----🔫----
Zara was very happy after recieving another recognition for her team 'Sparrow Unit' after a job-well-done, She and her team rescued dozens of children abducted and being use for human-trafficking. The children where kept into an orphanage. Kung titingnan ay maayos na naaalagaan ang mga bata. Pero ang katotohanan ay inaalagaan ang mga bata at ibinibenta sa mga mayayamang may sakit para kunin ang kanilang internal organs for transplant. Isang bwan ding pag a-under cover ang ginawa nila dahil sobrang ingat ng namumuno ng orphanage, pero ano ba ang lusot ng mga ito sa team nila? They are the best of the best.
"Captain, Libre mo naman kami ng inuman! Ngayon lang tayo magkakabreak ng mahaba." Nakangising suhestyon ni Cassia.
Yes, they were given a three months vacation. Sa loob kasi ng dalawang taon ay di pa sila ni minsan nakapagbakasyon, Kapag kasi natapos nila ang isang misyon, isa o dalawang araw na tulog lang trabaho na ulit. At first tinanggihan niya ang bakasyon wala naman kasi siyang uuwian. At marami siyang pwedeng magawang trabaho sa loob ng tatlong bwan, pero na realize niyang hindi niya pwedeng ipagkait sa mga kasamahan ang pagkakataon na magkapagpahinga at makasama ang kani-kanilang pamilya. Alam naman kasi niyang kapag tatanggihan niya ang bakasyon at piliing magtrabaho ay mauubliga ang mga ito na magtrabaho din. Kaya tinanggap niya ang bakasyon. At eto nga ngayon ay inaayos nila ang kani-kanilang bag para lisanin pansamantala ang cabin nila.
"Sige, Drink all you can tayo mamaya. Walang susuko, susuka lang." Natatawang sabi niya.
"Drink till we Drop!" Magkasabay na sigaw ni Ava at Sammy na itinaas pa ang kamay.Nagtawanan silang muli at bumalik sa pagsasaayos ng mga gamit. Kahit ang totoo ay wala naman siyang kailangan ayusin. Hindi niya kailangan magdala ng damit dahil marami naman siyang damit sa condo niya, wala rin naman siyang pagdadalhan ng mga pasalubong, Ang tanging dala lang niya ay ang mga bigay sa kanya ng mga taong natulungan nila, mga sulat. Mga hand made remembrance.
" Kita na lang tayo sa Club mamaya. Ikaw taya ah?" Ani Sammy bago lumapit ay yumakap sa kanya.
"So paano? Last command. Dahil paglabas natin dito sa Camp hindi na tayo agents. Ordinaryong mamayan na lang tayo." Nakangising sabi ni Ava. Umayos silang tatlo ng tayo sa harap niya at naghintay ng last command.
"Enjoy your three months and be safe agents." Nakangiti aniya.
"Sir yes sir" magkasabay nilang sagot.
Nagtatawanang nilisan nila ang Camp, naghiwa-hiwalay kasabay ng pangayong magkikita kinagabihan para sa isang sesyon ng inuman.
----🏠----
(Zara's POV)
I feel so empty the moment I open the door of my condo unit. It's been so long since the last time I've been here. It was a good thing that the Condo's Managements took care of my unit.
Hila ang maleta ay pumasok na ako sa unit ko at sumalampak ng upo sa sofa. Siguro ay nakarating narin sina Cassia, Ava, at Sammy sa kani-kanilang bahay. Nagtatalon na siguro ang tatlong yun sa tuwa samantalang ako heto at problemado kung ano ang gagawin ko sa tatlong buwan kong bakasyon. Ngayon pa lang ay nabo-bore na ako. Sinulyapan ko ang wristwatch ko, Alas onse pa lamang. Mamayang alas syete pa kami magkikita ang tagal pa ng takbo ng oras. Ayoko namang tumunganga lang dito kaya mabuti pa siguro maglibot-libot na lang ako. Tama! Maglilibot ako! Mabilisan kong hinubad ang Military Uniform ko at nagsuot ng kupas na jeans. Tshirt na itim at addidas Cap. Tinernuhan ko ng puting vans saka isinilid ang wallet at cellphone ko sa back pocket ng pantalon ko.
Meron akong sariling kotse pero mas gugustuhin kong magcommute ngayon, Bibisitahin ko ang Love House, isa iyong orphanage na tinutulungan ko, Dyahe lang at wala akong dalang kahit na ano.
