chapter 6: #Murder

139 2 0
                                    

Pinilit kong makalabas sa kwartong iyon matapos ding lumabas ang mga lalaki. Wala akong pakialam sa nararamdaman ko basta kagustuhan kong makatakas mula sa bihag nila.

Iniisip ko si Gek na sana narito siya ngayon at iligtas ako. Pero wala akong idea kung nasaan siya.

Hindi ko man alam ang pasikot-sikot sa lugar na iyon, pagtitiyagaan ko ang paghahanap ng daan upang makatakas na roon.

Pagkalabas ko sa pintuan ng bahay na iyon, nakahinga ako ng maluwag sa kabila ng sakit na nararamdaman. Nakita ko ang gate. Binilisan ko pa ang paglakad na papilay-pilay upang tuluyan na ring makalabas sa lugar na iyon. Masukal na paligid ng pinanggalingan kong bahay. Halatang hindi tinitirhan at luma na ito.

Malapit na ako sa gate nang naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng isang mabigat at may talim na bagay na tumama sa aking likod dahilan para ako ay kailangang humarap para makita kung ano iyon.

Nakita ko ang mga lalaki, may dalang  palakol ang isa, itak naman ung isa, habang baril ang isa pa at kutsilyo naman sa ibang pang tatlo. Binaril ang aking dalawang paa. Nakita ko pagputok ng dugo mula sa mga paa ko. Napaluhod ako. Walang ano-ano’y binaril na rin ako sa dibdib na nakatumbahan ko. Pakiramdam ko noon ay walang kasing sakit ang nararanasan ko. Gusto ko nang bumitaw. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang naramdama kong sinaksak pa aking tiyan. Tinaga ang aking mga kamay hanggang itoy naghiwahiwalay. Tumulo ang luha ko kasabay ng pagpikit at pagsuko ko. Hindi ko na kaya.

Ilang sandali pa ay nagising ako. Walang maramdaman na sakit. Para bang nanaginip lang ako. Bumangon ako. Nabigla ako dahil para akong lutang.

Lutang? Ibig sabihin, ispirito nalang ako. Nakita ko ang katawan kong dugong-dugo. Naalala ko ang inay dahil sa katawan kong kaawaawa. Nkita ko rin ang mga ginamit sa pagpatay sa akin ng mga lalaki. Naroon ang itak na puno pa rin ng dugo, ang kutsilyong nakasaksak pa tiyan ko. Sa sandaling iyon, bumalik ang mga lalaki. Nakavan sila. Parang  binalikan nila ako.

Napatunayan ko sa aking sarili na ako’y ispiritu na lamang sapagkat hindi na rin nila ako nakita. Mas lalo pang nabuo ang galit ko matapos kong nasaksihan ang pagtatadtarin at pinirapirasong katawan ko. Para ba akong ginawang baboy na ganoon na lamang ang ginawa. Wala silang pakialam at parang wala silang pakiramdam. Maski konsensya, wala rin sila. Pare-pareho sila.

Matapos ang pagtadtad sa akin, ikinarga ako sa isang maleta na parang ginawa akong damit  na isiniksik sa maletang dala nila. Ang pinugot nilang ulo ko ay inilagay na lamang sa sako at ikinarga sa van kasama ng maletang laman ang iba pang parte ng katawan ko.

Sinundan ko ang van.
Kahit papaano, parang nagalak ako dahil nakakalipad ako sa pagiging lutang. Mas binilisan ko pa ang paghahabol sa van.

Dumako kami sa isang liblib na lugar. Masukal at abandonadong lugar. May nahukay na parang nakalaan para sa pirapirasong parte ng katawan ko.

Binuksan ang maleta at inilaglag ang parte ng katawan ko sa butas. Dahil maliit lamang ang butas na hinukay nila, isiniksik ang katawan ko roon.

Ipinaibabaw ang aking ulong nakalagay pa sa sako. Kitang-kita ko kung paano nila pikpikin ang lupang sinuklob para matakpan ang karahasang ginawa nila. Pagkatapos, umalis na sila na parang wala lang nagmamadaling kalmado.

Sa tingin ko'y sunog na sunog ako sa galit. Napapikit ako at "Rina, patawarin mo ako." Si Gek na naman? Bakit ba siya laging pumapasok sa isipan ko? Anong kinalaman niya sa lahat ng ito? Meron nga ba?

Dahil Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon