❇Chapter 9

1.6K 47 1
                                    

Ands POV

Pumasok na sa trabaho si Mikel, sabi nya uuwi sya ng maaga dahil nga may pupuntahan kami, kagabi pa ako isip ng isip kung san kami pupunta eh?! san kaya?!

Pero sa ngayon naglilinis lang ako ng bahay, nasanay na rin ako ng ganito araw araw, yung magwawalis ka, tapos mghuhugas,tapos mglalampaso tapos aayusin mo yung kwarto ng amo mo, pero hindi ako yung nglalaba ng damit, si Mikel nlng dw, para dw mas pulido ung pgkalaba...

Sa kalagitnaan ng paglilinis ko bglng ngring yung phone ko.

Mikel is calling....

Agad ko naman yun sinagot.

Ahm, hello?

[Ands, pauwi nako, get ready kna okay!"]
sabi nya sa kabilang linya

"Ahh, sir san ba tayo pupunta kasi?! ano bng kailangan kong suotin?!"

[Casual dress lang suotin mo, cge na pauwi nako dyn bye!"] ani nya saka binaba yung phone.

Hindi nya pa rin sinasabi kung san kami pupunta, pero sabi nmn nya mgcasual dress ako eh!

Dali dali akong ngshower at ngpalit ng damit, tulad nga ng sabi nya nakacasual dress lng ako, color dark blue iyon na may halong black sa gilid pinartneran ko yun na flat shoes lang na dark blue ren ang kulay, ayoko muna mg high heels kaya flat muna sinuot ko..

Pgkatapos kong mgbihis, ngsuklay ako, tapos nglagay lng ng onting powder, blush on at lip tint lng okay na, kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng kwarto ko, sakto namn pglabas ko andun na si Mikel.

"You're very excited, huh?!" sabi nya habng nakangisi, pero yung ngising nyang yun nakakakilabot!!

"Eh dba sabi mo maghanda nako, oh eto? okay na ba yung suot ko?" ani ko saka umikot ikot.

"Yeah, you look beautiful on that dress" sabi nya, wow! first time kong makatanggap ng puri sa isang lalaki ah!

"Thanks, anyway san ba talaga tayo pupunta?" I asked, nacucurious tlga ako kung saan eh!

"You will know later, let's go" sabi nya saka lumabas na ng bahay,

"Sakay" sabi nya saka lumipat na sa kabila, ni hindi man lng ako pingbuksan ng pinto, napakaungentleman eh!

Sumakay na ako saka nya pinaandar yung sasakyan, buong byahe tahimik lang ako, hindi ko rin nmn alam kung paano sisimulan ang pguusap namin eh, its kinda awkward, you know!!?

Tumigil kami sa isang malaking bahay! Hindi pala bahay, Mansion! Dito ba tlga kami pupunta?! Naalala ko tuloy yung mansion namin!!

"Here we are." sabi nya, saka lumabas na ng kotse sumunod na ako sa kanya, ambilis mglakad netong lalaking to, nasa loob na sya agad nung mansion

"Magandang hapon po sir, andun na po sila Madam sa sala" sabi nung isang maid dito.

Tanging pagtango lng ang sagot nya sa maid at agad na lumakad papunta siguro ng sala, sinundan ko nlng ulit sya

Andun sa sala yung sigurong tinutukoy ng mga maid na madam, Ang ganda nya, maputi din pati yung kasama nyng lalaki ganun rin,pamilyar yung mga mukha nila, hindi ko lng alam kung nakita ko na sila dati

"Oh, hijo buti nakarating kayo."

"Syempre, ayoko ng mamiss ang anniversary ninyo ni dad." sabi nya, agad namn tumingin sakin yung mom nya.

"Hindi mo ba sya ipapakilala samin ng dad mo?" sabi nya kay Mikel, bglang tumingin sakin si Mikel at hinawakan nya ang bewang ko

"Ahm, Mom and Dad gusto kong ipakilala sainyo si Anndrew, my girlfriend" sabi nya, did he just!!? he introduce me to his mom and dad as a girlfriend?!!! akala ko ba sa kaibigan lang nya kami mgpapanggap, pati ba sa mga mgulang nya!!?

"Nice to meet you again ija, you're so pretty" sabi sakin ng Dad ni Mikel, again? nakilala naba nila ako dati?

