Chapter Five

77 1 0
                                    

Chapter Five: First attemp

----🔫----

**
What the heck is wrong with this guy? Kanina ko pa napapansin ang ginagawa niyang pang iisnob. Mula ng matapos namin silang makasalo ni Louie ng lunch ay naiba na ang aura niya! Para siyang batang nag ta tantrums!

What's worst is nag overtime pa siya! Alas nwebe na! Pero andito parin kami sa loob ng office niya. Lahat yata ng empleydo ay nakauwi na. Kahit sina Hanny at Louie ay nakaalis na din. Pinagreport si Louie sa Head Quarters kaya naiwan akong magbabantay sa dumuhong to.

Muli akong napabuntong hininga. Balak pa yata niyang dito mag kampo ngayong gabi.

"Sir, wala ka bang balak na umuwi?" Hindi ko na naitago ang inis ko.

Pero hindi niya ako pinansin! Talagang pinanindigan niya ang pagtatantrums niya.

"Sir."

"Sir Lux"

"Mr. Montemayor." Paulit-ulit kong tawag.

"Damn! Ano ba ang problema mo!" Hindi na ako nagulat ng sumigaw siya. Inaasahan ko naman na magiging ganito ang reaksyon niya.

"Sir! Baka po kasi nakalimutan niyo na yung oras. Gabi na ho! Delikado pong umuwi ng gabi dahil pupwedo ho tayong ma ambush sa daan lalo na ho at wala nang masyadong tao."

"Madami akong ginagawa." Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga papeles niyang nakakalat sa mesa niya.

"Parang Awa mo na, Sir. Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga."

"Bakit ba nagmamadali kang umuwi? Hindi naman doon natutulog si Louie,ah." Nag angat siya ng tingin at sinalubong ang tingin ko, may nakikita akong emosyon sa kanyang mata pero hindi ko mapangalanan, parang pilit niya iyong tinatago sa akin.

"At bakit naman kailangan matulog ni Liutenant sa Mansyon niyo kung may sarili naman siyang bahay?"

"Pumupunta ka sa bahay niya?!" Halos bugahan niya ako ng apoy ng sabihin niya iyon. Ano ba ang problema ng dumuhong to?

"Alam mo, Sir. Hindi kita maintindihan! Ang gusto ko lang naman ay umuwi at matulog! Bukas maaga ka na namang lalakad! Wala akong choice kundi ang magising ng mas maaga sayo at ihanda ang mga bagay!"

Nag-iwas siya ng tingin. Ilang segundo rin siyang tahimik lang dun bago sinabi ang mga katagang pinapangarap kong marinig mula sa kanya mula pa kanina. "Okey, let's call it a day already." Tumayo siya at inayos ang mesa niya. Aba! Siya dapat ang gumawa nun at hindi ako! Bodyguard ako dito, hindi Secretary.

Naunang lumabas si Sir Lux ng Office agad naman akong sumunod, alangan namang magpaiwan ako diba? Tahimik lang kami habang naka sakay sa kanyang private Lift. Manaka-naka kong sinusulyapan si Sir Lux na nakatayo sa harap ko. Halos hindi ko na makita ang repleksyon ko sa dingding ng elevator dahil sa built niya. He's hovering me.

Napanguso ako ng bumukas ang elevator pero di man lang siya nagsalita. I mean hindi naman ako umaasang kakausapin niya ako, pero talaga kasing pakiramdam ko ay iniisnob niya ako. Sinalubong kami ng tahimik na parking lot. Iilan na lamang ang kotseng nandoon at wala ding tao sa paligid. Suddenly I feel off. My palms begun to sweat. And my heart pound erratically like anticipating something.

The Billionaire's BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon