsensya.
Sinundan ko ang tatlong lalaki. Magaling na sila noon dahil hindi malubha ang galos ng mga ito sa disgrasya. Magkakasama sila sa iisang bahay pero hindi kasama si Gek kung kaya’t madali lang para sa akin na mghiganti sa kanila.
Nanonood sila ng telebisyon at tawang tawa sila sa palabas. Pinatay ko ang TV at tsaka ako pumasok. “Hi boys!” bati ko sa kanila kasunod ng paghalahak ko ng malakas. Nakikila nila ako’t nagtangka silang tumakbo. Agad ko naming isinara ang pintuan. Takot na takot silang lahat. Umakyat pataas ang dalawa dahil may hagdan dito na sa tingin ko, patungo ito sa rooftop naiwan ang isa na nangangatog na ang mga tuhod. Tinungo niya rin ang direksyon ng hagdan ngunit hinarang ko ito. Takot na takot ang mukha niya. Pinunasan ko ang dugo ng aking mukha saka tinalsik sa kanya. Hindi niya na alam kung ano na ang gagawin niya. Ngumisi naman ako at tumawa. Tumakbo siya sa may pintuan at pinilit na buksan ito. Nakalabas ito at tumakbo nang mabilis. Hinabol ko hanggang hinila para mapalingon sa akin. Paatras siyang naglalakad para subaysabayn ang aking gagwin. May hawak akong kutsilyo at iyun ang ginamit ko bilang higanti sa ginawa nito sa akin. Sinugatan ko ang magkabilang braso niya saka isinaksak sa kanyang tiyan. Tamang-tamang nasa malapit sa hagdanan kaya’t doon na siya nahulog at namatay.
“Dalawa pa ang natitira. Uubusin ko silang lahat!”
Pinuntahan ko na ang dalawang pumaitaas.Naroon na sila sa rooftop at takot na takot. Nagpatulo ako ng dugo mula sa mga braso kong duguan at malapit ng maghiwalay. Nanlaki ang mga mata nila. Nagpunta na ako sa kanilang harapan at sindak na sindak ang reaksyon ng kanilang mga mukha. Ngunit ang isa, pinutok niya ang kanyang baril sa akin na sa tingin niya ay maaari pang makapatay sa akin. Ngunit walang nangyari dahil wala na akong pakiramdam dahil yon sa kanila. Kinuha ko ang baril at sa kanila ko ito ipinutok. Sa dibdib, sa ulo at sa paa. “Kawawa naman kayo.” Sambit ko pa kasabay ng pagsunod-sunod na putok ng baril para sa kanila hanggang naubos na ang bala nito.
“Aaahhh!”sigaw ko.Hinanap ko si Gek. Hindi. Hindi ko siya kayang saktan at kahit man lang takutin ay hindi kayang gawin. Mahal ko siya kahit ang lahat ng pinaramdam niya sa akin ay puro kalokohan lang.
Narito si Gek, nakahiga at mahimbing ang tulog. Kitang-kita ko ang emosyon ng mukha niya. Masaya siya. Hindi ko talaga maintin-... Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. May dalang pagkain, sa tingin ko para ito Kay Gek.
Hinalikan ng babae si Gek sa pisngi. Napatakip naman ako ng bunganga bilang pagpapakita na nagulat ako. Patay man ako pero heto ako, nagtatanong sa nakikita ko. Nagising na si Gek at bumangon. Naghalikan silang dalawa?! Sa tingin ko'y hihimatayin na ako pero patay na ako kaya't wala na dapat akong nararamdaman pero lalomg nadudurog ang puso ko.
*End of Flashback*
Ginising ko ang sarili mula sa pagkakapikit. Oo. Patay na ako at si Gek ang dahilan. Bumabalik ang "Mahal na mahal kita, Rina." Plano ni Gek ang pagbilog sa akin. Ang lahat. Plano niyang patayin ako. Plano niyang pahirapan at saktan.
Hindi na ako gumawa ng kung ano man. Ninais ko nalang na magpakasaya siya sa piling ng isang babaeng ramdam kong tunay niya na itong mahal. Natatakot lang akong malaman na ang lahat ay wala lang.
"Plano mo ito. Hindi tayo itinadhana pero tadhana kong mamatay dahil sa plano mo. Pangako, hindi kita guguluhin. Ang pangako kong ito ay hindi babasagin kahit anong mangyari. Dahil ako parin ito, ang Rina Cruz na kaibigan, kababata at minsang pinatay. Gagawin ko ito para sa akin o sa iyo? Basta, mahal kita. Hindi sapat ang naibigay kong pagmamahal noong akoy buhay pa kaya ngayon, magpaparaya at tatanggapin kita- DAHIL MAHAL KITA.
BINABASA MO ANG
Dahil Mahal Kita
EspiritualAng buong bahahi ng istoryang ito ay hindi kinopya mula sa iba. Ang lahat ay kathang-isip ng may akda. Ang istoryang ito ay bagamat may karahasan, ay matutunghayan ang magkaibingang nag-ibigan na humantong sa hindi inaasahang pangyayari. Kailangan...