"Nice to meet you din po" tipid kong sagot

"Oh ano pang hinihintay natin? since were complete now, lets start the celebration!" sabi ng dad nya

nauna sila tita and tito papuntang dining room, hanggang ngayun hawak pa rin nya ang bewang ko, hindi ko ba alam kung ano yung nararamdaman ko, para kasing may kuryente yung kamay nya eh! anlakas ng epekto sakin.

andaming handang pagkain na nakahain dito sa mesa, sa minutong ito ngsisimula na kaming kumain.

"Ah mom, dad, eto nga po pala yung gift ko para sainyo, happy anniversary!" sabi ni Mikel saka inabot ang isang box sa knyang magulang.

"Thank you, anak pwede nba namin buksan to?" tanong ng mom nya ulit

"Cge mom" sagot nito, agad naman binuksan ang box, bumungad dito ang couple necklace, kumikinang ang maliit na dyamante rito! ang ganda!!

"Hon, pwede bang isuot mo sakin eto?" ani ni tita kay tito, kinabit na nga ni tito yung kwintas kay tita, at ganon din ang ginawa nya sa mom ni Mikel.

"Maraming salamat hijo, dapat kayo rin bumili ng ganito para pare parehas tayo!" Sabi ni tita.

"Balak ko rin bilhan ng ganyan si Ands, next time" sagot nito.

Marami rin kaming npgkwentuhan nila tita Acey at Tito John, napaka masayahin nila pero sa unang tingin napakaseryoso ng kanilang mukha may pingmanahan nga si Mikel.

"Mom, uuwi na kami masyado ng madilim eh" sabi ni Mikel

"Eh anak, ang lakas ng ulan oh! paano kayo makakauwi nyan?!" sabi ni Tita Acey, Oo nga noh! anlakas ng ulan, kanina lang tirik yung araw tapos ngayon uulan bigla!

"May kotse namn kami mom eh, " sagot nito---- "Kahit na, mabuti pa dito muna kayo mgstay, kahit ngayong gabi lng, pwede ba sayo yun Anndrew?"

"Ahh, kung ganito namn po yung sitwasyon, mgiistay nlng po kami rito." sabi ko,

"Payag na ang girlfriend mo Jm, umakyat na kayo sa kwarto mo, matulog kayo ng maaga ha!"

"Okay" tipid na sabi ni Mikel, agad nmn syang pumanik sa taas, sinundan ko ulit sya, anobayan! kanina pako sunod ng sunod sa knya para akong aso!

Pumasok kami sa isang kwarto, so ganun matutulog na namn kami sa iisang kwarto?!! Tapos ako na nmn sa sofa?!! And ang masaklap walang sofa rito! so san ako matutulog?! sa sahig?!!

Agad nmn syang humiga sa kama nya at ginalaw ang cp nya.

"Teka, san nga pala ako matutulog?" tanong ko, tinignan na nmn nya ko wearing his blank face again!

"Tanga ka ba, malamang sa kama, eh di kung ayaw mo bahala ka sa sahig matulog"

"Pero paano ka? san ka matutulog?"

"wala kang choice kundi tabi tayo, syempre kwarto ko to kaya alanganmn sa sahig ako matulog hnd ba!?" sbi nya, what!?!? ngayun nmn tabi kami matutulog?!! Hindi ako sanay ng may katabi eh!?

Tumayo namn sya sa pgkakahiga nya, at nilock ang pinto,

"dyan ka lng, mgshoshower lng ako" ani nya saka pumunta ng banyo, kinikilabutan tuloy ako ngayun, hindi ko alam kung bakit eh!? pero kasi tabi kami matutulog?! tapos nilock nya yung pinto tapos ngshower sya tapos.... Hayss!! kung ano ano na nmn iniisip mo Ands! inuunahan mo na nmn si Author!

Nagkunwari na lng akong natutulog na, narinig kong palapit na sya rito, naramdaman ko na rin ang pghiga ng katawan nya, grabe! hindi tlga ako sanay na matulog na may katabi eh! lalo na lalaki pa!

Pinatay nya na yung lampshade siguro matutulog na rin sya, napansin ko na may mabigat na bagay na nasa ibabaw ko, gasshh! nakayakap na sya sakin! ano ba to?? paano ko to aalisin?! Hindi ako makakatulog nito eh!!

____________________________________

Sorry kung medyo sabaw yung chapter nato! Pero sana ma appreciate nyo pa rin ito! Thank you po tlga sa mga ngbabasa!

Destiny Of The Lost Hearts Where stories live. Discover now