Kabanata III: Wife
|MARIA|
"HMMMN.."
Napaungol ako dahil sa lambot ng hinihigaan ako. Teka, nasaan ba ako? Naaamoy ko ang bango ng kamang kinahihigaan ko. Dinig na dinig ko ang lagaslas ng mga puno mula sa bintana.
Gusto kong imulat ang mga mata ko, pero napakabigat n'on kaya hindi ko magawa. Gusto ko pang matulog sa kinahihigaan ko. Napaka-komportable. May naririnig rin akong parang bumubulong. Napakunot ang noo ko ng madinig ang pamilyar na boses ni manang Helen.
"Kailangan niya lang magpahinga. Mukhang napagod siya kakatakbo kagabi."
Teka, nasaan ba ako?
"Sige. Salamat." dinig kong tugon ng isang baritonong boses kay manang Helen.
"Hmmmm." muli akong napaungol. Gumalaw ako sa kinahihigaan ko, pero napangiwi ako ng maramdaman ko ang pangangalay ng braso't binti ko. Doon ko na napagdesisyonang imulat ang aking mga mata.
Ang unang tumambad sa akin ay ang dirty white na kulay ng mataas na kisame. Sa bawat sulok nito ay may magarang disensyo ng mga cornices. Sa gitna naman ay may nakasabit na magarang chandelier. Teka, nasaan ba ako? Hindi ito ang kuwarto ko! Bubong lang ang kisame sa bahay!
Napabangon ako dahil doon, kasabay n'on ay muli kong pagngiwi dahil sa pangangalay ng likod ko at bahagyang pagkakahapdi ng kung anong galos sa aking mga braso. Napatingin ako kaagad doon. At isa-isa nagdagsaan ang nangyari kagabi. Ang pagkakatuklas ko sa kasunduan. Ang paghahabol sa akin ng mga lobo. Ang pagiging tao ng isang.. lobo. Napalunok ako. T-Totoo ba 'yong nangyari kahapon?
"Ayos ka na ba, iha?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni manang Helen. Pero lumagpas ang tingin ko sa kanya ng may mapansin akong nakatayo mula sa likuran niya.
Nakapamulsa ito at nakasandal sa dingding malapit sa pintuan. Bahagya itong nakayuko, pero umangat rin ang tingin ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Tumambad sa akin ang pamilyar niyang mukha, maliban na lang sa kulay ng mga mata nito. Hindi pula, hindi kagaya ng kagabing nakita ko. Pulang-pula.
Napaatras ako patungong sulok ng kinahihigaan ko, nagsusumikap na lumayo sa lalaking nakatingin sa akin ngayon. Siya.. siya ang lalaking nagpalit anyo kagabi mula sa pagiging lobo. Hindi ako maaaring magkamali.
Umiwas ako ng tingin at napayuko. Mahigpit kong hinawakan at niyakap ang comforter na nakakumot pa rin sa akin. Biglang may kung anong umahong kaba sa dibdib ko. Anong gagawin niya? Sasaktan niya ba ako?
"Maiwan mo muna kami, Nay Helen. Mag-uusap lang kami." dinig kong utos nito kay manang Helen. Kaagad akong napaangat ng tingin at napatingin kay manang Helen. Pinigilan ko siya ng tumayo ito, nakikiusap sa mga mata ko na huwag niya akong iwan sa lalaking nasa harapan namin ngayon. Pero imbes na gawin niya iyon, bahagya itong ngumiti at lumapit sa akin. Kaagaran niya akong niyakap, sabay hagod sa likuran ko.
"Mabait si Lucas." bulong nito pagkatapos ay kumawala sa pagkakayakap sa akin. Napatingin lang ako sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto.
Napatingin naman ako sa lalaking si Lucas na nasa harapan ko ngayon, mariing nakatingin sa akin ang kulay pilak nitong mga mata. Pinanindigan ako ng balahibo sa paraan ng titig nito. Muli akong napasiksik sa sulok kong nasaan ako. Inaamin ko, natatakot na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Married to the Alpha
WerewolfShe's Maria Aragon. At ang tanging hiling lang sa buhay ay matulungan ang pamilya niyang naghihirap sa buhay. But then, mukhang may saltik ata ang tadhana at siya pa ang nakita nitong paglaruan. Ang buong akala niya, isasauli niya lang ang hiniram...
