Nandito na ako sa school at pinark kona ang motor ko ng tinawag ako ni Melanie at ni Ericka pero di ko pinansin , dahil alam ko na kung ano ang sasabihin nila .. Tungkol nanaman kila Ace at Andrew.
"Musta ang date niyo ni Andrew??"Tanong ni Melanie.
"None of your business"Sagot ko ng pataray habang kinukuha ang bag ko. At inilagay ang helmet ko sa may upuan.. Aktong lalakad na ako ng hawakan ako ng mahigpit ni Ericka.
"Kakausapin ka pa namin , wag mo kaming talikuran"Sabi ni Melanie ng pataray. Kaya inalis ko ang braso ko kaya napaatras si Ericka..
"Kung gusto niyo ng kausap sa iba kayo makipag usap wag sakin"Sabi ko..
"Eh Pano kung gusto ka naming kausapin dahil sa ginawa ni ace kahapon Kay Andrew"Sabi ni Ericka kaya natigilan ako.
"A..Anong ginawa ni Ace Kay Andrew??"Tanong ko.. Sinabi sakin nila Melanie at Ericka ang ginawa ni Ace Kay Andrew kaya pinuntaha ko siya sa room, at nang makita ko siya ay nilapitan ko siya..
"Buti naman ang aga mong pumas--"Hindi niya na natuloy dahil sinampal ko siya ..
"Bakit mo pinabugbog si Andrew??"Tanong ko na inis.
"Kasalanan naman niya kung bakit ko si pinabugbog"Sagot ni ace.
"Bakit yun ang ginawa mo?? Hindi nlng kayo nagusap"Sigaw ko sakanya.
"Wag mo akong sigawan"Sigaw niya rin sakin..
"Oo na , hindi na kita sisigawan"Sabi ko ..
"Hindi mo alam kung ano ang nangyari kaya manahimik ka nalang"Sambit niya sakin. Pero di ko pinansin at umupo na ako. At sakto rin nandito na si sir kaya naglecture kami kaagad.
...
Lunch time na kaya pumunta na ako ng cafeteria at nakita ko sila Andrea at Hannah kaya lumapit na ako bitbit ang dala kong pagkain..
"Bhe Anong nangyari sayo kanina ? Bakit mo inaway si Ace??"Tanong ni Andrea.
"Pinabugbog kasi ni Ace si Andrew kaya nagalit ako sakanya"Sagot ko.
"Kahit na dapat di mo parin siya inaway , Pano kung malaman ng ate ni Ace yung ginawa mo , maldita pa naman yun"Sabi ni Hannah at saktong may humampas ng mesa namin.. "Ate sya ni ace"bulong Sakin ni Andrea. Tas nilagay sakin ang warning.
"Humanda ka mamayang uwian dahil may warning kana"Sabi ng ate ni Ace at naglakad siya palayo samin at nilukot ko na ang warning na nakadikit sa noo ko..
"Siya na ang sunod , yari sya" sambit ng babae na Parang takot.
...
Uwian na kaya hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayari ngaun.. At nung nasa parking lot na ako ay nakita ko ang ate ni Ace.. Na lumapit sakin..
"Handa ka na ba??"Tanong niya.
"Hindi mo na kailangan itanong kasi hand--"Hindi ko na natuloy dahil sinampal niya ako .. At napatingin lahat ng estudyante dito..
"Wag mo akong sagutin ng pabalang"Sabi niya.
"Tinatanog mo pa kasi kung handa na ba ako eh kaya sinago--"Hindi ko ulit na tuloy dahil sinampal niya ako ng sobrang lakas.. Kaya ginantihan ko siya.
"How dare you"Sabi niya tas sinabunutan niya ako..
"Ano ba bitiwan mo nga ako"Sabi ko. Kaya binutiwan niya ako.. Kaya napaupo ako.
"Yan ang mga bagay sa mga katulad mo"Sabi niya .. Tas hinila niya ako patayo tas sinampal niya ako ng magkabilaan. Kaya nakayuko na ako ng natatakpan ng buhok..
Sasampalin pa Sana niya ako ulit ng may humawak ng kamay niya kaya napatingin ako kung sino ang humawak..

YOU ARE READING
Love Warning
Novela JuvenilKung sino pa ang taong naglalagay sakin ng Warning ay siya pa ang makakatuluyan ko..