AERION"S POV
Nasa kwarto ako, nakatalikod ako sa salamin para makita ko ang tattoo ko sa likod.
Nasa ganung pwesto ako ng pumasok si kuya sa kwarto.
"Staring at it again?"
Sumandal sya sa may pinto
" May kailangan ka no?"
Naglakad naman sya palapit sa akin.
" Alam mo ba kung para saan ang tattoo mo na yan sa likod?"
Huh? may reason ba 'tong tattoo na 'to.
"Bakit para saan ba 'to?"
"Pag sinabi ko ba sayo maniniwala ka?"
Niloloko lang ata ako nito ni kuya e!
" Kuya naman! Lakas mo na namang mantrip e."
Natawa naman sya............mabait naman talaga ang kuya ko e. madalas lang talaga syang may topak.
"Una sa lahat, kambal tayo."
Ano daw?
"I'm not buying it. Hindi naman kapani-paniwala ang sinabi mo, hindi naman tayo magkamukha eh! medyo magkahawig lang tayo."
"Magkamukhang-magkamukha tayo, ganyan din ang itsura ko nung bata ako......"
ang labo naman ng isang 'to.
"Kambal tayo,................. pero mas matanda ka sa akin ng ilang taon, pano nangyari yun?"
Seriously?
"Frozen ka sa ice crystal para ma-seal ang flames mo, at the same time nafreeze din ang pagtanda mo, that circle on your back is no ordinary tattoo. that's your seal."
ahmm, still loading...
"And you expect me to believe that?"
" You have to, alam mo naman ang black flames ko di ba?"
Naglabas sya ng black flames sa kamay na para ipakita sa akin..
"Our mom, Alexiel, naniniwala sya na ang flames mo ay mas malakas pa sa akin, kailangan lang nating pakawalan yan."
OoO
"Bakit ano ba ang meron?"
" Naniniwala sila na ang kalaban natin ngayon ay ang tatlong anak ni Satan. Si Gremory, Clea and Sarine, malabong manalo ako
kay Gremory, baka nga kay Clea mamatay na ko, funny right? I'm consider as the oldest brother pero ipapasa ko sayo ang trabaho ko, hahah."
Tapos biglang sumeryoso si kuya.
" I want to protect you, all of you, kaya lang tapos na ang golden age ko. Panahon na sigero para ikaw naman ang maghari sa dark era na to."
"Kuya.........ano ka ba? Nagpapa-alam ka ba?"
Nginitian nya lang ako.
" Hindi ka naman aalis di ba?"
Tumalikod na sya sa akin pero nagsalita muna sya bago lumabas.
" Dito lang ako, kailangan ko pa kayong bantayan e, Anyway...call me Ciro, that's my real name."
Tapos umalis na sya. Ano daw? Ciro?
Problema ni kuya?
Mga ilang minuto pa.........si Razor naman ang pumasok.
" He's telling the truth.......mahirap paniwalaan....oo,pero totoo.."
BINABASA MO ANG
Twilight Academy ll (The Dark Era )
VampirosTWILIGHT ACADEMY It's just your typical high school story. You go to school for the sake of your grades, your parents, your future or a simple way to see your crush almost everyday. It's just that Twilight Academy is a special private school. The fi...