Chapter 16

278 4 0
                                    

Nandito na ako sa room dahil maya maya ay papasok na si sir Alvarez.
Habang nagpapatugtog ako ng kanta ng kpop bigla nlng may humila sakin palabas ng room..

"Hey!!"Sabi ko sa lalaking may hawak sa kamay ko. Ang daming pwedeng hawakan sa kamay ko pa.
At bigla siyang huminto kaya nauntog ako sa likod niya. Kaya napahawak ako sa noo ko .. Saka niya ako binitawan at umalis.

"Sandali"Sigaw ko pero nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita ko ang bulletin sa kaliwa ko at pinagmasdan ko ito ng maigi at nakita ko ang picture ko at may nakalagay na 3rd warning. Kaya nanlaki ang Mata ko ng takpan ang pang 3rd saka inalis ng dahan dahan at nakita ko ang nakalagay na 'LOVE WARNING' na ang nakasulat kaya napatigin ako sa naglagay. At nakita ko si Ace ..

"Wala ng warning kaya hindi kana mamomroblema"Sabi niya.

"Sigurado ka??"Tanong ko.

"Oo dahil binuwag ko na ang grupo namin"Sagot niya .

"A..ano?? Binuwag mo na ang grupo niyo??"Tanong ko.

"Oo , diba sabi ko sayo kahapon na magbabago na ako"Sagot niya.

"Oo nga pero bakit kailangan pa na buwagin mo ang grupo mo??"Tanong ko.

"Wag ka ng magtanong , basta seryoso ako sa sinabi ko sayo"Sagot niya kaya hindi na ako nagtanong pa ulit.

...

Simula ng sinabi ni Ace kanina ay Wala ng natatakot sa kanya at nakikisalamuha narin siya sa ibang estudyante dito sa school.

Hindi narin mawala ang ngiti ng ibang estudyante samin ni Ace. Pero may mga bulungan parin ang nagaganap kaya hinahayaan ko nlng.

"So kelan mo ako sasagutin??"Tanong niya.

"Wag kang magmadali , sasagutin naman kita eh"Sagot ko.

"Wag magmadali , eh kakasabi mo lng na kahit na maging easy to get ka sa kani--",Hindi na niya natuloy dahil tinakpan ko kaagad ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Shut up or else"Pagbabanta ko.kaya tinanggal niya ang pagkakatakip ko sa bibig niya

"Or else , what??"Tanong niya.

"Aalis na ako"Sagot ko .. At aktong aalis na ako ng bigla siya tumayo at nagsalita kaya napatingin lahat ng nandito sa canteen. At bigla siya lumuhod.
"What are you doing??"Tanong ko pero di siya sumagt at hinawakan niya ang kamay ko.

"Jessica will you be my girlfriend??"Tanong niya kaya nanlaki ang Mata ko.. At ang mga tao dito sa canteen ay nagsasalita ng 'sagutin ko na'

"Pagiisipan ko"Sagot ko.
"Tara na , punta na tayo ng room"Sabi ko at hinila ko siya papuntang room.

"Ano ba yan , Pinahiya mo ako doon ah , at ikaw lng kaya ang gumawa sakin non"pagmamaktol niya.

"So??"Tanong ko.

"Ah. Wala"Sagot niya.

"Bakit mo ba kasi ginawa yun?? Hindi kaya ako handa"Sabi ko.

"Sorry na , gusto ko lng patunayan sa lahat ng tao na may nagmamay Ari na sayo at ako yun"Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Sinong nagsabi na pagmamayari mo ako??"Tanong ko ng pataray.

"Ay , sabi ko ako na pala ang nanliligaw sayo at Wala ng pweden manliga--"Hindi na niya na tuloy.

"Jessica"Sigaw ng lalaki sa pinto kaya napatingin ako at nakita ko si Andrew kaya lumapit ako.

"Bakit??"Tanong ko. Tas tumingin siya Kay ace at ganon din ako at masama ang tingin samin na akala mo pinagtataksilan ko siya.

