Chapter 14

279 8 0
                                    

Naglilibot libot muna ako sa mga room dahil maaga akong pumasok , ang boring kasi sa bahay kaya pumasok na ako ng maaga.

"Jessica"Panggulat sakin.

"Ay tipaklong"Sabi ko.

"Mukha ba akong tipaklong??"Tanong ni Andrew.

"Hindi ko naman sinabi na tipaklong ka ah , assuming ka lng"Biro ko. Kaya natawa siya.

"So hindi ako mukhang ipaklong??"Tanong niya.

"Oo naman , ang gwapo gwapo mo kaya , tas magiging tipaklong ang mukha mo"Sagot ko.

"Bakit ka nga pala maagang pumasok??"Tanong niya.

"Boring kasi sa bahay kaya pumasok ako ng maaga"Sagot ko.

"Ahh.. Malapit na mag first class pumasok kana sa room niyo"Sabi niya.

"Ah sige"Sabi ko naman.

"Hatid na kita"sabi niya kaya tumango nlng ako at naglakad na kami papuntang room.

...

Hinaid na niya ako papuntang room kaya pumasok na ako at umupo.
Maya maya ay nandyan nandito na si ma'am kaya nagumpisa na kami maglesson.. Nasa kalagitnaan kami ng klase ng magpadabog na pumasok sa room . at si Ace Wilson yon.

"Good Morning Mr.Wilson"Sabi ni ma'am. Pero di siya bumati at dumiretso sa tabi ko..

"Ma'am , pwede po bang lumipat ng upuan??"Tanong ko. Nangangamoy yosi kasi si Ace eh.

"Pwe--"Hindi natuloy ni ma'am dahil nagsalita si Ace.

"Hindi pwede"Sabi ni Ace.

"Ikaw ba si ma'am??"Tanong ko pero di nakatingin sa kanya

"Kahit na magpaalam ka na lumipat ng upuan ay di pwede dahil kung saan ka nilagay ay dun ka lng"Sagot niya.

"Tama ang sinabi ni Mr.Wilson"Sani ni ma'am. Kaya Wala akong nagawa kundi tumahimik nlng.

Natapos na ang 1st , 2nd , and 3rd subject kaya nagligpit na kami ng gamit para mag recess.

"Jessica"Tawag sakin . kaya napalingon ako at nakita ko si Andrew. Kaya lumapit siya.

"Sino kasabay mo kumain??"Tanong niya.

"Wala"Tipid kong sagot.

"Sabay nlng tayo , Wala rin naman akong kasabay eh"Aya niya.

"Sige , Tara na!"Sabi ko . kaya pumunta na kami ng canteen.

...

Nakarating na kami ng canteen , at nakita ko sila Hannah and Andrea kaya nilapitan namin sila.

"Andrea , Hannah , musta na?? Long time no see ah"Tanong ko.

"Ok lng naman kami , pasensya kana ah , masyado lng kasi kaming busy kaya di na tayo nagkakasamang tatlo"Sabi ni Andrea.

"Ano kaba okey lng ako , tsaka pare pareho lng din tayong busy no"Sabi ko.

"Jessica , upo na kayo dun , hintayin mo nlng ako , bibili lng ako"Singit ni Andrew kaya pumunta kami sa sinabi niyang table..

"Bessy may namamagitan na ba sa inyo ni Andrew??"Tanong ni Hannah.

"Huh?? Wala ah"Sagot ko.

"Bakit Parang kayo na??"Tanong niya.

"Parang lng pero hindi"Sagot ko.

"Eh si Ace?? Bakit di na kayo magkasama??"Tanong naman ni Andrea.

"Siya naman ang nagsabi sakin na layuan ko na siya kaya ginagawa ko"Sagot ko.

"Totoo ba na , pumunta kayo ni Ace nung sabado sa Baguio??"Tanong ni Andrea na kinikilig pa.

"Oo"Tipid kong sagot.

"Ahhh.. Totoo nga"Tili na sabi ni Andrea kaya tinakpan ko ang bibig niya .. Dahil pinagtitinginan na kami.

"Ano ba nakakahiya ka"Sabi ko.

"Sorry na , last na tanong Anong nanyari sa inyo??"Tanong pa ni Andrea. Sasagot na Sana ako ng sumingit si Andrew.

