❇Chapter 24

1.4K 42 2
                                    

"Kung ikaw talaga yung kababata ko, hindi mo gagawin sakin to..... hindi mo ko sasaktan at pglilihiman ng kahit ano..... hindi ikaw yung janjan na kilala ko.... hindi ikaw yun....." Napahagulgol nalng ako sa naging sagot ko.

"Ands... sasabihin ko namn talaga eh... pero----- "Pero ano!!! Hanggang kailan mo balak itago sakin ha?!! Ano hanggang kailan!!!" sigaw ko habng patuloy pa rin umaagos ang mga luha ko. Niyakap nya lang ako at isiniksik sa knyang dibdib.

"Bakit Jm.... Bakit....." sambit ko sa pagitan ng pgiyak ko,

"Ssshh... Im sorry... Ands... Im sorry..." rinig kong sabi nya, inalis ko rin ang pgkakayakap nya sakin, at agad na pinunasan ang luha ko.

"Dun muna ko kila Michelle matutulog, gusto ko munang magisip isip..." sabi ko saka nagtungo ng kwarto.sya namn ay sinundan ako.

"Ands.. sorry na, ayusin natin to.... gusto ko namn talagang sabihin sayo eh... pero di pa ngayon....." sabi nya, habang ako eto inaayos ang mga gamit ko, mas mabuti muna siguro na dun ako kila Mich, atlis dun mkakapagisip ako ng maayos..

Diko na nalagay ng maayos ang mga gamit ko sa bag,pgkatapos nun ay dire diretso akong lumabas ng kwarto, si jm namn tong pinipigilan akong umalis.

"Ands, wag nmn ganito... please.. ayusin natin to.. Ands" nakita ko ang nangingilid na luha sa mata nya, bakit ganun? gusto kong umalis dahil nasasaktan ako?! pero bakit lalo akong nasasaktan pag kaharap ko sya?? Bakit kailangan ko pang maramdaman yung ganito?!

"Mas mabuti muna na lumayo muna ako sayo, Hayaan mo munang gawin koto please... gusto ko munang isipin kung bakit kailangan mo gawin sakin to? bakit kailangan mokong saktan ng ganito?Bakit kailangan ilihim ang lahat? Ang daming bakit na naglalaro sa isipan ko ngayon..." sabi ko, may tumakas na luha galing sa mga mata ko pero agad ko yun pinunasan.

Lumabas na ako ng bahay nya, sya namn etong hinawakan ako sa kamay at lumuhod.

"Anndrew, sorry... please... patawarin mo ko.... di ko kasi alam kung anong magiging reaksyon mo pag sinabi kong ako yung kababata mo.... sorry.. Ands.... ginawa ko lng to dahil Mahal na Mahal kita.... Ands, wag kng umalis...." sabi nya saka tuluyang lumuha, yung mukha nyang seryoso at hindi marunong ngumiti noon ngayon na nasa harap ko nakaluhod at umiiyak, bakit ang sakit?? di ko kayang makita na nasasaktan sya... hindi ko kaya na ganito sya..

"Sorry Jm, pero kailangan ko ng umalis... give me some time... gusto ko lang muna talaga makapgisip.." sabi ko saka iniwan na sya doon, di ko kaya, di ko kaya na nakikita syang umiiyak, tumkbo ako ng mabilis, na kahit umuulan ay lumusob pa rin ako... ayokong makita ang mukha nya, dahil sa tuwing kaharap ko sya, parang ayoko ng umalis sa tabi nya...

_
_
_
_
_

Ilang oras rin ay nakarating ako ng bahay nila Mich na basang basa, agad ko yun kinatok at bumungad sakin si Mich

"Ohmy Ands! basang basa ka! ano bang gingawa mo!? " tanong nya sakin, niyakap ko na lang sya at duon na umiyak. gusto ko ng ilabas to kanina pa..

"Ands.. bakit? anong ngyari sayo? bat ka umiiyak??" tanging paghagulgol lang ang naisagot ko..

