Kabanata V

26.1K 798 76
                                    

Kabanata IV: Ex

|Maria|

"B-BARON?!"

Gulat na sambit ko sa pangalan niya. Ganoon rin ito sa akin.

"Ma-Maria.. ikaw nga." naglakad ito papalapit sa akin. Nang ilang sentimetro na lang ang layo nito sa akin, bigla niya akong niyakap.

"Ikaw nga! Akala ko namamalik-mata lang ako!" masayang anito pagkatapos ay kinalas rin ang pagkakayakap sa akin. Hindi ako makakibo at napatitig rin sa kanya. Gusto kong sabihin rin sa kanya na nagulat rin ako nang makita siya.

Ang lapad ng ngiti nito habang nakatitig sa akin pero kaagad rin iyong naglaho. Nagsalubong ang kilay nito na para bang may naalala.

"T-Teka.. Ba't ka nandito sa bahay ni Lucas?" nagtatakang tanong nito.

Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya. Teka, sasabihin ko ba? Magsasalita na sana ako ng may biglang magsalita sa likuran ko. Kaagad akong napalingon at nakita si manang Helen na nakatayo sa 'di kalayuan at nakatingin sa akin. Lumampas ang tingin nito sa akin dahilan para magbago ang itsura nito. Biglang ngumiti si manang at naglakad papalapit sa amin.

"Baron?! Iho? Ikaw ba yan?" galak na tanong ni manang ng tuluyan na itong makalapit sa amin. Dumalo ito kay Baron at tinignan. Napansin ko na bahagyang naluha si manang. Napataas ang kilay ko dahil doon.

"Opo 'Nay Helen.. ako ito.." pagkatapos sabihin iyon ni Baron ay niyakap siya ni manang. Yumakap rin ito pabalik at napatitig na lang ako sa kanilang dalawa.

"Ang tagal mong nawala ah. Akala ko hindi ka na babalik dito." maluha-luha pang sambit ni manang. Ngumiti na lang si Baron at napadako ang tingin sa akin. Nawala ang ngiti nito sa mukha, napansin naman kaagad iyon ni manang Helen.

"Siya nga pala, bakit naririto po si Maria?" seryosong tanong ni Baron kay manang.

Napatingin naman si manang sa akin at kay Baron. Pabalik-balik ang tingin nito sa aming dalawa. Napatingin ako kay Baron na seryoso pa rin ang pagkakatingin sa akin. Umiwas rin ako ng makaramdam ako ng pagkailang. Napakagat-labi ako.

"Magkakilala kayo?" gulat na tanong ni manang. Tumango si Baron dahil doon pero hindi pa rin inaalis sa akin ang pagkakatingin. Bahgyang tumawa at napailing si manang Helen.

"Ang liit talaga ng mundo." sambit nito. "Oh siya. Akala ko ikaw si Lucas kasi nagtataka akong hindi kaagad nakabalik si Maria sa kusina. Ikaw pala ang nagdoorbell. Siya nga pala Baron, nakapaghapunan ka na ba?"

Umiling si Baron sa tanong ni manang. Akala ko hindi niya pa aalisin ang tingin niya sa akin. Lihim akong nagpapasalamat ng ibinaling nito ang tingin kay manang Helen.

"Hindi pa nga po manang. Hindi talaga ako naghapunan dahil gusto ko ulit na matikman ang mga niuto niyo." nakangiting tugon nito kay manang.

"Talaga? Tamang-tama! Marami akong hinanda! Sumabay ka na sa amin ni Maria na maghapunan! Tara sa kusina." masayang aya ni manang kay Baron. Ngumiti rin si manang sa akin at inayang bumalik sa kusina. Nauna itong maglakad patungo roon. Hindi ko napansin na naiwan kami ni Baron sa foyer.

"Ano ba talagang ginagawa mo dito Maria. Huli sa listahan ko ang makita ka sa mansion ni Lucas." seryosong tanong ni Baron sa akin.

Napalunok ako at napalingon sa kanya. Nakatingin siya kay manang Helen na papalayo na sa amin. Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli. Napapikit ako at napatikhim at inalis rin ang pagkakatingin sa kanya.

"Tara na.. pumunta na tayo sa kusina." ani ko upang iwasan ang katanungan niya. Nauna akong maglakad para sundan si manang Helen. Nadinig ko ang pagbuntong hininga nito. Gusto ko siyang lingunin, lapitan at sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyari sa akin. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Malaki na ako, kailangan kong harapin ang buhay ko ng mag-isa at hindi umaasa sa iba.

Married to the AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon