Chapter 20

54 0 0
                                    

KIMPOY'S POV 

Thursday night , nagiimpake na ako para bukas excited na nga ako eh.... bigla naman ako ginambala ng isag phone call mula kay Easy

"Hello pre, bakit ka napatawag?" sabi ko habang iniipit ko yung phone dun sa balikat ko kasi nga nag iimpake ako

"Pre, ang tagal mo naman eh!!! kelan mo ba sisimulan yung kay Sab? pag sinagot na ni Eula si Migs wala na"

"Sige sisumulan ko na promise" then I cutted the line... pinagpatuloy ko nalang yung pag iimapke ko thus natulog ng maaga

*NEXT DAY* 

Papunta na kami kayla Sabrina isang bahay lang naman ang pagitan ng bahay namin sa kanila...

*DingDOng..... DingDOng*

"Buti nakarating na kayo!" si Sabrina talaga ang nagbukas ng gate huh!! hahaha

"Syempre hindi namin toh pwedeng mamiss noh!" sabi ni Ate Kaye sa kanya at nagyakapan pa ang dalawa, sana ako din mayakap nya... 

Pumasok na kami sa loob ng bahay nila kami nalang pala ang inaantay eh!! tsk akala ko kami yung una late na pala toh! Anyways kumain muna kami saglit sa kanila then pumunta na dun kung saan man located yung private plane nila, balita ko hindi kasama yung parents ni Sab ngayon baka daw sa Tuesday na sila dumating dun sa bora gawa ng business nila. Andito rin pala si Aldreg pero walang kakibo-kibo.....

Nang makarating kami ay agad kaming sumakay sa private plane katabi ni Sab si Bea ako naman si Aldreg si Ate Kaye kasi katabi yung isang pinsan ni Sab si ano si Ate Bree ata yung pangalan.. sinubukan kong ngitian si Aldreg nang mahuli ko siyang nakatingin sakin pero yung mga mata nya nanlilisik sa galit, siguro sya ang nagsabi kay sab na pinagpustahan namin siya ng mga kaibigan ko.... kung hindi nga lang dahil kay sab eh nasapak ko na tong kutong lupa na toh eh!!!

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa Bora syempre ineskort kami nung mga alipores ng magulang nya dito dahil binalita narin ata nila na dito magcecelebrate ng 19th birthday si Sab.

Nang maihatid na kami sa kanya-kanya naming kwarto... si Ate Kaye ang kasama ko magkapatid naman kami eh, si Sab si Bea ang kasama si Aldreg naman kasama yung pinsan ni Sab na lalaki si Kuya Maky at Kuya brenn .... sabi samin ni Sab pupunta daw kami mamayang ala-sais sa labas para manuod ng fire dance kaya nga excited ako eh! mga pinsan at friends nya palang ang nandito kaya puro bagets kami

Eto't naghahanda na kami dahil malapit na mag 6o'clock so andito na kaming lahat si Sabrina at si Bea nalang ang hinihintay naming bumaba... pero ilang saglit lang ay nakita ko na ang anino ng dalawa na mukhang bagong gising lang,,,, 

"Lets go?" pagyaya ni Sabrina at Hayun! lumabas na kami ng Hotel nila at nagpunta kung saan idinaraos ang isang fire dance performance...

Syempre umupo ako sa tabi ni Sab na kanina pa hindi mapakali, hindi ba siya nag-eenjoy dito? eh bakit eto yung destination na pinili nya kung ayaw naman nya dito?!

"Hey, okay ka lang?" tanong ko sa kanya kanina pa kasi nya inililibot ang paningin nya kung saan-saan.... "Wait lang ha, my kakausapin lang ako" bigla siyang tumayo, agad naman ako nagsalita at tinanong kung sino ang kakausapin nya" Sino kakausapin mo?" pero its too late nakatakbo na pala siya papalayo kaya nagmukha akong tanga dun ah!" sinong kausap mo Kimpoy?" tanong ni Ate kaye.... ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa mga nagpeperform "Wala" pero sumagot parin ako sa tanong ni Ate....