"Halika nga dito, pumasok ka muna... basang basa ka eh!" sabi nya saka ako pinapasok sa kanila, kumuha sya ng damit at pingpalit ako.
_
_

"Ano bang nangyari Ands? bat ka umiiyak? atsaka bat ka lumusob ng ulan?" bakas sa mukha ni Mich ang pagaalala, sa tuwing may problema ako, sya lagi ang tinatakbuhan ko, sya nalng ang natitirang pamilya ko.

"Mich....... si Jm....." sambit ko,

"Oh anong ginawa sayo ni Jm? ano yon?" tanong nya.

"Sya yung.... yung kababata ko...." dugtong ko

"Ohmy! sya yung lagi mong kinikwentong kababata mong iniwan ka noon?!!" sabi nya

"Oo, Mich... ang sakit... nilihim nya sakin na sya yun.... wala syang binabanggit tungkol roon...sa araw araw na mgkasama kami, may kasama pala iyong kasinungalingan...." sabi ko.

"Ands, baka naman may dahilan sya kung bakit nya tinago yun, pinagexplain mo ba sya kung bakit?" tanging pagiling lang ang sinagot ko.

"Oh! yun naman pala Ands eh, di mo pinagexplain yung tao, Ands kasi.. yang sarili mo agad ang pinapakinggan mo, paano pala kung may malalim syang dahilan pero hindi mo nmn pala pinakinggan" sabi nya, tama sya, hindi ko pinakinggan yung explanation nya.

"Hindi ko alam Mich.. sa ngayon ayoko muna syang makita... irerefresh ko muna tong utak ko..." sabi ko

"Pero Ands, ang tanong bakit mo kailangan syang layuan dahil lang sa kababata mo sya dati, hindi ba dapat masaya ka dahil matagal na hindi kayo nagkita noon?!" tanong nya

"Hindi ko alam kung magiging masaya ako eh, oo sige kababata ko sya, masaya ako kasi sya yung hinihintay kong bumalik dati, pero ang sakit din kasi... alam nya na pala sa una na ako yung kababata nya, pero bakit di nya sinabi... bakit kailangan ako pa yung mismo makaalam?!" sabi ko.

"Sabagay..... pero Ands, Heto talaga, Isang tanong isang sagot lang... Mahal mo ba si Jm?" tanong nya, mahal ko ba sya?oo mahal ko sya kasi kababata ko sya dati?! o mahal ko sya kasi mahal nya ako?

"Ewan... ewan ko Mich..." sabi ko

"Mahal mo nga?... Sa pag ibig kasi, di mo namn masasabi kagad na mahal mo sya, di mo malalaman na minamahal mo na pala sya, ikaw... tignan mo... naguguluhan ka... hindi mo alam kung mahal mo sya o hindi... ganun ang pagibig, kusa mong nararamdaman kahit hindi mo masabi." sambit nya, so mahal ko si Jm?

"Ang galing mo naman magadvice, brokenhearted ka rin?" biro ko, pilit kong ngumiti.

"Tss, hindi noh! Magpahinga kana lang dyn, wag ka ng umiyak.. matulog ka na ng mahimbing ha!" sabi nito

"Thank you Mich, kahit na may topak ka lagi, pinapatuloy mo parin ako rito sa bahay mo, Thank you talga..." sabi ko saka sya niyakap

"Nako, wala yun, basta sa pinakamaarte ay pinakamamahal ko palang bestfriend" sambit nya, ngumiti nalng ako sa knya at ngpaalam na matutulog na.

Habang nakahiga ako, iniisip ko yung sinabi ni Mich na" sa pagibig, kusa mo nlng mararamdaman kahit hindi mo masabi."
kusa ko ng nararamdaman? pero di ko masabi?!!

________________

Annyeong Guys! Ok lang ba? comment naman kayo oh! para kasing ang gulo gulo na eh! huehue. sana nagustuhan nyo yung chappy nato kahit paano.oh sya sige, thanks sa mga readers.

Destiny Of The Lost Hearts Where stories live. Discover now