"Pwede ba tayong magusap sa ssg office??"Tanong niya. Kaya pumayag ako .

...

Nakarating na kami ng ssg office kaya sinara niya ang pinto..
"Ano bang paguusapan natin??"Tanong ko .. At nagulat ako ng niyakap niya ako.

"Jessica kahit na wala na akong laban Kay Ace , pero Jessica gusto kita"Sabi niya.

"A.. Andrew"Sabi ko . at bigla siyang humiwalay sakin.

"Jessica matagal na kitan gusto simula nung unang nakita kita ng sinaktan ka ni Ace"Sabi niya.

"Ba.. Bakit di mo man lng sinabi sakin??"Tanong ko.

"Natatakot ako , baka kasi layuan mo na ako eh , kaya sinasarili ko nlng ang feelings ko sayo"Sagot niya.

"Bakit ba ganyan kayo , an tatapang niyo sa iba pero sa pag amin ng feelings ang hina niyo??"Tanong ko.

"Hindi ko rin alam"Sagot niya.

"Hayaan nlng natin , at sorry pero kaibigan lng ang turing ko sayo"Sabi ko at binuksan na ang pinto sa lumabas.

...

Andrew's Point of View

Ang sakit sakit ng sabihin sayo ng babaeng pinakamamahal mo ay hanggang kaibigan ka lng niya , pero Wala naman akong magawa kundi sundin ang sinabi niya.. At alam ko rin naman na ganito ang mangyayari pero ginawa ko parin.. Si Jessica Steinfeld palang ang unang babaeng nambasted sakin..

...

"Anong pinagusapan niyo??"Tanong ni Ace na walang gana.

"None of your business"Walang gana ko ring sagot.

"Umamin siguro siya sayo ng feelings kaya Wala kang gana , sabi na eh ako lng ang gusto mo"Sabi niya kaya hinampas ko siya.

"Manahimik ka , gusto ko rin siya"Sabi ko kaya natigilan siya.

"Tama ba ang pagkakarinig ko gusto mo rin si Andrew??"Tanong niya.

"Yah ! I like him as a friend"Sagot ko at napatingin sakanya at nakangisi.

"Eh ako?? Do like me??"Tanong niya.

"Yah I like you as my boyfriend"Sagot ko kaya napatakip ako ng Bibig. God Jessica hindi ka talaga marunong manahimik.

"So sinasagot mo na ako??"Tanong niya na nakangiti.

"Oo sinasagot na kita , so shut up"Sabi ko. Kaya tumayo siya at sumigaw.

"Yes kami na ni Jessica Steinfeld"Sigaw niya kaya hinila ko siya.

"Sisigaw ka o babawiin ko ang sinabi ko??"Tanong ko.

"Pano ka makakapili kung ganun ang pagpipilian?"tanong niya.

"Shut up"Sagot ko kaya nanahimik siya..

...

Nandito na ako sa bahay dahil maaga kaming pinauwi ng mga teacher dahil may meeting daw sila .. Kaya nandito ako sa sala at gumagawa ng assignment dahil ayoko sa kwarto..

"Sipag ah"Sabi ni ate .

"I know"Sabi ko naman.

"Kayo na pala , di ka nagsasabi"Sabi ni ate at lumapit sakin.

"Manggugulo ka nanaman ba??"Tanong ko.

"Hindi"Tipid niyang sagot.

"Buti naman , walang distorbo"Sabi ko habang nagsasagot ng Math

"Di porket naging kayo na ni Ace , ganyan kana"Sabi niya.

"Anong ganyang pinagsasabi mo??"Tanong ko.

"Wala , kalimutan mo nlng ang sinabi ko. Babye"Sabi niya.

"San ka pupunta??"Tanong ko.

"Makikipagdate"Sagot niya.

"Ingat"Ani ko. Kaya kumaway nlng siya..

...

Gabi na pero Wala paring ate Mae ang nandito sa bahay.. Kaya umakyat na ako dahil napagod na ako sa paggawa ng mg assignment ko..

Love WarningWhere stories live. Discover now