Kabanata I

36.9K 1.2K 97
                                    

Kabanata I: Deal

|MARIA|

"ANAK, bayaran mo nga 'yong utang natin kay Manang Helen." utos sa akin ni mama isang gabi. Inabot niya sa akin ang puting envelope at isang panyo.

Pinagmasdan ko iyon, may nakaukit na kung ano sa pinakadulo nito, napatingin ako kay Mama na nagtataka.

"Ma, para s'an po ang panyo?" tanong ko. Hindi niya ako nilingon, hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang kamay. Napataas ang kilay ko dahil doon.

"D-Dalhin mo 'yan kay manang Helen anak.. Sila na ang bahala.." Halos pabulong na ang huli nitong sinabi.

Napabuntong hininga ako. Kilalang-kilala ko na ang mama, mahilig siyang umutang sa mga kakilala niya, hindi ko nga alam kong saan siya nakakakuha ng bayad, pero hinayaan ko na lang. Pinalampas ko ang panginginig ng kamay niya, siguro'y napapasmo lang.

Lumabas ako ng aming munting barong-barong na gawa sa kawayan, medyo nasa kalumaan na iyon, at halatang ilang ihip na lang ng hangin at tutumba na, pero ngayon, ay magpapagawa kami uli ng bagong bahay, pero gawa na sa bato. Hindi ko alam kung saan kinuha ni mama ang pera para doon, ang importante ay mapapalitan na ang aming bahay.

Kahit madilim ay naglalakad ako sa gilid ng kalsada, may mumunting street lights naman, na kahit paano ay naiilawan ang aking dinaraanan. Nagpapasalamat na rin ako sa tulong ng sinag ng buwan, bilog na bilog ito ngayon, at napakagandang pagmasdan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, mahigit isang kilometro ang layo ng pinagtatrabahuan ni Manang Helen. Nagtatrabaho kasi ito sa isang mansion, at hindi ko kilala kong sino ang nagmamay-ari.

Kararating ko lang kasi n'ong nakaraang buwan, galing sa siyudad. Doon ako nag-aral, hindi ko rin alam kung saan kumuha si mama ng pangtustos sa pag-aaral ko, basta pinag-aral niya lang ako sa isang eksklusibong paaralan sa siyudad. Hindi niya ako pinapauwi, nagboboarding house ako dahil mahigit tatlong oras ang layo ng aming barangay sa siyudad.

Tuwing sembreak at summer lang ako nakakauwi dito, dahil sayang sa oras at masyadong maraming tinatapos sa school. Pero lahat ng sakripisyo ay nagbunga ng maganda. Atleast ngayon, isa na akong graduate ng psychology. Trabaho na lang ang kulang at masusuklian ko na ang mga ginawa ni mama para sa akin.

Tanaw na tanaw ko na sa paningin ko ang gate ng mansion. Sa loob ng isang buwan, kabisado ko na ang daan patungo dito, dahil palagi akong sinasama ni mama. Hindi ko mga alam na may nakatira pala dito, dati kasi tuwing napapadpad ako dito sa lugar na 'to mismo, at napapatingin sa napakalaking bahay ay wala naman akong napapansin na may nakatira. Sarado ang lahat ng pwedeng pasukan, maski ang bintana. Akala ko nga dati isang haunted house dahil napabayaan na.

Nakarating ako sa harapan ng gate ng mansion, may nakaukit na Lancaster sa itaas nito. Pero kusang napadako ang tingin ko ng bigla itong bumukas. Dinig na dinig ko ang tunog na ginagawa ng bawat bakal na kumikiskis sa isa't-isa. Nanatili ako sa kinaroroonan ko dahil sa kabang biglang umahon sa akin.

Mula sa kinaroroonan ko ay nakatayo ang isang matayog na mansion. Sa likuran nito ay nagsisitaasang mga puno na tila gubat. Napalunok ako habang nakatitig lang sa mansion. May napansin akong nakatayo sa ikalawang palapag, sa open balcony na humaharap mismo kung saan ako naroroon, pero ng kumurap ako ay bigla iyong nawala. Napalunok ako, tama ba ang iinisip ko na isang haunted house ang mansion? Napailing ako, dulot lang siguro iyon ng dilim.

Takot na takot man ay nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad patungo sa mansion, kitang-kita ko mula sa entrance nito ay may nakatayong matanda, magkasaklop ang dalawang kamay at nakangiti ito ng malapad na para bang may hinihintay. Hindi rin nagtagal nang makarating ako sa harapan ng mansion. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Lalo na dahil nasisikatan ito ng liwannag ng buwan na siyang nag mas patingkad dito.

Married to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon