Chapter 4: #Gulo

154 4 0
                                    

Totoo ba ito? Si Gek? Nasa harapan ko? Nagtataka parin ako kung bakit siya nandito sa Maynila? "Gek? Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" Sunod-sunod na tanong ko.

Ngumiti lang siya at bigla akong binuhat at pinaikot-ikot.

Gulat na gulat naman ako sa ginawa niya at sinasabihang ibaba na ako.

Binaba niya ako at hinarap ang kanyang sarili sa akin.
"Rina, salamat at nakita kita. Natagpuan at ngayon, makapaguusap na tayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Medyo natawa pa ako pero biglang napunta sa isipan ko ang panaginip ko. (Magkakatotoo na ba?) Napangisi ako at tinignan siya sa mata.

Yung mata niyang kumikislap at mapungay na butuin na nasa harapan ko na at nakatitig din sa akin. (Bakit parang nahuhulog na ako sa bestfriend ko?)

"Bakit ka nakatingin sa akin?" Tanong ko. "Kasi nakatingin ka sa akin." Pilosopong tugon niya.

Napangiti naman kaming dalawa. Hinila niya ako at naglakad patungo kung saan. Sumama nalang ako.

Pakiramdam ko parang ang saya saya ko at parang limot ko lahat ng lungkot. Dahil ba ito kay Gek? Si Gek na bestfriend ko pero ngayon, magkahawak ang kamay at naglalakbay sa lugar na hindi alam ang patutunguhan?

Bakla. May bakla kaming nasalubong at...

“Ikaw girl, ikaw ang hanap ko!” pinatayo niya ako’t pinaikot. Kasama ko noon si Gek. Kitang kita kong nasisiyahan siya para sa akin. “Pak na pak ka girl!” sabi ng bakla. Ako nga pala si Mark. Isang choreographer at make-up artist. Ngumiti lang ako. “May beauty contest  diyan sa plasa sa makalawa. Isasali kita ha!” alok niya. “Po? Wala pa po akong experience sa sa mga beauty pageant na ‘yan kuya.” Sabi ko. “ Ako ang bahala sayo girl. Sumama ka sa akin.” Sabay hila sa braso ko para sumama sa kanya. Tiningnan ko si Gek at tumango lang siya na parang nagpakita ng suporta. Dinala niya ako sa isang bahay at binilinan niya akong
maglinis ng katawan at mageensayo kami pagkatapos. Bibili lang daw siya ng aking gamit. Nasiyahan ako. Ito na ang aking pangarap. Malapit ko nang makamit.

“Ayan, Rina, the Princess in the palace.” Puri ni kuya Mark sa akin nang matapos akong ayusan  na tuwang tuwa. Panay din naman ang galak ko at kumpyansa akong ako ang mananalo dahil nakita ko na ang aking mga kapatimpalak. Malaki ang tiwala sa akin ni Kuya Mark kung kaya’t hindi ko ito sisirain. “Do your best,Rina!” sambit niya kasabay ng pagtapik niya sa pisngi ko.
Huminga ako ng malalim dahil ako na ang magrerepresenta sa harapan ng maraming taong nanood.

Sa totoo lang, nenenerbyos ako. Pero tinatagan  ko ang aking sarili. Suot ang creative costume, buong husay kong nirampa at nagpakilala. Paglabas ko palang, sigawan na ng mga tao ang naririnig ko. “My name is Rina Cruz, 19, representing the The Blue Mariton Eagle. And I do believe, if other’s can, why can’t I. Thank you.”

Nakakabinging palakpakan ang nagbigay sa akin ng motibasyon. Casual attire, Formal attire… nakita kong proud ang kuya Mark sa akin dahil sa ginawa ko.

Pero mas lumakas pa ang hiyawan noong talent portion na. Ginawa ko lahat ng bilin sa akin ng kuya Mark. Ang pagdala ko ng banga habang sumasayaw kasabay ng paglalaro ko ng apoy. Patunay ito kung bakit nakamit ko ang “Best in Talent”, “Best in Creative Costume”, at “Best in Formal Attire”. Halos di ako makapaniwala noon dahil lahat ng minor awards ay nakuha ko na. Isa nalang, ang titulo at ang KORONA. “Question and Answer portion”. Kinakabahan na ako lalo. Baka kasi hindi ko masagot ng tama ang tatanungin sa akin. “If you were compared to anything, what is it and why?” napaisip ako’t panandaliang hindi nakaimik. “Maraming salamat po sa inyong tanong. Kung ikukumpara ko po ang aking sarili sa kahit ano., ako ay katulad ng isang
bangkay. Patay man ang kaluluwa ko dahil sa kahirapan ng aking buhay, buhay pa ang espirito ko para magpatuloy at bumangon mula sa aking kinababaunan at mabubuhay muli bilang tao. Mula sa kinasadlakan, babangon akong muli para sa aking kinabukasan. Maraming salamat.” Nagtayuan ang mga tao at humiyaw muli. Hindi ko namalayan ang aking sagot. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang mga katagang iyon. Ngunit alam ko kung saan at kanino ako humugot ng tibay at lakas, kay Inay. Labis ang pagiyak ko noong kinoronahan na ako at inabot ang tropeyo kasama ng sampung libong piso na aking premyo sa pagkapanalo. Iyak ng kaligayahan, ‘yan ang reaksyon ko.

"Asan si Gek?" Buong panahon ng patimpalak ko ay hindi ko siya nakita maski anino niya. Masaya man ako sa pagkapanalo ko pero parang may kulang.

Binalewala ko nalang ang nararamdaman ko at nakisama nalang sa daloy ng mga oras na iyon suot ang korona.

Pauwi na kami noon ni kuya Mark dala ang tropeyo at titulo ko.

Masayang-masaya kaming dalawa. “Oh diba, nagawa mo girl! Proud na…” nagulat ako sa biglang  pagtakip sa bunganga nito ng isang lalaki. At dahan-dahan ang iba pang mga lalaki ang pumalibot sa amin. Natakot ako’t hindi alam ang gagawin. Nais kong tumakbo ngunit nakaharang na sila. Napaatras nalang kaming lahat noong may isang matulin na van ang huminto sa aming harapan. Binuksan ang pinto at hinila ako papasok. Wala akong nagawa kahit sigaw, wala. Natakot ako ng lubos. Nang nakapasok na kami sa loob kasam rin si kuya mark na halata ring takot na takot, may pinaamoy sa amin at maya maya pa ay nawalan na kami ng malay.

“Kuya Mark!!!” sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga mapangahas na kamay ng mga dumukot sa amin. Halata sa kanya na pinahirapan na siya kaya’t hindi na nakasagot. Ipinunta kami sa isang silid na walang bintana. Madilim. Itinulak ako sa isang papag doon at muling may pinaamoy sa akin. Nawalan ng malay at…

"Rina, patawarin mo sana ako. Kahit hirap akong bumyahe papunta dito, para tagpuin ka, pahulugin ka, pinagmukhang mahal na mahal kita at pinasaya... Sana maintindihan mo kung bakit ko ito gagawin sa iyo..." sabi ni Gek habang nakikita siyang nakaluhod at nagmamakaawa.

Dahil Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon