Chapter 16

57 0 0
                                    

Prom na namin.... sino kaya ang kapartner ko? di ako excited kinakabahan ako lalo pa't ngayon na sasabihin kung sino yung makakapartner namin sa nasabing prom night...

"Okay class, eto na yung listahan ng makakapartner nyo this coming Friday para sa prom.." sabi ni Ms. Landicho habang kinkuha yung bondpaper sa bag nya....

Parang biglang naging bubuyog tong mga kaklase ko, nagchismisan agad yung iba kinakabahan baka kasi hindi nila type yung magiging partner nila.... biglang sumigaw si Ms.Landicho "Quiet... eto na partner nyo.... si Bea Alvarez si Kimpoy Feliciano ang Partner"

napatingin agad ako kay Bea at bigla siyang sumimangot alam ko namang ayaw na ayaw nya kay Kimpoy thus yun pa kapartner nya sa JS Prom di ba ang awkward

Tinuloy ni Ms.Landicho yung announcement ng mga magkakapartner "Sabrina Sarrossa your partner will be Aldreg Choi"

Nabuhay ang natutulog kong diwa nang marinig kong ka partner ko si Aldreg, hala?! paano yun edi mas awkward kasi my tampuhan kaming dalawa... alam kong bawal kumontra dahil kapag ginawa ko yun chak! mapapahiya lang ako sa klase namin....

"May Practice mamayang uwian so kung my mag susundo sa inyo sabihan nyo na para hindi sila mag-antay or mainip" paliwanag ni Ms.Landicho sabay labas ng classroom namin....

Free time nanaman dre, sarap ng buhay pag ganito.... lumabas ako at pumunta ulit dun sa rooftop ng school namin kung saan ako tumakbo noong habang umiiyak.... gusto ko lang lumanghap ng preskong simoy ng hangin masyado kasing polluted ang hangin sa loob ng school lalo na dun sa Classroom, ewan ko ba dapat diba boys ang magayaya sa girls para maging promdate nila thus sa school namin sila yung namimili wala tuloy kaming karapatan magreklamo ... I hate this school and I HATE MY PARTNER >.<

Makalipas ang ilang oras eto't uwian nanamin... diretcho tuloy kaming mga seniors at juniors dun sa Airconditioned Gym namin para magpractice...

Eto na nakaharap na kami sa isa't-isa .. di ko nga siya matingnan sa mata eh... still isa paring misterio para sa akin kung bakit siya biglang nagalit, pag tinatanong ko siya kung may nagawa or nasabi ba akong mali sa kanya kaya siya nagalit hindi naman siya sumasagot. My problema ba kaya siya sa utak?! haaayyyy buhayyy....

Ilang oras na ang nakaraan at natapos rin yung practice sobrang pagod na ako gusto ko na magpahinga nang makarating ako sa bahay namin ay umakyat agad ako sa kwarto ayun Plangak sa kama hindi pa nga ako nakakapag palit eh....

*Kinabukasan : Walang pasok dahil busy sa pagsasaayos ng JS Prom* 

Tinanghali na ako ng gising and guess what tinatamad pa ho akong bumangon kaya I tried to sleep again para man lang marelax ko tong stressed face ko......

Hanggang sa:

"anak wake up!!! mag hahanap pa tayo ng prom dress mo" sabi ni mommy habang inaalog yung buong katawan ko

Dahan dahan kong kinusot yung mga mata ko at bumangon para maligo....

Makalipas ang ilang minuto natapos na ako sa pagligo at nagbihis na, antok na antok parin ako pero kailangan kong kumilos dahil Tuesday na ngayon at sa Friday na ang Prom namin kaya kailangan ko narin humanap ng damit na maisusuot..

Napunta kami kung saan saang botique dito sa Mall hanggang sa

"Ma, this is the perfect dress for me" sabi ko habang hawak yung dress at hinihimas ang tela nito

Chineck ni Mommy yung price ng damit and it cost 20,000 pesos yung design nya ay Short dress lang pero sobrang mahal ewan ko ba kung my halong ginto ito kaya nagmahal ng ganon...

Kissnatcher {Ft.Kimpoy Feliciano} (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon