Today is the ballroom contest day.... grabe yung kaba ko ngayon parang hihimatayin ako... litsii
"Oh mga bakla! Ready na ba kayo?!" tanong ni Sam na hitik na hitik ang make up akala mo siya ang mag sasayaw eh!
"Huh?! eh! wala pa po si Sabrina eh!" sabi ko
"Asan nanaman yung batang yun sabi ko magbihis na eh!" sabi ni Sam sabay tingin sa labas baka makita nya si sabrina doon "Sabrina bilisan mo at malapit na kayo! Bilis !! oh mag practice kayo dapat walang mali" pagsusungit nya
Pumasok na si Sabrina at pumwesto na then we practiced the last.....
"Mahusay! sige yan ang ipakita nyo mamaya kailangan nyo manalo ha! kundi sayang ang pinagpaguran ko sa inyong dalawa lalo ka na sabrina.... Exaggerate your moves wag ka parang lantang gulay" pagbubulilyaso ni Sam at umalis na habang pinapaypayan ang sarili
"Oyyy!! okay ka lang ba't di ka mapakali" tanong ko kay Sabrina kanina pa ako nahihilo sa kanya pabalik balik kasi eh!
"Paano ako di kakalma eh tayo na yung next na magpeperform" sabi nya sabay irap sa akin
"Oh! ayan na tayo na pala yung next lets go" tiningnan ko muna siya ang cute nya pag kinakabahan
"Uhmmm... tara" nagbuntong hininga pa siya
Lumabas na kami ng dressing room at pumunta sa stage.. pumwesto na kami
"Sab, okay lang yan! wag kang kabahan baka makalimutan mo ang steps! relax just go with the flow di kita pababayaan promise" pabulong kong sinabi sa kanya then they played the music and we start dancing
Sumayaw lang kami ni Sabrina as if no one was watching us...... We do the stunts perfectly pati yung lifting at sliding namin na perfect na namin and that was a blast
*Clap Clap Clap*
Nagbow kami sa harap nila hindi na kami umalis kasi kami pala yung last contestant
Nung iaanounce na yung winners grabe yung kaba ko ayaw ko rin kasi matalo....
"The 3rd Place is ........ Ericka and Cedrick" thus pumunta silang dalawa sa harapan at binigyan ng Sash and flowers for Ericka then bumalik din agad sila sa pwesto
"Paano kung hindi tayo manalo?!" biglang bulong sakin ni Sabrina na kanina pa kinakabahan at hindi mapakali
"Tiwala lang Sab... mananalo tayo dito ang lakas kaya ng cheer nila kanina" pabulong ko rin na sinabi
Hindi na siya umimik at ngumiti nalang as if na hindi siya kinakabahan
"The 2nd place is ............ Maricar and Teddy" asual kagaya nung nauna pumunta din sila sa harap para kunin yung award nilang sash and bumalik din.....
"The 1st place is....." grabe na yung kaba namin ni Sab.... si Sab napapikit nalang sa kaba habang napaka higpit ng hawak sa kamay ko.... "The first place is Anthony and Lycka"
Biglang dumilat yung mga mata ni Sabrina kasi We WON nanalo kami.... syempre para masaya kinuha na namin yung award namin and she hugged me so tight that I can't almost breathe....
"Sabi sayo mananalo tayo eh!" sabi ko sa kanya sa backstage
Nang matapos na ang contest pauwi na sana ako ng biglang sinigaw ni Sabrina yung pangalan ko
"Kimpoyyy" sigaw nya, syempre napalingon ako at pumunta sa harap nya
"Baket? may kailangan ka pa?" tanong ko sa kanya
"Uhmm... can you go to our house tomorrow, mom wants to invite you kasi" sabi nya na tila nagaalinlangan pang sabihin
"Uhmm... sure ! sige una na ako ha! see you tomorrow" sabi ko then I run away at sumakay na sa kotse namin na nakaabang dun sa may gate
SABRINA'S POV
"Congratulations Sis !!! ang galing mo kanina grabe" sabi ni Bea sabay yakap sakin
"Thank you sis!!" sabi ko...
"Paano ako?! kaibigan mo rin naman ako diba?!" biglang simangot ni Aldreg
"Syempre ikaw pa?! makakalimutan ko!" sabi ko sabay yakap kay Aldreg
"Congratulations Sabrina, ang galing mo pala sumayaw eh!" sabi nya sakin habang nakayakap ako sa kanya
"Siya siya! sige Sabrina lets go! you need to take a rest.... BTW Aldreg and Bea you can go to our house tomorrow for some dinner victory party at 6pm" sabi ni Mommy
"Sige po tita... ingat po kayo!" sabi ni Aldreg
Umalis na kami at sumakay sa Van ermegheddd I still can't believe that we actually won....
"Congrats Sab ang galing mong sumayaw perfect match talaga kayo ni Kimpoy" sabi ni Mommy
"Thanks ma" sabi ko then I put on my hood and tried to sleep even though our house is on the next street
Ang sakit nung left foot ko kasi nagkamali ako ng bagsak kanina pero I think hindi nila nahalata the truth is nung pagkalift sakin ni Kimpoy biglang natapilok yung left foot ko pero wala tayong magagawa the show must go on and ayun nga worth it naman yung sakit dahil nanalo kami
"Sab we're here" sabi ni Mommy na pababa na pala ng Van... nadala rin ako sa tulog ko akala ko tuloy malayo pa but anyways bumaba na ako at pumasok sa bahay namin.....
Pagpasok ko sa bahay nakaabang agad yung mga yaya ko lalo na ang yaya Fely ko...
"Kamusta po ang contest nyo Madam?" sabi ni Yaya Fely
"Ah ano po kasi alam nyo na!" sabi ko kunyari napakamot pa ako sa ulo ko at nagkunyaring natalo "Kas ano po uhm... NANALO PO AKO!!!" sigaw ko sabay yakap kay Yaya
tuwang tuwa silang lahat nung nalaman nilang nanalo ako sa contest na sinalihan ko.... besides its my first time to join a contest and I actually won!! yeheyy!!!
"Sige po akyat po muna ako sa kwarto magpapahinga na ako" sabi ko sabay akyat dun sa kwarto ko ...
I still couldn't believe this part of my life parang nanaganip lang ako and scared to wake up... haaaayyyy ang buhay nga naman parang life.....
*Toot Toot*
1 message from Kimpoy Feliciano
"Hi Sab! Congrats sating dalawa! sabi sayo eh mananalo tayo, ikaw kasi ayaw mong maniwala sa akin... Congrats ulit"
Napangiti ako sa message nya....
To: Kimpoy
From Sabrina
"Hahaha.... Congrats din sayo!"
Thus pagkatapos ko magreply sa kanya humiga ako at natulog while listening to music ang sarap pala ng pakiramdam kapag nananalo ka sa isang contest na sinalihan mo :DDDDD
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
END OF CHAPTER 12
SANA NAGUSTUHAN NYO MGA KAKIMPOY <3
KUNG HEI FAT CHOI