Kabanata IV: Unexpected Guest
|Maria|
NAPATITIG ako sa isang papel na hawak-hawak ko ngayon. Isa-isa kong binasa ang laman n'on. Napalunok ako habang napapahugot ako ng malalim na hininga. Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko na ngayon at hawak-hawak ang proweba na kasal ako sa kanya.
Kasal ako sa isang Lucas Lancaster.
Totoo nga, hindi ito nagsisinungaling nang hingian ko siya ng proweba. Muli akong napalunok. Nangingnig ang kamay ko habang ibinababa ang papel na hawak-hawak ko. Ang aming marriage contract. Tumatak sa isipan ko ang pirma ko sa ibabang bahagi n'on.
Nilagay ko sa lamesang nasa harapan ko ang marrigae contract. Napapikit ako ng at napahilot ng sentido. Kasabay n'on ay napasandal ako sa sofang kinauupuan ko.
Paano ko ba napirmahan ang kontratang iyon? Wala akong maalala na may pinirmahan akong isang marriage contract! Unless..
Iminulat ko ang mga mata ko at kaagad na napatayo. Sinundan niya ako ng tingin.
"You forged my signature!" pagbanta ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
"Forged? Tingin mo may panahon pa ako para gawin 'yon?" may panunuya nitong sabi.
"Bakit?! Hindi naman imposible iyon! Dahil wala akong maalala na may pinirmahang kontrata! The last time I signed a contract is..."
Napahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko ang huling pagpirma ko ng isang kontrata. It was my last day here at pabalik na ako sa siyudad. I was in hurry, at ang nanay ay naghahabol na pirmahan ko raw ang isang importateng kontrata. Wala na akong oras para pa basahin iyon kaya kaagad ko na lang pinirmahan. Dahil malaki naman ang tiwala ko kay Mama. Buong akala ko...
Akala.. Nag-akala na naman ako.
Ibinalik ko ang tingin kay Lucas, I saw him smirked habang mariing nakatingin siyang nakatingin sa akin. Napalunok ako.
"So you remember now?" anito na parang nababasa ang isipan ko. Muli akong napalunok. Napaupo ako sa sofa, pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng lakas. Napasinghap ako at napapikit. Muli akong napahilot sa sentido, dahil parang bigla itong sumakit.
Naalala ko uli ang ginawa ni Mama. How could she do this to me? Tanggap ko na ipinagpalit niya ako sa pera, pero ang pagsamantalahan niya ako, hindi ko inaasahan iyon. Pakiramdam ko, pinagtaksilan ako ng buo kong pamilya. Parang ipinapakita sa akin na hindi ako nababagay doon. Ano bang nagawa ko?
Napasinghot ako at napahawak sa aking pisngi. I just saw myself crying. Umiiyak dahil sa nalaman ko. Ano pa bang pagtataksil ang malalaman ko? Wala na bang katapusan 'to?
Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may tumabi at yumakap sa akin. Inangat ko ang tingin ko, at nagtagpo ang tingin namin ni Lucas.
"Shh.. stop crying."
He pulled me close to him dahilan para bumaon sa dibdib nya ang pagmumukha ko. I put my both hands to his chest, ready to push him away. Pero natigilan ako when I felt him kiss my head. Imbes na itulak siya, napakapit na lang ako sa damit niya at doon napahagulgol. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya napayakap na rin ako sa kanya. I find it comforting, kaya hindi ko alam kung ilang minuto ba ang inabot para tuluyan akong huminto sa pag-iyak.
"Feeling better?" tanong nito ng ako na ang unang kumalas sa pagkakayakap namin. Pero hindi niya ako hinayaang makalayo sa kanya. Nanatili ang braso niya sa bewang ko.
Napaangat ako ng tingin at nagtagpo ang tingin naming dalawa. Napakagat labi ako ng makita ko kung gaano siya ka-concern. Napaiwas ako ng tingin, pakiramdam ko pinamumulahan ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Married to the Alpha
مستذئبShe's Maria Aragon. At ang tanging hiling lang sa buhay ay matulungan ang pamilya niyang naghihirap sa buhay. But then, mukhang may saltik ata ang tadhana at siya pa ang nakita nitong paglaruan. Ang buong akala niya, isasauli niya lang ang hiniram...