Chapter 29

1.4K 34 1
                                    


~Ands POV~

Days passed..... ang pinakakahintay ng lahat, Excited ang mga tao, Kanya kanya silang ayos sa sarili para mapaghandaan ng mabuti ang araw na ito.

"Ang ganda ganda mo bessy!! Kamukha mo ko!!" sabi ni Mich, kasama ko sya rito sa room, inaayusan kasi ako eh.

"Maganda ba talaga ako?" wala sa sarili kong sabi.

"Oo naman, ikaw ata ang pinakamagandang buntis na ikakasal" sabi ni Mich, nitong mga nakaraang araw lumolobo na rin yung tyan ko, buti na nga lang ngkasya yung gown sakin eh.

"Ang ganda mo rin kaya!" sabi ko

"Naku!! Alam ko na dati pa! Naiiyak tuloy ako besshy! Ikakasal na yung pinakamamahal kong bestfriend!!" sabi nya saka ako niyakap

"Wag kang umiyak, bahala ka kakalat yang makeup mo" ani ko

"Ay, oo nga pala!" sabi nya

"Tapos na po ma'am, ang ganda nyo po." sabi nung nagayos sakin.

"Bessy ang ganda ganda mo talaga!!" sabi ni Mich ng makaharap ako sa salamin, ang ganda ko nga!! Bumagay yung make up ko sa gown ko ngayon.

"Ano na? Let's go na!! hinihintay ka na doon for sure!" sabi nya, kaya agad naman kaming lumabas ng kwarto, sumakay na kami sa kotse.

"Manong tara na!" sabi ni Mich kaya agad naman pinaandar to ng driver.
-
-

Di kalayuan, nakikita ko na ang mga tao sa labas ng simbahan, mukhang nakita na nilng nandito na ako kaya agad na silang ngpunta sa kani kanilang pwesto.

"Bestie! this is it! Mauna nakong bumaba sayo!" sabi nya at bumaba na rin.

Lahat sila ay nakapila na, mga bata, matatanda ay napakaganda sa kanilang sky blue dress.

Ilang minuto pa ay ngbukas na ang pinto ng simbahan, nagsimula ng lumakad ang mga tao, habang ako heto nasa sasakyan pa lang, at parang maiiyak, naalala ko tuloy sila mama and papa, ano kayang reaksyon nila kung nandito sila ngayon? na ikakasal na yung anak nila?

Sa kalagitnaan ng paglalakad nila, tinawag nako ng wedding coordinator na ako na raw ang susunod, agad naman akong bumaba sa kotse, Dahil wala naman si papa, si Mich ang maghahatid sakin sa altar.

Nasa tapat na kami ng pinto g simbahan, ilang segundo lang ay lalakad na ako.

Heto na nga, binuksan na nga ang pintuan ng simbahan.

"Heto na bessy! Mglalakad na tayo!!" sabi nya.

(Play "Fall" by justin bieber on your playlist)

Nagsimula na akong humakbang, ang daming taong nakatingin sa akin ngayon,bawat hakbang ko, bumabalik lahat ng mga magagandang alaala na ngyari samin ni Mikel, noong bata pa lang kami, hanggang nagyon na ikakasal kami, Bawat hakbang ko ay dala ko ang masasayang pangyayari sa buhay ko.

Ng makarating na kami sa harap nakita ko si Mikel na may luha sa mukha, umiiyak sya, napangiti na lang tuloy ako.

"Hmm, Mikel ah! Alagaan mo bestfriend ko!" sabi ni Mich, at pumunta na sa knyang pwesto.

"Bat ka umiiyak?" sabi ko saka pinunasan yung luha sa mukha nya.

"Wala yan, masaya lang ako" sgot nya

"Asus!" sambit ko.

Nagsimula na nga ang seremonya ng kasal.Nagsimula natin mag speech ang pari.
-
-
-

Destiny Of The Lost Hearts Where stories live. Discover now