Its been a week since makalabas ako ng ospital eto ako ngayon malungkot kasi 1 week narin ang nakakalipas ngaunit wala paring KIMPOY FELICIANO na nagpaparamdam sakin buhay pa kaya yon?! wala naman siyang trabaho para maging busy siya?! hindi pa naman thesis making
"Oh sis bakit malungkot ka?" biglang sulpot ni Bea kabute ba tong babaeng to o tao?
"Hindi pa kasi nagpaparamdam si Kimpoy simula nung lumabas ako ng ospital eh" nakapalumbaba nanaman ako
"Busy yun loka alam mo naman kapag sikat dito sa school daig pa teachers sa sobrang busy"
"Ah basta nagtatampo ako"
"Sus! nagpapacute" pangaasar nyang sinabi
"Eii hindi noh! tara nga dun tayo sa Gym" pagyaya ko sa kanya at tumakbo patungo saan pa edi sa Gym
Nang makarating kamo doon ay bigla kong nakita si Aldreg at si Kimpoy nag-uusap hindi ko man intensyon makinig pero wala eh nandito na kami eh
nakikita ko sa mga facial reaction ni Kimpoy na galit siya at anytime gusto nya nang baragin ang mukha ni Aldreg pero nang makita ako ni Kimpoy dun sa kabilang dulo ay agad siya naglakad papunta sa amin
"Hey what happened?" agad kong tinanong si Kimpoy nang makalapit ito saamin
"Wala wala nag uusap lang kami sige una na muna ako huh may gagawin pa kasi ako eh sunduin nalang kita mamayang uwian" sabi nya then he walked away leaving me clueless
Nang makalayo na siya agad naming nilapitan si Aldreg kahit na hanggang ngayon ay hindi kami nagpapansinan
"A-aldreg" naiilang kong sinabi
Lumingon siya sa amin at nakita ko ang mga luha nyang tumutulo and I bet its about Kimpoy
"A-aldreg si k-kimpoy ba ang dahilan nyan?" siguro naman alam nya kung ano yung tinutukoy ko (yung luha)
Nakita kong tumango siya matagal na naming alam na bakla itong si Aldreg alam narin itong ng mga magulang nya kaya labis ang pag uunawa namin sa kanya
"Anong sinabi nya sayo?! sinaktan ka ba nya?" sunod sunod kong tinanong sa kanya
"Hindi pero Sab please pati ikaw Bea kung ano mang sasabihin ko sa inyo wag nyong babangitin kay Kimpoy" nanginginig nyang sinabi
"PROMISE" sabay naming sinabi ni Bea
"Pinagbantaan kasi ako ni Kimpoy na ipabubugbog nya daw ako once na magsalita ako sa inyong dalawa lalo na sa iyo Sab"
"Tungkol saan ba yun at para bang big deal na big deal sa kanya iyon?"
"Sab mas mabuti nang ikaw ang makaalam ng pinaggagawa ng boyfriend mo ayokong malaman mo pa ito sa ibang tao kaya mas mabuti nang ikaw ang makaalam" sabi nya
Agad naman akong napaisip ano naman kayang kabalastugan ang ginagawa ni Kimpoy at hindi ko pa ito alam... sana mali ang iniisip ko sana hindi to totoo
"Iwan ko muna kayo dito ni Aldreg ha! mag-usap kayo ng mabuti" sabi ni Bea at hayun kumaripas na ng takbo
Naiwan kami dito ni Aldreg sa gitna mismo ng Gym nakaupo kami sa sahig
"Aldreg ano ba talaga ang nangyari ano bang meron?" pilit ko siyang pinapaamin
"Sab kung sasabihin ko man sayo ito paniwalaan mo man o hindi ang totoo nyan kasi nung araw na papunta ako sa locker area ata ano narinig ko yung usapan ni Kimpoy,Sean, at Easy na pinagpupustahan ka daw nila"
Para bang nanlumo ang aking buong paligid hindi ko alam basta parang nanghina ako sa mga narinig ko kay Aldreg
"T-totoo ba itong sinasabi mo Aldreg? alam ko namang galit ka sakin pero please" mangiyakngiyak kong tanong
"Oo sorry to say about that pero lahat ng sinabi ko ay pawang katotohanan kilala mo ako Sab kilala mo ako bago mo pa makilala yang si Kimpoy at alam mo sa itchura ko kung nagsisinungaling ako"
Tama si Aldreg mas kilala ko siya kesa kay Kimpoy alam ko ang bawat hiniga't utot ni Aldreg kesa kay Kimpoy pero sino ba dapat ang paniwalaan ko si Kimpoy ba na boyfriend ko o si Aldreg na Bestfriend ko?!
Jusmio ano toh showbiz lang kakalabas lang ng ospital my intriga agad?!
Makalipas ang ilang minuto nanatili parin akong tulala nagpapanggap nga lang ba si Kimpoy?!
Heto't inaantay ko si Kimpoy ngayon sa Waiting Shed dahil pinangakuan nya ako na susunduin nya daw ako
Ilang oras na ang nakalipas pero wala parin siya ano napako nanaman ba ang pangako nya? hindi ko na siya inantay kaya umuwi na ako sinabihan ko pa naman si Mang John na hindi ako sasabay dahil ihahatid daw ako ni Kimpoy
So ano toh?! magcocommute ako? first time ko kaya tsaka hindi ako marunong eh!! ayyyttt bahala na...
Buti naman at nakakita ako ng Taxi agad ko itong pinara at sumakay
Makalipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa bahay hindi ko ipinahalata kayla mama na malungkot ako dahil mag-aalala lang ang mga iyon
"Anak are you okay?!" tanong ni Mommy
"Yes ma, sige po pahinga lang po ako" kasabay ng pagbanggit ko ng mga katagang iyon ay agad akong lumuha hindi ko alam kung bakit kung dahil ba sa sinabi ni Aldreg o kaya dahil sa hindi nya ako sinundo?!!
Nnag makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin habang tumutulo ang luha sa aking mga mata
"Panget ba ako? di naman ako nerd maayos naman ang mga ngipin ko maayos naman ang mukha ko fair ang skin ko pero anong dahilan ni kimpoy para saktan ako ng ganito?"
Alam ko wala pang kumpirmasyon sa pinaggagawa nya pero iba talaga pag ang babae na ang naghinala palaging tama sana talaga hindi ito tama ayokong masaktan ayokong ma broken hearted sa taong una kong minahal at naranasan ang unang pagmamahal na matagal ko nang hinahangad
Buong araw ako nagkulong dito sa bahay wala na akong balak lumabas pa ayoko munang harapin ang realidad na balang araw lolokohin at sasaktan lang ako ni Kimpoy hindi pa ako handa ayoko pa....
Andito lang ako nakatitig sa ceiling ng kwarto ko hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga pinagsasabi ni Aldreg haissstttt sabihin na nating paulit-ulit ako pero sana talaga hindi totoo ang mga sinasabi nya...
Kanina pa ako tinatawag para kumain pero hindi parin ako sumunod hinatiran na ako ng pagkain pero nilalangaw na echos pero di ko parin ginagalaw hindi ako nakakaramdam ng ano mang gutom ngayon oh sadya bang kinakain na ni Kimpoy ang utak ko at naisantabi ko muna ang salitang GUTOM??? Kimpoy pleasee sana hindi ikaw yung inaakala kong masamang tao Kimpoy ikaw ang mahal ko wag mo sana akong lokohin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
END OF CHAPTER 25
Eto na po at dalawang chapter ang inupdate ko para sa inyo
hehe sana po nagustuhan nyo parin