"Anak, bayaran mo nga 'yong utang natin kay Manang Helen." utos sa akin ni mama isang gabi. Inabot niya sa akin ang puting envelope at isang panyo.
Pinagmasdan ko iyon, may nakaukit na kung ano sa pinakadulo nito, napatingin ako kay Mama na nagtataka
"Ma, para s'an po ang panyo?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon, hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang kamay.
"D-Dalhin mo 'yan kay manang Helen anak.. Sila na ang bahala.." Halos pabulong na ang huli nitong sinabi.
Napabuntong hininga ako. Kilalang-kilala ko na ang mama, mahilig siyang umutang sa mga kakilala niya, hindi ko nga alam kong saan siya nakakakuha ng bayad, pero hinayaan ko na lang.
Sinunod ko ang sinabi niya, sa pag-aakalang, magbabayad talaga ako ng utang ni Mama. Hindi ko tinignan ang loob ng sobre, sa pag-aakalang laman n'on ay ang perang inutang ni mama. Dala-dala ko ang panyo, sa pag-aakalang, ibinabalik lang 'yon ni mama kay Manang Helen, ang nagbabantay sa isang mansion na hindi kalayuan sa amin.
Pero lahat talaga namamatay sa maling akala. Dahil sa pag-aakalang, magbabayad lang ako ng utang, iba na pala ang ibig sabihin n'on. Literal na magbabayad si Mama ng utang, at ako ang pambayad niya. Pambayad sa isang lalaking ngayon ko lang nakita sa tanang ng buhay ko, mariing nakatitig sa akin, at doon ko lang nalaman na, kasal ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Married to the Alpha
WerewolfShe's Maria Aragon. At ang tanging hiling lang sa buhay ay matulungan ang pamilya niyang naghihirap sa buhay. But then, mukhang may saltik ata ang tadhana at siya pa ang nakita nitong paglaruan. Ang buong akala niya, isasauli niya lang ang hiniram...