"Zara anak? Ikaw na ba iyan?" Bumalatay ang gulat at kasiyahan sa mukha ni Mother Superior ng makita niya akong nakatayo sa harap ng Gate pagkatapos niya akong pagbuksan.
"Ako nga po, Mother Superior. Kamusta na po kayo?" Nakangiting bati ko.
"Naku! Halika pasok kang bata ka. Dito tayo sa loob magusap." Pinapasok ako Ni Mother agad naman akong tumalima.
Pagkapasok ko unang bumungad sa akin ang malawak na bakuran at play ground ng mga bata, Nagkalat ang mga bata doon at naglalaro.
"Binisita kami ni Don Emilio, Isa rin siya sa mga tumutulong dito sa Love House, anak. Mabuting nandito ka at nang makilala mo siya,"
"Mabuti naman kung ganoon, Mother, Dumadami na ang mga bata dito, We need all the help we can get. In order to provide the children's needs."
"Mabait parin ang Diyos, Zara anak, hindi niya tayo papabayaan."
"Alam ko ho, Kaya lubusan po akong nagpapasalamat sa Kanya, Mother,""Zara?" Naalis ang tingin ko kay Mother superior ng may tumawag sa pangalan ko,
And there is Jaya. She's with an old man who really looks familiar to her! Don Emilio? Damn! That's him!
Jaya came rushing to me and hug me real tight. Iniwas ko ang tingin kay Don Emilio. I don't think he remembers me, There was no hint of recognition in his eyes when our gaze met.
"Where have you been?" She asked after letting me go.
"Working,"
"Without even calling? Grabe kaya ang pagaalala nina Mother sayo! Pasaway ka talaga." Nagiwas ako ng tinggin cause I am guilty. Nagsisinungaling ako sa kanila tungkol sa trabaho ko. It was a protocol kasi na we shouldn't tell anyone, Family members lang.
"Naku, Jaya wag mo ng pagalitan si Zara. Ang importante ligtas siya at nandito na. Halika at ipapakilala kita kay Don Emilio." Hinawakan ako ni Mother Superior at hinila papalapit kay Don Emilio.
"Don Emilio, ipinapakilala ko sa inyo si Zara. Isa siya sa mga regular na tumutulong dito sa Love House. Mabait na bata at likas na matulungin." Gusto kong mailing sa sinabi ni Mother Superior. Pero pinili ko na lang na manahimik,
"Zara siya naman si Don Emilio. Siya ang nagdonate para sa pagpapaayos ng facilities pagkatapos hagupitin ng bagyo itong Orphanage."
Inabot ko ang kamay kay Don Emilio. "Nice Meeting you, Sir. Maraming salamat po at itong Love House ang napili niyong tulungan."
"It is very nice to meet you too, Zara. And Love House is a very nice place. It is my pleasure helping the orphanage."
Nagpatuloy kami sa paguusap at palihim kong minamatyagan ang mga galaw at tingin ni Don Emilio, hindi impossibleng makilala niya ako. Oo nga at 9 years ago pa iyon. I changed a lot, I don't even use the same name anymore. Pero something is telling me, I had the feeling that he still remembers me.
Alam kong mabait na tao si Don Emilio, minsan na rin niya akong tinulungan at niligtas sa binggit ng kamatayan, tinulungan niya ako kahit hindi niya ako kilala, Hindi niya ako isinuplong sa pulis kahit pa nakita niya na ang sugat ko noon ay mula sa tama ng bala. It woudn't be such a bad thing if he remembers me, but I'm scared of answering his questions about the past. Bigla na lang kasi akong umalis noon. I only left a letter saying my 'Thank you. '
"Zara?" Agad akong nagising sa malalim na pagiisip ng tawagin ni Jaya ang pangalan ko.
"Ha?"
"Uuwi na daw si Don Emilio. Grabe naman yata ang lalim ng iniisip mo." Napahiya naman ako sa sinabi ni Jaya.
"Paalam ho, Don Emilio. Salamat ho uli." Magalang kong sambit.
Nginitian niya ako pabalik. Nabigla pa ako ng niyakap niya ako ng mahigpit. "It was really nice seeing you again, Ace. I've been searching for you."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bodyguard
Non-FictionAfter Living a very dark life, Zara had gotten a glimpse of what happiness really is. She become the Billionaire's Bodyguard.