|LMA| 26 •🚫👤👂🏻•

3.2K 59 1
                                    

"She's ignoring me" frustrated na sabi ni Ivo

"Well kung ako ang nasa posisyon ni Paris malamang I am doing the same thing" Dorothy said with matter of fact tone "And besides di mo kwinento ang buong istorya ng buhay mo. ilang taon ang nakalipas malamang walang alam ung tao sa buhay drama mo"

Di na nakasagot si Ivo dahil alam niyang tama si Dorothy. Of-course she's always right when it comes to this matter. Pinagmasdan na lang niya ang anak niyang mahigit dalawang taon na gulang. Kahit bata pa ito alam ni Ivo na sobrang replica ito ng kanyang yumaong asawa.

Naalala niya kung gaano kasaya silang mag-asawa kahit na pareho silang maginhawa ang buhay mas pinili nilang mamuhay ng simple dahil un naman ang gusto nila and besides gusto nilang limaki si Maddison na di lahat ng bagay ay nakukuha pag gusto. Gusto nilang bata pa lang alam na ng anak nila ang mundong ginagalawan nila.

"I'll just give her time and space as long as she wants" sighed "Then I'll talk to her kapag malamig na ang ulo niya"

Hinawakan naman siya ni Dorothy sa balikat "Paalala ko sayo hindi ka dapat mabahala sa girlfriend mo ang isipin mo kung paano ka makakalusot sa pamilya niya napaka over protective nung mga un. Alalahanin mong may dugong Ybarra si Paris" nag-a-alalang sabi ni Dorothy at bahagyang pinisil ang balikat ng kanyang kaibigan.

"Kakayanin ko dahil mahal ko si Paris" determinadong sabi ni Ivo

"Good luck my friend"

===============================================================

Abala sa hospital si Paris mas pinili niyang maging busy kesa naman isipin niya ang problema nila ni Ivo. Alam niya sa sarili niya dapat pakinggan niya kung anuman ang ihahain sa kanya ni Ivo pero gusto niyang ihanda ang sarili niya sa kung anuman ang malalaman niya.

"You wont believe me kung sino ang pasyente ko ngayon ngayon lang" agad na sabi ni Karla sa kaibigan ng makasabay niya ito sa elevator

magkasalubong kilay humarap si Paris sa kaibigan "Who?"

"Maddison Samantha Madrigal" napa 'O' naman si Paris "Oh yes anak ni Ivo" biglang nalungkot ang mukha ni Karla ng maalala ang sitwasyon nung bata "poor kid she have a heart condition" humarap si Karla sa kaibigan "beshie alam kong mali ang ginawa ni Ivo pero sa tingin ko ngayon ka niya kailangan."

"Ano naman gagawin ko?" natutulirong tanong niya sa kaibigan

"Just be by her side not as a lover but as a friend yun ang kailangan niya dahil sa nakita ko kanina sobrang hopeless and helpless niya nung kinakausap ko nga siya kanina wala sa akin ang isip niya kaya please for the kid's sake puntahan mo siya" payo ng kaibigan niya.

Agad naman lumabas ng elevator si Paris ng malaman niya buong detail about sa baby ni Ivon Nang makarating siya sa ICU section dahil doon sinabi ng kaibigan niya. Pagliko niya nakita niya ang buong family ni Ivo even si Moe at ang tatay nito then may dalawang matandang mag-asawa na hindi siya familiar then last ang babaeng kasama nung bata ng dumating ito sa bahay ni Ivo.

"Paris...." sabi ni Irene dahil siya ang unang nakapansin sa presensya niya

Ngumiti ng tipid si Paris sa nanay ni Ivo then sumilip siya sa salamin at nakita niya ang pinakamalungkot na ivo habang nakahawak na mahigpit sa kamay ng anak niya. Napapansin niyang nagsasalita ito.

"Ano pong nangyari?" yun na lang ang natanong ni Paris

"Ok naman si Maddie kanina then napansin na lang namin na nahihirapan itong huminga kaya agad na namin tinakbo ditoo sa hospital" paliwanag ni Dorothy

"Sabi ng doctor ni Maddie kailangan daw manatili muna dito nung bata para obsebahan ung puso sorbrang mabagal daw ung heartbeat" - dagdag naman nung mama ni Ivo

Tumango-tango naman si Paris "may iba pa bang records si Maddie if meron I want to know kung sino ung doctor niya dati para makontak namin and then let's see kung ano ang gagawin" -paris

"Tinawag ko na kanina sabi niya bukas ng gabi nandito na siya" - Dorothy

Tumungin ulit si Paris sa salamin magsasalita na sana siya kaya lang biglang pinage siya "I gotto go sa emergency sasabihan ko na lang si Dr. Karisma about sa doctor ni Maddie" - nagmamadali niyang sabi "Baka dumaan ulit ako para makausap si Ivo"

Tmango naman ang dalawa then umalis na siya sa section na un. Habang tinatahak ang daan patungo sa emergency room ang daming tumatakbo sa isip niya. Pero sigurado siyang iisang tabi niya muna ang problema nila ni Ivo basta ang mahalaga matulungan niya ito. Dahil nakita sa mukha ni Ivo kung gaano kahalaga ang bata sa kanya. But...

"Asan ung mommy nung bata?"

Yan na lng ang tanoang niya sa sarili ng mapansin niyang wala man lang naghihisterikal na babae sa ICU yan ang pinakamalaking question mark sa isip niya.


=

=

=

=

=

=

=

Hi Bluers sorry kung late ako mag update. Susubukan kong tapusin na ito. And BTW 3 to 4 na lang naman na chappy ito. So I hope anjan pa rin kayo nakasubay-subay.

VII - XXIX - XVIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon