Kabanata II: Wolf
|MARIA|
"A-anong g-ginagawa mo dito?!" Gulat na gulat na tanong ni nanay ng makita akong sumulpot sa kusina. Napatiim ako ng bagang. Wow. So, hindi niya gustong nandito ako? Nagliligpit na ito ng hapagkainan. Sinundan ko ang bawat kilos niya. Hindi man lang ako hinintay o kung may plano ba silang hinatayin ako.
"T-totoo ba?" nauutal na tanong ko. Nakatayo ako ngayon sa daan na naghihiwalay sa salas at kusina. Tanging siya lang ang natitira roon. Wala sa salas ang mga kapatid ko at ang tatay. Mukhang nasa kuwarto na ang mga ito.
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong nito pabalik sa akin. Ibinaling nito ang atensyon sa nililigpit niyang plato, pagkatapos ay tinalikuran ako at inilagay ang mga plato sa lababo. Tinalikuran niya lang ako ng parang wala lang.
"Totoo ba ang narinig ko kay manang H-Helen?" Parang may bikig ang lalamunan ko habang lumulunok. Nakita kong parang nanigas si nanay ng sabihin ko iyon. Lihim akong napamura.
Totoo nga?
Gusto kong itanggi ni nanay ang mga nadinig ko kay manang Helen. Gusto kong sabihin niya na nahihibang lang ako, nanaginip 'di kaya'y hindi lang naintindihan ang mga sinabi ni manang Helen sa akin. Gusto kong sabihin niya sa akin iyon.
"Nay.." halos nagsusumamo na ang boses ko habang binabanggit ko iyon. Gusto kong kumpirmahin niya ang mga nadinig ko. Pero bakit hindi siya nagsasalita?
Nagpakawala ito ng malalim na hininga. Nagsimula itong maghugas ng pinggan na para bang hindi ako narinig. Doon na ako nagdesisyong lumapit sa kanya upang siya ay kausapin. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya ng humarap ito sa akin.
"Bakit ba nandito ka pa, ha?! Sana nanatili ka na doon sa mansyon?! Bakit ka umalis doon? Hindi mo ba alam na maaaring bawiin niya sa akin--"
"So, totoo nga? Totoo nga na ako ang pinambayad niyo ng utang?!" nasasaktang sigaw ko. Hindi ko na kinaya ang mabigat na nararamdaman ko kanina. Ilang beses ko pang ikinakaila sa sarili ko iyon, dahil hindi ko maintindihan kong bakit magagawa iyon ni nanay sa akin? Ano bang nagawa ko? Hindi niya ba ako mahal? Hindi niya ba ako kapamilya? Bakit kaya niyang gawin iyon sa akin? Ang daming katanungan sa isipan ko, at wala akong maisip na sagot sa mga iyon.
"OO! Totoong ikaw ang pinambayad ko ng utang sa mga Lancaster na 'yon! Ngayon?! Ano na ang gagawin mo?! Pagsasalitaan mo ako?! Sige, gawin mo dahil hinding hindi na magbabago ang isip ko sa mga ginawa ko?!"
Natahimik ako sa sinabi ni nanay. Parang bawat salita niya ay pinapana ang puso ko. Sapol. Napahagulgol na lang ako, hindi ko mapigilang hindi umiyak. Nadinig ko ang mga hakbang na papalapit sa likuran ko. At doon ko nakumpirma na nandooon ang mga kapatid ko at si tatay ng magsalita ito.
"Anong nangyayari dito?!" Gulat na gulat na tanong ni tatay. Hindi ako lumingon. Ayaw kong makita ako ni tatay na ganito, umiiyak. Baka pati siya, kumpirmahin ang mga sinabi ni nanay. Mas lalo akong masasaktan dahil doon.
"Ate! Nandito ka na pala!Nakapaghapunan ka na ba? Ang sarap ng ulam na'tin. Nay, may tinira ka ba para kay ate?" masayang sambit ni Karlo, ang bunso naming kapatid, habang tumatakbo papalapit kay nanay. Nagtaka ito siguro ng hindi siya pinansin ni nanay kaya sa akin ito napatingin.
"Ate, ba't ka umiiyak?" natatakang tanong nito. Pinahiran ko kaagad ang luha ko. Kasabay n'on ay ang paglapat ng isang kamay sa balikat ko. Kaagad akong napalingon ako, tumambad sa akin ang malungkot na mukha ni tatay. Na parang gusto nitong humingi mg tawad. Muli akong napaiyak. Hindi. Alam niya?
BINABASA MO ANG
Married to the Alpha
VlkodlaciShe's Maria Aragon. At ang tanging hiling lang sa buhay ay matulungan ang pamilya niyang naghihirap sa buhay. But then, mukhang may saltik ata ang tadhana at siya pa ang nakita nitong paglaruan. Ang buong akala niya, isasauli niya lang ang hiniram...