SABRINA'S POV 

Sabay-sabay naman kaming pumunta dito sa Boracay pero bakit parang humiwalay samin si Aldreg... hinanap ko siya kaya ako umalis dun sa show kanina... gusto ko kasi bago ako magbirthday magkabati na kaming dalawa... 

makalipas ang ilang minutong paghahanap sa kanya ay nakita ko siya dun sa gilid ng dagat pinaglalaruan yung buhangin... agad ko naman siyang nilapitan at umupo sa tabi nya.. halata namang naiilang siya nang makita nya ako

"Wait wag ka muna umalis..." sabi ko habang nakahawak yung kamay ko sa mga braso nya

"Tss para saan pa? eh hindi ka naman naniniwala sakin eh" pagdadahilan nya

"Umupo ka nga muna at marami pa akong sasabihin sayo" hinatak ko yung kamay nya at bigla siyang napaupo.... the I started to open my lips "First of all salamat dahil nakarating ka... second is wala akong kinakampihan sa inyo ni Kimpoy ang akin lang naman Aldreg bigyan nyo siya ng chance na makilala ang totoo kimpoy.. hindi lahat ng iniisip natin sa isang tao ay tama... naalala mo pa ba nung una tayong magkita? yung business meeting dun sa bahay namin, diba palagi mo ako nun iniirapan so inisip ko na sobrang yabang mo, and yet ano? diba naging magkaibigan tayo? so I was wrong na isipin ko na mayabang ka kasi nung mga panahong iyon hindi pa kita kilala ng masyado, so If I were you sana kilalanin mo or nyo muna si Kimpoy...." ibinaling nya ang tingin nya sakin at nagsalita "Alam mo kung puro Kimpoy Kimpoy nalang ang pag-uusapan natin, aalis nalang ako"

Alam ko naman na sa awayan toh mapupunta kaya nga bigla akong lumuha eh at tumayo "Aldreg sana isipin mo na wala akong kinakampihan sa inyo, sorry kung ayaw kong maniwala sayo huh, kasi ayokong manghusga o mangbintang sa isang gawain or kasalanan na hindi ko pa nakikita o nararamdaman, sana Aldreg magkaayos tayo, yun kasi ang isa sa mga hinihiling ko sa birthday ko eh" thus ayun tumakbo na ako palayo at iniwan ko siya dun... hindi na ako manunuod ng fire dance diretcho hotel nalang ako at dun na magpapababa ng tama.... 

habang tumatakbo nakita ko naman sina kimpoy at mga relatives ko na nag-eenjoy kaya hindi ko na binalak na istorbohin sila... patuloy parin ak osa pagkaripas ng takbo hanggang sa :

"Ouch, sorry so-sorry ulit hindi ko sinasadya, pasensya na" sabi ko habang nakayuko baka kasi mahalata na umiiyak ako eh... tinulungan nya naman akong tumayo...

"Are you sure your okay?!" tanong nya saakin

"Oo naman, sige una na ako ha! sorry ulit" thus kumaripas ulit ako sa pagtakbo 

Nang makarating ako sa hotel lahat ng staff ay nakatingin sakin dahil umiiyak ako at puro buhangin yung damit ko gawa ng pagkakabagsak ko nga diba nagkabanggaan kami nung lalaking yun pero tuloy parin ako sa pag-iyak sabihin na nating O.A. ako pero hindi ko talaga kaya eh.. nang makarating ako sa floor ng room namin ni Bea agad akong pumasok at naglock mag-isa agad akong lumundag sa kama at tinakpan ng unan ang ulo ko tsaka nagiiyak at sumagaw sigaw pa..

Makalipas ang ilang oras hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising nalang ako bigla na pinupunasan na ako ni Bea ng basang twalya sa braso ko....

"Sino ba kasing nagsabing magkulong ka dito sa kwarto at matulog ng puro buhangin sa katawan? baliw ka na ba sab?" nasermonan agad ako ni Bea nung makita nyang dumidilat na ang mga mata ko

"Sorry hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako eh!" sabi ko at bumangon na ako diretcho sa banyo para maligo hayyy nakuuu.... sigurado ako pagkatapos ko ulit dito papagalitan nanaman ako ni Bea para siyang si Mommy II eh!! palaging nanenermon.. hahaha.. kaya labs ko yan eh!! tsaka sya lang naman nakakaintindi sakin kapag wala si mommy kaya nga tinawag ko siyang Mommy II eh!! maliban sa pagkabungangera nya ay napaka caring din nya.. <3 <3

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

END OF CHAPTER 20

SANA NAGUSTUHAN NYO

happy EDSA day nga pala sa inyo mga KaKimpoys

Dont forget to vote kimpoy dun sa Myx Music Awards ha!!!

Kissnatcher {Ft.Kimpoy Feliciano} (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon