|LMA| 24 •alam na!•

2.5K 55 0
                                    

Pagpasok ni Ivo sa bahay nila sobrang tahimik na akala mo walang nakatira pero akala niya talaga walang tao dahil may narinig siyang nag-uusap sa may likod bahay nila na parang may di pagkakaunawaan. Dahil curios siya kung anong nangyayari sa likod doon na siya dumiretso.

"Mama di mo pwedeng itago ito ng habang buhay yan kaya mong itago kay Ivory. Kung ako sayo mama sasabihin ko na bago sa iba niya pa malaman na hindi mo talaga siya anak."

Napatigil si Ivory sa paglalakad dahil sa narinig niya mula sa kapatid. "Isaac yang boses mo!" inis na sita ng ginang sa anak

"Yan sige itago mo ng itago. Masyado mong pinoprotektahan yang taong yan di mo naman kadugo" galit na sabi ng kuya niya

"Tumigil ka Isaac" suway niya dito.

Wala na siyang narinig na boses dahil gagalaw na sana siya pero huli na siya dahil kaharao na niya ang kanyang ina na gulat na gulat

"kanina ka pa nanjan?" kinakabahan na tanong ng kanyang ina

Imbis sagutin ang tanong "Ma...totoo ba ang sinasabi ni kuya?" di pa rin makapaniwala nagtatanong na si Ivo sa kanyang ina

"Mali lang ang narinig mo Ivory" pagiiwas ng kanyang ina

Napasabunot naman ng marangan si Ivo sa kanyang buhok dahil sa inaasta ng kanyang ina

"Ma...."

"Pwede ba Ivory tigilan mo na ako sa kakatanong dahil wala naman akong sasabihin sayo!" Naiinis na sabi ng kanyang ina

Nagulat naman si Ivo dahil ngayon lang siya napagtaasan ng boses kanyang ina kaya mas lalo siyang nalungkot. Ang mama naman niya nabigla dahil hindi naman siya ung tipong nanay na mabilis mainis at nakataas agad ang boses magsasalita na sana siya ng unahan na na siya ni Ivo

"Mama gusto ko lang naman malaman ang katotohanan hindi mo naman kailangan magalit. Ano ba ang tinatago mo sa akin? Naghihirapan na ako eh" naluluhang pagkakasabi ni Ivo and it hits her kaya naman napasandal siya sa pader dahil ngayon lang nag sync-in sa isip niya ang nangyayayari simula sa opisina then now "Ito pala ang gusto nilang malaman ko" halos pabulong pero alam niyang rinig na rinig ito ng kanyang ina

"Sinong nila? Anong malaman?" naguguluhan ang kanyang ina

Napatingin si Ivo sa kanyang ina "Hindi mo ako tunay na anak" naluluhang sabi niya na ikinalungkot ng kanyang ina "Now it makes sense. Lancaster...isa akong Lancaster...pero paano" rubbed her face frustratedly "Si Moi Lancaster ang tunay kong ina?" still naguguluhan pa rin siya

"Sinong Moi?"

"Yung babaeng pumunta sa opisina ko at ang tatay niya si Santiago Lancaster"

"Anak sigurado akong hindi Moi pangalan ng nanay mo"

"Anong ibig mong sabihin? Eh kanina nung kausap ko siya kitang kita ko ang sabik sa mga mata niyang nakita niya ulit ako" depensa niya

"Nakakasigurado ako anak" pagpipilit nito

"Then ano ang totoo" demand niya dito.


Niyaya niya itong pumunta sa kusina at doon umupo naghanda naman ang kanyang ina ng maiinom at makakain para naman di masyadong mabigat ang pagaamin ng kanyang ina.

"Ivanna Santos ang pangalan ng nanay mo. Kasama ko siya sa trabaho at matalik na kaibigan. Isang araw biglang sinabi sa akin ng mama mo may karelasyon siya. Siyempre bilang kaibigan pinipilit ko siya na ipakilala sa akin ung taong nagpapasaya sa kanya pero di niya magawa-gawa until the day comes pinakilala niya sa akin napaka-gandang babae sobrang sopestikada" paused para humnga ng malalim "nabigla ako ng sabihin niyang nobya niya iyon wala akong sinabi sa sobrang gulat dahil di ko talaga aakalain na iba pala si Ivanna kaya naman bago pa ako maka-react umalis na sila ng pinakilala niya sa akin at sinabihan niya ako na akala daw niya maiintindihan niya ako dahil matalik kaming magkaibigan. Magpapaliwanag ako pero naunahan na ako ng Mama mo kaya di na ako nakapagsalita and then lumipas ang tatlong taon kasal na kami ni Papa mo at may anak na rin doon biglang lumitaw ang mama mo buntis napatawad na niya ako ang buong akala ko niloko ni Ivanna ung nobya niya hanggang sinabi niya kakaiba si Samoil naguguluhan man ako pero tinulungan ko na ang mama mo hanggang sa manganak siya at pinanganak ka niya. Di ko naman alam anak na may kumplikasyon ang mama mo kaya pagka-anak sayo bago siya mawala nagbilin siya sa amin ni Papa mo na alagaan ka at wag na wag kang ibibigay kay Samoil Lancaster" kunot ang noo "ngayon ko lang napagtanto na ang tatay mo si Samoil Lancaster napinakilala niya sa akin na napakagandang babae at yung sitwasyon mo namana mo sakanya." hawak sa kamay ni Ivo na tahimik kanina pa "Sorry anak pero nangako ako sa mama mo na wag sasabihin sayo pero anak wag mo sanang iisipin na hindi ka mahal ng mama mo. Dahil yang..." turo sa kwintas na suot "Galing sa kanya yan sabi niya ibigay ko iyan sayo. May iniwan pa siya sa akin ang bilin niya kapag lumabas na ang katotohanan ibigay ko daw..." tayo punta sa kwarto at sinundan naman siya ni Ivo then nakita niyang maykinukuha ito sa ilalim ng kama niya isang maliit na treasure box at humarap kay Ivo at inabot ito "ibigay ko daw sa iyo ito anak anjan lahat ng kasagutan mo."

Wala ng sinabi si Ivo at tinanggap na lang kahon at walang sabi sabing lumabas ng kwarto ng kanyang ina at pumanik para pumasok sa sarili niyang kwarto at nagkulong doon.

"So kapag di ko nalaman walang may balak magsabi sa akin?" sabi niya habang nakatitig sa kahon.

Gusto niyang magalit sa mga taong nakapaligid sa kanya pero di niya magawa dahil wala naman silang kasalanan. Inalagaan at tinuring siyang tunay na anak kaya wala siyang pwedeng ireklamo o ikagalit dahil tama ang pakikitungo sa kanya ng kanyang ina bukod nga lang sa kuya niyang mainit ang dugo sa kanya.


Huminga siya ng malalim at biunuksan na ang kahon at napasinghap siya sa laman nito. Isa isa niya nilabas ito at buong gabi niya itong pinag-iisipan.

VII - XXIX - XVIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon