Chapter Three

125 1 0
                                    

Chapter Three: Hired!

----🔫----

**

"Ano yang ginagawa mo?" Napatalon sa gulat ang batang lalaki na nakasalampak sa lupa,nakita kong may ibinabaon siya pero hindi ko alam kung ano.

"S-sino k-ka?" Nanginginig na tanong niya, bumalatay sa kulay berde niyang mata ang pagkabigla.

"Hoy bata, ako ang naunang magtanong." Maangas na sita ko sakanya.

Siguro ay nakabawi na siya sa pagkabigla kaya inismiran niya ako.

"Mas matanda ako sayo, kaya wag mo akong tawaging bata. Saka may pangalan ako. Ako si Aiden Mariano. Ikaw? Anong pangalan mo?" Balik tanong ng batang lalaki, Oo nga at mas mataas siya sa akin.Ibinaba niya ang hawak niyang panghukay at naupo sa malalaking ugat ng puno.

"Pangalan? Ano yun?" Takang tanong ko, Bigla akong nagkaroon ng interes sa kanya kaya palahim kong itinago ang kutsilyong kanina ko pa hawak-hawak. Mukha naman siyang hindi dilikado kaya hindi ko na siya sasaktan.

"Hindi mo alam yun? Sang mundo ka ba nanggaling? Yun ang tawag ng ibang tao sayo" naiiling na paliwang niya.

"Tinatawag nila akong 'ACE' pero hindi iyon pangalan. Sabi nila Code Name daw yun." Sagot ko, Umupo rin ako sa isang malaking ugat di kalayuan sa kanya. Ang sabi ni Don Facundo, palagi maging handa, huwag magtitiwala sa kahit na sino. Lahat ng tao ay kalaban.

"Codename? Bakit ka may ganoon? Anak ka ba ni AgentX44?"

"Anak? Ano naman yun?"

"Hays, hindi mo rin alam yun? Ang laki-laki mo na ah! "

"Pitong taon pa lang ako." Sagot ko, minsang kong narinig na sinabi ni Don Facundo na Pitong taon na ako sa kanya.

"Pitong taong gulang! Mali naman yung sinabi mo eh. Bobo ka ba? Hindi ka ba nag aaral?" Napipikon niyang sigaw. Mahigpit na hinawakan ko ang kutsilyong nakakubli sa loob ng damit ko. Nagagalit din ako.

"Eh! Bakit mo ako sinisigawan? Gusto mo bang mamatay ha?"

"Kita mo? Hindi mo alam kung ano ang Anak pero alam mo naman ang Patay."

"Doon sa amin, yan lang ang tinuturo! Kung papaano pumatay. At magaling ako doon kaya hindi ako bobo!" Ilang beses na akong sinabihan ni Don Facundo na ako daw ang pinakamagaling niyang nilikha kaya alam kong hindi ako bobo. Hindi katulad ng iba pang mga kasamahan kong bata na palaging napaparusahan dahil sa pagiging bobo.

"hays, maniwala ako sayo. Mabuti pa, bumalik ka na lang dito bukas. Tuturuan kita ng mga natututunan ko sa paaralan." ..

----🌹----

"I thought you wanted a job. This is the only Mission available for you, Captain Gabriel" I almost frown from what I've heard from Boss Hendrix. Masaya ako ng ibigay sa akin ang Misyon kahapon, Talaga kasing nagmakaawa ako kahit Lower mission lang basta may magawa ako. Tinanggap ko agad iyon ng inoffer sa akin ni Boss Hendrix kahit di ko pa alam kung ano ba ang gagawin ko. I brought the files home with me. Only to find out na si Don Emilio ang kliyente ko at ang magiging trabaho ko ay protektahan ang kaisa-isang apong lalaki nito.

The Billionaire's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon