Chapter 18: I love you, Goodbye

28 3 0
                                    

Mabilis talaga lumipas ang mga araw, kung noo'y kinakabahan pa sya sa una nyang trabaho ngayon naman ay isang linggo nalang at matatapos na ang kanyang summer job.

Hindi nya maitatangging naging masaya naman sya at marami syang natutunan kasama narin ang nagkaroon sya ng kaibigan na si Isay.

"Mag-hahalf day ka pala girl, bakit?"

"Ay oo Isay, Sorry hindi ko na nasabi sayo eh" habang nag-aayos ng kanyang gamit sa kanyang dalang bag pack.

"Si Jake kasi may sasabihin daw syang importante saakin"

"Ahum! Namiss ka kaagad ng kolokoy e kakikita nyo lang kahapon diba?."

"Oo pero importante daw kaya eto. oh pano, Alis na ako hah? explain ko sayo tom. Bye!"

Hinatid na lamang ng tingin ni Isay ang kaibigang nagmamadali palabas ng resto.

Mabilis na nakarating si Nica sa restong sinabi ni Jake. Pero kanina nya pa eto tinetext ngunit walang reply mula dito kaya minabuti na lamang nyang pumasok sa restaurant na iyon.

Sinalubong sya ng babaeng may katangkaran pero mas matangkad parin sya dito.

"Good Afternoon Ma'am, do you have a reservation?"

"Ahh yes Miss, I'm with Mr. Montano.. I know he's already here na."

"This way Ma'am.."

Nang makita nya na kung nasaan ang binata ay nagulat sya pagkat andun din pala ang mga kaibigan nitong Si Carl at Greg.

Gugulatin nya sana ang tatlo pero hindi nya na nagawa dahil parang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

Nang makalapit pa sya ng bahagya ay narinig nya na sya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Alam nya na ba yan Bro?" sabi ni Greg

"Hindi pa nga eh, yun nga pinoproblema ko guys.. Ang hirap."

"So when are you going to tell her the truth?" sabi ni Carl

"Actually ngayon ko sasabihin, lalakasan ko na loob ko. But I want just the two of us."

"Bro, bakit pa kasi pinatagal mo pa yan? I mean you have lots of time like sana nung time na nakapasa ka sa entrance examination, diba?"

"Carl, please alam naman natin kung gaano kahirap yan sa kaibigan natin. Yung ilang taon nyang hindi makikita si Mavy, I'm sure he's going to be crazy."

"Thanks Greg, but its now or never. I really need to talk to her and tell everything"

Huli na ng mapansin ni Jake na nasa harap nya na pala si Nica at pakiramdam nya ay narinig ng dalaga ang lahat ng pinag-usapan nila.

"M-Mavy wait, let me explain everything.."

Pero hindi sya pinakinggan ni Nica, patakbo itong lumabas ng resto habang umiiyak.

Hinabol ni Jake si Nica at niyakap nya ito.

"Let go of me!"

"Mavy please"

"When are you going to tell me everything Jake? So kaya mo ba ako binigyan ng laptop at dinala sa Tagaytay kasi aalis ka na!? Ako lang ata ang hindi nakakaalam na aalis ka na. Bakit ganun Jake?"

"Mavy, that's why I asked you to come over to that resto to tell everything that you need to know. Yes, I will be going to Canada to study for college and that's really hard for me kasi matagal bago kita makita. Kung alam mo lang Mavy, I really want to tell this to you  right after ng graduation natin but I just can't."

wrapped with a kiss | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon