1 linggo na ang nakalipas mula noong birthday ko hindi parin kami nag-uusap ni Aldreg, I dont know pero kahit sinabi kong "Best day ever" yung birthday na yun parang meron paring kulang eh... nasa classroom pala ako ngayon thus nagvovoice over ako sa sarili kong istoria.... haha anyways eto ako nga-nga parin hanggang ngayon ano bang meron at lahat ng tao ay parang busy?? meron bang pinapagawa si Ma'am kaya nagkakaganyan sila? anong meron sa cartolina? bakit hindi man lang ako nasabihan na magdala para man lang makatulong ako....
Hinanap ko si Bea kung saan saan wala naman siya ano bang nangyayari sa eskwelahan na toh? tsaka wala bang papasok na teacher sa classroom namin? mabango naman dun ah!
Lumabas nalang ako ng classroom at umakyat sa rooftop presko ang hangin doon kaya paborito ko itong puntahan...
Nang makarating ako roon meron ding gumagawa nagdadrawing at naglelettering yung iba
"Hep Hep! bawal pong pumasok dito sorry" sabi nung babaeng naka ponytail
Wala akong nagawa kundi lumabas kelan pa ba naging restricted area ang rooftop? ano ba talagang meron pagbaba ko galing rooftop lahat talaga as in busy.... para silang nagtatrabaho sa isang company ng magazine na nirurush lahat ng articles para sa issue nila this week? my gera ba ulit? anong bansa nanaman ang kalaban ng pilipinas?
Tiningnan ko yung wrist watch ko 2:45pm na so ibig sabihin pwede na umuwi so hayun wala naman akong maitutulong dito kaya naglakad na ako papunta sa parking lot ng biglang my nag announce
"Attention! may we call on Ms.Sabrina Sarrossa to proceed in the Gymnasium now. Again Ms.Sabrina Sarrosa please proceed in the Gymnasium now"
Bubuksan ko na sana ang pintuan patungo sa Parking lot nang marinig ko iyon, si Principal Spencer ang nagsalita kaya agad akong tumungo sa Gym
Lahat ng tao nagdisappear anyare?? kanina lang busy sila ngayon biglang nawawala... tao ba nakita ko kanina o multo? tanging janitor lang ang nandito nagmomop ng sahig syempre alangan naman mukha nila ang I-mop diba?!
Nang makarating ako sa Gym patay naman ang ilaw at walang tao, ako ba pinagloloko ng mga toh?! tumalikod na ako at handa ng lumabas ng biglang pinatugtog yung paborito kong kanta ni Jireh Lim yung pisngi
Ang kutis mong kay lambing, maginhawa sa piling
Ang 'yong ganda, ang lakas ng dating
Hindi ko mapigilang maakit sa'yo
Pag nakikita ko ang buhaghag na buhok mo
Langhap ko ang simoy ng 'yong pabango
Pag kumakapit na ito sa mga palad ko
Hindi makatulog sa gabi
Pag naiisip na hindi ikaw ang katabi
Pero kumapit ka mahal ko
At wag na wag kang bibitaw
Ang tanging hiling ko sa'yo habaan mo pa sana ang pasensya mo
Hindi madaling magbago lalo sa nakaraan na mga katulad ko
Mahal na mahal kita wala nang magbabago sa aking nadarama
Iyong iyo na ako hinding hindi kita isusuko
Sa oras na tayo ay magkasama
Lahat ng baluktot ay tumutuwid
Wala akong ibang hinangad
Kundi malapatan ng ngiti ang iyong mga labi
Kaya kumapit ka mahal ko
