Chapter 47: The Proposal

28 2 0
                                    

Dahil gusto ni Jake na masolo muna si Nica ay niyaya nya ito sa isang beach sa Puerto Galera. Pumayag naman ang mga magulang nila na mag bakasyon muna sila dahil naiintindihan naman nilang namiss ng dalawa ang isa't-isa.

Kumuha sila ng tig-isang kwarto. Gusto parin kasi ni Jake na maikasal muna sila ni Nica bago sila magsama sa iisang kwarto.

Nakarating sila ng 7am sa white beach ng Puerto Galera. Agad nyang niyaya si Jake sa beach kahit gusto muna nitong matulog.

"Babe, the beach's calling me na.."

"Ikaw lang pala ang tinatawag nya eh, matutulog muna ako please."

Biglang nanahimik si Nica, iminulat ni Jake ang isang mata pero wala na pala sa harap nya si Nica.

Bumangon sya at sumilip sa bintana, nangiti sya pagkat nakita nya si Nica na tumatakbo papunta sa beach.

Simula kasi nang magkalayo sila ni Jake ay ngayon lang ulit ito napunta ng beach.

Kinuha nya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang pamilya at pati ang pamilya ni Nica.

Ang plano kasi kaya sila nagpunta sa beach ay para mag propose sya kay Nica. Ang alam ni Nica ay silang dalawa lang ang magkasama sa beach na iyon pero hindi nya alam na nauna na ang kanyang pamilya doon para tumulong sa pag prepare ng gagawing proposal ni Jake sa kanya.

Tinawagan sya ng Daddy nya, "Nak, paakyat na sya dyan."

"Okay Dad, thanks."

Saka sya nagmadaling bumalik sa kwarto nya at kunwaring tulog ulit.

Naramdaman nya ang pag bukas ng pinto, "Babe? kanina pa ako sa beach, arent you gonna come and see the beauty of it?"

Ungol lang ang isinagot ni Jake na kunwari ay antok pa sya. "Okay, sige later nalang tayo mag beach hah? Balik na ako dun. I love you Babe." sabi ni Nica saka sya hinalikan sa kanyang mga labi.

Dali-dali syang bumalik sa kanilang ginagawa ng Daddy nya.

Samantalang ang mga kapatid nya at ang kanyang Mommy ay inaayos na ang mga red tulips na binili nila.

Ang Daddy naman ni Nica at Ang Tita Eve nya ay bumili ng mga pagkaing pag sasaluhan nila after the proposal.

"Dad, we have to hurry up. Pabalik na sya.."

"Anak, umakyat ka na ulit and this will be ready in a minute."

Bumalik nga sya sa kanyang kwarto tulad ng napag kasunduan nila ng kanyang Ama.

Nadatnan sya ni Nica na suot ang kanyang swim wear. "Finally you're up Babe.."

Hinalikan nya ito, "Sorry Babe if I didn't get a chance to see the beauty of this place and the beauty of you."

Yumakap si Nica sa kanya, "Bolero."

Saka nya ito kinindatan. "Lets get going.."

Nang makababa na ay napag kasunduan nilang mag lunch muna. Maya-maya ay kunwari may hinahanap sya sa kanyang bulsa.

"Babe, what's wrong?"

"May nakalimutan ako sa taas Babe.. you can go na, sunod nalang ako."

"Okay, sige pero bilisan mo okay?"

Ngumiti lang si Jake at saka sya nagsimula nang maglakad.

Nakita na ni Nica ang bungad ng restong kakaininan nila pero ayaw nya na sya lang mag-isa kaya naglakad-lakad sya papuntang beach.

Habang naglalakad sya ay nagulat sya sa babae na halos kaedaran lang nya, inabutan sya nito ng isang red tulips.

Itinuloy nya ang kanyang paglalakad at may nag-abot muli sa kanya ng isa pang tulips na dilaw naman ang kulay.

Nag thank you sya pero nakakunot pa rin ang noo pagkat nagtataka sya bakit sya binibigyan ng mga ito ng tulips.

Muli syang naglakad at sunud-sunod ang mga taong nagbigay muli sa kanya ng tulips.

Pagkaalis ng mga tao sa harap nya ay bumungad si Jake na may dalang isang bungkos na tulips.

"B-Babe what's happening?"

Hindi sumasagot si Jake at inabot sa kanya ang mga bulaklak saka ito lumuhod sa harap nya at inilabas ang maliit na kahon.

Binuksan nya ito at tumambad sa kanya ang emerald diamond ring. Saka nya lang napansin ang arko na napalibutan ng iba't-ibang bulaklak na may nakasabit na Jake and Mavy.

"Babe, since we're in high school I automatically fell in love with you. I know it's not easy to be close to you but I try my best to be the best friend to you and then eventually I tell you honestly how much I love you and when you said yes, you don't know how happy I am. We've been separated for several years and that's the worst thing that happened to both of us but I promise myself that if we can be together again I will never let you go and never be apart from you anymore. So I want to tell this opportunity to show how much I love you and how much I want to spend my life with you forever."

Hindi nya napigilan ang kanyang mga luha na dulot ng sobrang kasiyahan at napahawak sya sa kanyang bibig sa sobrang pagka bigla.

Hindi nya inakalang magpo propose na agad si Jake sa kanya. Ginulat talaga sya ni Jake at talagang wala syang kaalam-alam na nandito rin pala ang kanyang pamilya pati pamilya ni Jake.

"Ma. Veronica De Guzman, will you marry me?" sabi ni Jake na umiiyak narin.

Tumingin muna sya sa Daddy nya at sa Tita Eve nya na tila nagpapaalam. Tumango ang dalawa habang ang Tita Eve nya ay umiiyak narin.

Tiningnan nya rin ang parents ni Jake at ang mga kapatid nito na mga nakangiti pero umiiyak sa sobrang kasiyahan para sa kanilang dalawa.

Hanggang sa huli ay tiningnan nyang mabuti si Jake. "Ikaw lang ang taong nagpabago saakin at isa sa nagturo saakin na pwede akong magtiwala sa mga tao. And yes I will marry you Jacob Martin Montano."

Matapos marinig ng mga tao ang pag sang ayon nya ay nagpalakpakan ang mga ito.
"Yes! Thank you Babe!" saka sya nito siniil ng halik at saka niyakap.

Kinuha nya ang kamay nito at isinuot sa kanya ni Jake ang kanyang sing sing.

Nilapitan sya ng pamilya ni Jake, ang Daddy at Mommy nito pati sila Jazelle at Johan.

"Congrats to both of you iha." sabi ni Melissa at ng asawa nito.

"Ate congrats!" sabi ng dalawang mag kapatid saka sya niyakap ng mahigpit.

Saka naman sya nilapitan ni Eve at ng Daddy nya. "Anak, congrats sa inyo. Yung baby ko mag-aasawa na." sabi ng Daddy nya na mangiyak ngiyak.

"Daddy.." saka nya ito niyakap.

"Iha, congrats at masayang masaya ako sa sainyong dalawa. At last!" sabi ni Tita Eve nya na hindi matigil sa pag-iyak.

Nginitian nya ang babaeng nag-alaga at naging nanay nya narin. "Sobrang thank you po Tita."

Hindi nya alam na dumating din pala sila Carl, Greg, Isay at Rome.

Kinongrats sila ng mga ito, "Ninang ako mare ah!" sabi ni Isay

Nagtawanan silang lahat, "Ninang agad? sabi ni Jake

"Basta ako ang best man mo ah?" sabi ni Greg

"Bakit ikaw? diba ako dapat Jake?" pangungulit ni Carl

Muling narinig ang tawanan ng mga ito. Niyakap muli ni Jake ang kanyang fiancee at hinalikan sa noo.

Kung dati ay sya lang mag-isa ang humaharap sa kanyang problema, pero ngayon magkakaroon na sya ng katuang sa lahat ng bagay na pwede mangyari sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

wrapped with a kiss | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon