Chapter 6: rich spoiled brat

41 6 0
                                    

Naabutan ni Giselle ang kanyang mga kaibigan na parang may pinag kwekwentuhan at nang makita syang padating na ay parang may itinagong isang bagay.

"Hi, Gi.. how's your weekend?" pangunguna ni Lalaine

"As usual my weekends were great but I know this morning will also be great if you'll tell me what's keeping you busy earlier?" sabi nito at saka sarkastikong ngumiti.

Hindi mapakali ang mga kaibigan nya sa sinabi nito. Kanina pa nya napapansin na nagpapasa pasahan ang mga ito sa cellphone kaya hinablot nya ang iPhone na hawak na ngayon ni Fiona.

Alam nyang kay Lalaine ito pagkat sa kulay palang ay halata na nya ang pink na pink nitong case na may hello kitty pang nakadesign sa likod.

"Ahmm.. Gi, don't get me wrong about this.. ayaw lang namin na mangyari ulit yung dati." pagpapaliwanag niya.

"What are you talking about Lalaine? Sorry but I'm clueless on what you're tryin' to point out? Is this the friendship we had?"

"Sorry Gi, but when you saw us earlier, were thinking how to handle this thing that Lalaine told us about to avoid any conflicts" paglilinaw ni Reesa

"Conflicts? What the hell, just tell it straight to my face!" inis na sabi niya.

"L-Lalaine saw Veronica and Jake together last saturday. It's like they're having merienda" sabi ng takot na takot na si Monique.

Hindi naitago ang gulat sa mga mata ni Giselle pagkat wala sa hinuha nyang magkakalapit ang dalawang iyon.

"Gosh! no way! how come that bitch?.."

"That's why we're hiding it to you. Gusto lang namin na iiwas ka sa gulo"

"What? sino ba ang kaibigan mo samin dalawa!?"

"You don't have to ask me, you already know my answer."

Mabilis na iniwan ni Giselle ang mga kaibigan nya at nais rin hanapin ang babaeng nagpainit ng ulo nya sa umagang kay aliwalas.

Matapang syang pinigilan ni Lalaine.

"Let me go, ipapaalam ko lang sa kanya kung saan sya dapat lumugar!"

"Please stop it, girls tulungan nyo ako sa kanya."

Ganoon ang pangyayaring naabutan ni Jake at ng dalawang kaibigan nya.

"Oh Giselle, bakit? may aawayin ka na naman. Tsk! ang dami na nilang umaawat sayo oh. Maawa ka sa sarili mo, why? coz you really look stupid. pang-aasar na sabi ni Greg

"You guys are awesomely...weird." sabi ni Carl habang tumatawa.

Lalong nag-init ang ulo ng dalaga sa ginawa sa kanya ng mga kaibigan nito. Lalo't tiningnan lang sya ni Jake na walang karea-reaksyon ang mukha.

Nang matapos ang klase nila ay mabilis syang tumakas sa mga nakasunod na mata ng kanyang mga kaibigan at dinala nya rin ang phone ni Lalaine.

Nagtungo sya sa library dahil alam nyang madalas dun nya laging nakikita si Veronica na nagpupunta pag uwian na.

Humahangos na ito sa bilis ng kanyang lakad at nagsimula naring kumulo ang kanyang dugo ng makita nyang muli ang litrato ng dalawa na parehong nakangiti sa isa't-isa.

Hindi nya hahayaang mapalapit ang kahit sinong babae kay Jake lalo na kung si Veronica pa iyon.

Narating nya agad ang library at nakita si Veronica na papasok pa lamang ng silid aklatan.

"Veronica!"

"Oh Giselle? ano na naman to?"

"Can we talk? but not here.." sabi nito ng may pagtitimpi.

Pumunta sila sa sa bakanteng lote na
malapit sa canteen nila. Wala masyadong tao nun pagkat uwian palang ng lahat. Iilan pa lamang ang nandoon.

Inilibas ni Giselle ang iPhone kung saan andun ang picture nila ni Jake.

"Ano to?"

" Can't you see? that's you and Jake"

"Oo nga, kami nga to. who took this picture? I mean bakit kami kinunan ng picture?"

"That's only an evidence that you're flirting him!"

"What?! No way!"

"I want you to stay away from him!!"

"Wait, why would I do that? wala naman akong ginagawang masama. At bakit galit na galit ka, ano ka ba nya?"

"Jake is mine!!!"

Nahablot nito ang buhok ni Veronica at saka sya nito sinabunutan at hindi pa nakuntento ay kinalmot pa sya nito sa mukha.

"Stop imagining things na magiging kayo ni Jake coz he's mine! mine! tandaan mo yan!

"Let me go Giselle!! kaibigan ko lang si Jake!!"

Hindi makaganti si Veronica sa ginagawa sa kanya ni Giselle dahil dinaganan na sya nito.

Napansin ng ibang kaeskwela nila ang nagaganap sa kanila ni Giselle at nakiisyoso na ang mga ito kaya nang mapadaan sila Jake sa gawing iyon ay ganoon nalang ang pagkabigla nila sa nakita.

Dali-daling pinuntahan ng mga kalalakihan ang dalawang dalagang nag-aaway.

Pero napansin ni Jake na hindi nakakalaban si Veronica at puno na ng dugo ang mukha nito.

"Giselle stop it!" sigaw ni Jake

Ayaw paawat ni Giselle kaya naitulak nya ito at inalalayan si Veronica na nanghihina na.

"Are you okay Mavy?" puno ng pag-aalalang sabi ni Jake

"I'm o-okay.."

Pinaupo nya muna sa isang tabi si Veronica at hinarap ang nag-aalburutong si Giselle. Andun narin ang mga kaibigan nyang kanina pa sya hinahanap.

"Giselle, are you crazy? ano bang problema mo?!"

"J-ake.. I'm sorry but I like you that's why I'm doing this.."

"Well,you better ask me first, coz you know what? I don't like you at all! and I know no one will ever like you because of your attitude! and isa pa wag kong makikita na nilalapitan mo si Veronica kasi baka makalimutan kong babae ka!"

Kahit gusto niyang magresponse sa sinabi sa kanya ni Jake ay ayaw lumabas ng mga salita sa kanyang bibig.

Pinanuod nya lang ang paglayo ng mga ito at ang pag-alalay ni Jake ng tulungan nitong itayo si Veronica.

Hindi lang masakit sa mata ang nakikita niya ngunit hindi kayang tanggapin ang mga sinabi ng binata na tagos hindi lamang sa puso kundi sa kanyang kaluluwa.

Walang nagawa ang mga kaibigan ni Giselle kundi lapitan ito pagkat humagulgol na si Giselle. Ramdam ng mga ito ang sakit na nararanasan ng kanilang kaibigan na masaktan ng pinakamamahal nyang lalaki.

wrapped with a kiss | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon