Chapter Four: His Girlfriend
----🎀----
The meeting with the Montemayor was finalized. We agreed with the plan. Starting tomorrow I will live at the Mansyon until the Culprit will be arrested. I will work as his personal assistant as front. Para hindi naman maging kataka-taka ang paglabas masok ko sa opisina niya. Hindi pupwedeng malaman ng kung sino mang may balak na pumatay sa demonyong kliyente ko, na may nagbabantay. Dapat ay maging normal lang ang dating ng lahat. And also I have to go undercover. The world knows the name Zara Gabriel as a Soldier. Hindi man nila alam ang itsura ko dahil hindi iyon nailalabas sa kahit na anong peryodiko o kahit sa TV madali parin iyong matuklasan kapag ang suspek ay may koneksyon sa Militar at hindi iyon malabo dahil sa linis ng plano niya siguradong expert ang Maestro nun. Kaya gagamitin ko ang dati kong Pangalan 'Ace Ventura' dahil kung sakali mang imbestigahan nila ang pangalan ko, hindi sila maghihinala dahil malinis at walang kaispesyal-ispesyal sa pagkatao ni Ace.
Isa lamang siyang 25 years old na simpleng babae. Walang pamilya at walang kaibigan. Nag-iisa sa buhay at nakatira sa lumang subdivision at nagtratrabaho bilang manunulat at hindi lumalabas ng bahay.
That was me, many years ago. Nang hindi pa ako si Zara Gabriel. Ako si Ace Ventura. Ang babaeng hindi lumalabas man lang ng bahay dahil natatakot sa mundo.
Isa iyong nakakatakot na parte ng buhay Ko na pilit kong ibinabaon sa limot pero hindi ko magawa. At marami pa. Marami pa akong pagkatao.
"Akala ko ba bakasyon mo? San ka na naman pupunta?" Sermon ni Jaya sa akin habang tinutulungan akong magligpit ng mga damit ko nadadalhin sa mansyon ng mga Montemayor. Ipinakiusap ko sakanya na pangalagaan muna ang Unit ko kahit alam kong hindi naman ito papabayaan ng management. Alam ko kasing namomroblema siya ngayon sa Apartment niya. Nag-iisa rin lang kasi buhay itong si Jaya. Kumakayod siya para buhayin ang sarili pero kahit hirap na hirap na siya tumutulong parin siya sa Love House. Nag offer naman akong tulungan siya pero tumanggi siya dahil kaya pa naman daw niya, saka na daw. Pag life and death matters na. Baliw rin yan eh. Kaya naisip kong para mas mapadali sa kanya. Dito na muna siya tutal hindi ko naman nagagamit itong Condo Unit ko.
"Biglaang trabaho eh, Sayang din naman ang kita kaya tinanggap ko na. Kaya pakibantay muna itong bahay ko ha? "- ako.
"Mabuti nga at timing ka, pina aalis na naman ako ng apartment eh. Dito na muna ako. Para pagnakabalik ka may ipon na ako para sa apartment." Aniya.
"Sus!matagal ko nang sinasabi sayo na samahan mo ako dito. Ikaw itong tanggi ng tanggi." Matagal na rin kaming magkaibigan ni Jaya. Seven years na din.
"Che!" Nagtawan na lang kami at bumalik sa pagsisilid ng mga damit sa maleta ko. Palihim din akong nagsilid ng baril, mahirap na baka makita pa ni Jaya at magtanong.
----🏰----
As early as 5AM ay nasa Mansyon na ako ng mga Montemayor. Tinulungan ako ng mga maids na ipasok at maisa-ayos ang mga gamit ko sa kwartong inilaaan sa akin ni Don Emilio at iyon ay nasa Second Floor at kaharap ng kwarto ni Sir Lux.
Nakapagbihis na ako ng Susuotin ko para sa pagtratrabaho 'kuno' bilang Personal Assistant ni Sir Lux. Nagsuot ako ng Black Skimpy Inner tube na pinatungan ko ng See-through white polo at pencil cut skirt na hanggang taas ng tuhod ko. Maaninag ang tiyan ko sa suot kong polo pero wala namang kaso sa akin yun, wala naman akong baby fats kaya, No biggie. Nagsuot ako ng Cardigan para proffesional look talaga. Itinaas ko ang buhok ko para sa isang messy bun, flaunting my delectable neck. I applied a light makeup and a nude lipstick. As a finishing touch I wore a four inches heels. Nang makuntento ay bumaba na ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Bodyguard
Literatura FaktuAfter Living a very dark life, Zara had gotten a glimpse of what happiness really is. She become the Billionaire's Bodyguard.