"Pasensya na Jessica ah , ang hirap kasi makipagsiksikan eh"Sabi ni Andrew. Tas nilagay na niya ang pagkain ko sa harap ko.

"Ok lng"Sabi ko naman. At lumipat ng upuan si Hannah at tumabi siya Kay Andrea kaya katabi ko na si Andrew. At kumain na kami .

"Bhe sure kang kaya mong ubusin ang binili ni Andrew??"Tanong ni Andrea.

"Kailangan niyang magpataba konti para magandang tingnan sa kanya , kasi ang payat niya eh"Sagot ni Andrew.

"Eh mauubos nga niya yan pero mamaya magsusuka siya kasi hindi siya sanay kumain ng marami"Sabi ni Hannah.

"Okey lng naman kahit na di niya ubusin eh"Sabi ni Andrew.

"Ah okey"Sabi ni Hannah at tiningnan niya ang relo niya. "Ahm.. Bessy Una na kami ah"Sabi ni Hannah. Kaya tumango nlng ako at umalis na sila.. Kaya nakakain na kami ni
Andrew ng maayos..

Natapos na kaming kumain kaya nagpahinga muna kami ..
"Akala ko ba , nagsusuka ka kapag sobrang dami ang kinain mong pagkain"Sabi ni Andrew

"Oo nga , pero hindi naman marami ang pinakain mo sakin eh , kaya di ako nagsusuka"Sabi ko..

"Ahh . okey"Sabi niya . "Tara pasok na tayo sa room"Aya niya kaya tumango nlng ako kaya naglakad na kami.

..

Nakarating na kami ng room kaya pumasok na ako at nauna na siya dahil grade 10 na siya at grade 9 palang ako..

Umupo na ako dahil nandito na si ma'am at katabi ko na naman si Ace na masyadong pakielamero . akala ko ba lalayuan na niya ako at lalayuan na rin . pero Parang siya hindi .. Ang weird niya.

Nakinig kami sa lesson kaya gets na namin para sa exam bukas . kaya nag goodbye na kami .. At next na ung Mapeh kaya nag p.e na kami dahil p.e na namin ngaun. Nang makabihis na kami ay pumunta na kami ng court at pumila. Pangatlo ako sa dulo dahil matangkad ako..

...

Nag jogging kami para di kami mabigla kapag nagplay na ng volleyball. Kaya kalaban namin ang 3 volleyball player at dalawa naman ay kakampi namin. Team A kami at Team B naman sila.
Pumito na si ma'am at pagkaserve ko ay napunta sa sais kaya sinet niya sa setter tas pinasa sa spiker kaya na punta sakin at sinalo ko .. Kaya naghiyawan ang mga kaklase ko .
At napasa ko sa setter at pinaspike na niya , buti nlng di nasalo ng team b. Kaya service ko ulit.

...

Natapos na kaming maglaro kaya nagpaalam ako na bumili ng tubig kaya bumili na ako sa canteen at bumalik na ako kaagad. Pagkabalik ko ay lumapit sakin ang babaeng umispike sakin.

"Player ka ba ng volleyball??"Tanong niya.

"Ahm.. Dati po , pero di na ngayon"Sagot ko.

"Ah.. Pwede ka bang maglaro sa cluster ng volleyball??"Tanong niya. "Kung pwede may training Bukas , 3 to 5 , sige babye"Sabi niya .

Kaya hindi ako nakasagot , at nagbihis na ako ng damit at pumasok na sa room.

...

Uwian na kaya nagligpit na ako ng gamit ko at lumabas na ng room saka dumiretso sa Parking lot at pumunta na sa motorbike ko at kinuha ang helmet. Binaba ko muna ang bag ko dahil papaandarin ko ang motor ko. Nang mapaandar kona ay hinanap ko ang bag ko dahil Wala sa nilalapagan ko.

"Eto ba hinahanap mo?"Tanong ng lalaki na kaibigan ni Ace at hawak ang bag ko. Kaya nilapitan ko at kinuha pero tinaas niya.

"Akin na nga yang bag ko , papansin ka??"Tanong ko.

"Bakit ko ibibigay??"Tanong niya rin sakin.

"Kasi sakin yan"Sagot ko . imbis na ibibigay niya ay may nilabas siyang mga papel sa bag ko at hinagis.. Shet mga project ko sa science na pinaprint ko.
Kaya pinulot ko ang mga papel..

...

Susunod

Love WarningWhere stories live. Discover now