|LMA| 6 •Give her a chance•

3.6K 98 0
                                    

IVO


Maaga kami pumunta ni Mama sa hospital para palitan si kuya Isaac. And para makausap ko na rin ung doctor niya. Di kasi kami nagkaroon ng chance para makausap ko siya kahapon dahil may biglaang meeting ako tapos nagkaroon pa ng insidente na natapunan ako ng kape.

MALAS ko palagi kapag anjan si Paris eh. Pero aaminin ko mas gumanda siya. nag matured na lahat. kaya nga nagustuhan ko siya at binalak ligawan. But that was all in the past hindi na ako magpapadala sa mga mata niyang nakaka-hypnotize.

Pagdating namin sa hospital dumiretso na kami ni Mama sa kwarto ni Isabella. Tamang-tama naman ng pasok namin ni Mama gising na si Isabella.

"Mama, ate!" masaya niyang tawag alam niya kasing uuwi na siya mamaya.

Lumapit si Mama sa kama ni Isabella "ok na ba ang pakiramdam mo?"

Ngumiti si Isabella dahilan para lumabas ang malalim niyang dimples. "Opo mama"

"O sya kumain ka na" sabay labagng mga dala niyang pagkain at inasikaso si Isabella "Isaac umuwi ka na kami bahala dito diba magbubukas ka pa ng shop mo."

Meron kasing maliit na auto shop si kuya dahil un daw ang hilig niya. At ahil hindi siya nakapag tapos ng pag-aaral yun na lang pinagkaabalahan niya pero may times talaga na tamad siya at gusto lang humilata. Hay mahirap pala magpalaki ng kapatid na mas matanda sayo.

Pagkalabas ni kuya dun na lang ako kumilos. Feeling ko kasi pag gumalaw ako mabasag ako dahil kay kuya. Wala talagang pag-asa na magkaayos kami.

Di nag tagal dumating na rin ang doctor ni Isabella na hindi ko inaasahan na siya pa pala ang doctor na tinutukoy ni Isabella na sinasabi niyang mabait, maganda, maagalaga at maalalahanin.

Non other than that Paris Snow Ybarra Cruz.

"Dok Paris Good morning po" bubbly na pagbati ni Isabella

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Paris bukod sa nag mature siya. Napaka ganda niya lang talaga, simpleng babae. Yun ata ang nagustuhan ko sa kanya bukod simple siya napaka buti naman talaga niya. Ako lang naman ang nag isip na masama siya dahil sa pangba-busted na nagawa niya sa akin. Naisip ko bakit niya nga ako papayagan manligaw sa kanya eh wala naman ako panama kay Clarence.

Mayaman

Matalino

Sikat

Gwapo

at higit sa lahat normal siya.

"Anak"

Pero...

"Anak"

May tumatawag ba sa akin?

"Anak!" sa bay tapik sa braso ko

Napaintad naman ako ng konti dahil sa pagkakagulat. Nakarinig naman ako ng mahinang mga hagikgik kaya naman napatingin ako sa likod ni mama at ayun nga humahagikgik sila Isabella at Paris. Napa-ikot na lang ako ng mga mata ko at bnalik kay mama ang atensyon ko.

"bakit mama?" kaswal na tanong ko na akala mo walang nangyari.

Napansin ko naman na naka ngisi si mama kaya napa taas ako ng isang kilay at crossed arms "What?" mejo naasar kong tono.

Lalo naman lumaki ang ngisi ni mama sa akin "ikaw naman anak di ba sabi ko sayo na masama ang tumitig sa isang tao" mapangtukso na sabi ni mama at tinataas taas baba pa ang kilay niya.

Napa kunot naman ako ng noo "Oh oh bawal mag sungit huh" paalala ni mama "mamaya mo na titigan si Dra. Cruz makinig na muna tayo sa sasabihin niya"

At dahil sa sinabi niya feeling ko lahat ng dugo ko napaunta sa mukha ko at bigla na lang nainitan dahil dun. Akala ko walang nakahalata at akala ko hindi ako nakatingin. Marami talagang nalilinlang sa AKALA.

"Tapos ka na anak?" pag pukas sa akin ni mama sa gitna ng wondering thoughts ko.

"tapos ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"tapos ka na ba makipag usap sa isip mo?" ngiti ng malaki "mamaya na yan di ka rin naman mananalo sa isip mo" makahulugan niyang sabi.

"Anyways anong status ng kapatid ko? ok na ba siya? Wala na bang ibang kumplikasyon? Pwede na ba siyang umuwi ng tuluyan?" sunod-sunod kong tanong

na ikina-amused ng tatlong babaeng kasama ko sa kwartong ito na halatang pinipigilan wag matawa.

Hinawakan ni mama sa braso ko at hinaplos halos niya iyong ng pababa at pataas "Anak hinay-hinay lang di naman nag mamadali si Dra eh." Ngiti ng malaki "mukha naman may sasakyan si Dok kaya malamang walang taxing nagaantay jan kaya hinay hinay anak. Uso ang slow down" pang-aasar niya di ko kinakaya ang pagka millennial ni mama.

Naikot na lang ako mata at binalik ko na lang kay Paris ung atensyon ko at hinintay na matapos siyang tumawa. With one last laugh natapos na siya and she composed herself again then she looked ate her clipboard which is the record of my sister.

"So far ok na ang kapatid mo. But may ipe-prescribe akong medicine for her daily dose. Lalo na kailangan niya ng vitamins. and lots of water wala munang kahit anong beverages drinks." paalala niya. and so on and so fort.

After nun lumabas na si Paris dahil kailangan na siya ng iba niyang pasyente. After lunch pwedeng ma-dis-charge si Isabellaw.

~~~~~~~~~~~~~~~~'


"Anak give her a chance" out of the blue na saabi ni mama

napatingin naman ako kay mama na seryoso siya "What do you mean mama?"

"Naks! Justin Bieber ang peg anak?" napa-odd face ako kay mama kaya natawa siya at umayos ulit then sabay sabi ng "Siya ung babaeng kinabaliwan mo noon diba?" hula niya. Paano niya nalaman un? "I know anak kahit di mo sabihin ung mga tingin mo sa kanya yan na yan un nung mga panahon na high school ka lang."

"alam mo?" - Me

"Mama knows best anak kaya kung ako sayo pagbigyan mo si Paris. This is not high school anymore. Dapat ang mga nangyari sa nakaraan bitawan mo na mga bata pa kayo noon kaya padalos dalos kung magdesisyon kaya nasasaktan ng todo. Pero ngayon pwede na kasi nag matured na kayo kayang kaya niyo harapin lahat ng problema. Wag mong itulad ang sarili mo sa akin kaya anak babaan mo ung pride mo at matutong magpatawad. Wala naman mawawala sayo eh. Alam mo na ang tama sa mali, kayang kaya mo na yan. Nandito lang kami sa likod mo nakaalalay." hawak sa balikat ko "give yourself a break"

Natauhan naman ako sa sinabi ni mama. Tama siya this is not HIGH SCHOOL anymore. May pagkakataon na matama lahat ng pagkakamali.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''

Tinuro sa akin ni Mama ang direksyon ni Paris kung saan siya ngayon nakatayo kausap si Ivan at si Karla. She's telling me to invite Paris to our home for a small dinner. Dahil masunurin ako at kailangan kong kumilos dahil baka nga maunahan na naman ako ng iba. Mas mabuting makinig ako diba.

Nagmadali akong naglakad sa puwesto nila Paris. Tumango kay Ivan ng mapansin niya ako then nginitian ko naman si Karla bilang pagbati sa kanya.

"Paris" panimula ko. God this is hard than I thought

"Yes, Ivory?" flashed her killer smile that every men and women can she sweep away.

"Meron kaming munting salo-salo sa bahay. Late welcoming home and celebration na rin nung kasal ng kapatid ko. Kung gusto mo pumunta." napapakamot batok kong sabi then tingin kila Ivan "You can join too the food are great." pagiimbita ko na hiyang hiya sa crush mo.

Napangiti naman sila "Sure pupunta kami" sagot ni Paris na hindi nawawala ang ngiti niya sa mga labi niya.

tumango naman ako then lingon kila mama na natatawa sa kinikilos ko "Ivan, bro" tingin kay Ivan "alam mo naman kung saan kami nakatira ikaw na bahala huh"

Ngumiti si Ivan "Oo naman free food! Yay!" masaya niyang sabi then may pasuntok pa sa ere na akala mo na nanalo sa lotto.

Nagpaalam na ako at tuluyan ng umuwi para makapag ayos ng bahay dahil may mga ilan kaming bisitang dadating.

VII - XXIX - XVIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon