Chapter 19: Unsaid feelings

22 4 0
                                    

Hinawakan nya ang mukha ni Nica. Mahal na rin pala sya ng dalaga. Hindi talaga sya makapaniwala at hindi maitago ang sayang dulot ng mga sinabi nito.

"What did you say?"

"M-Mahal kita Jake.."

"Kailan pa? I mean paano? Akala ko talaga kaibigan lang ang tingin mo saakin eh."

"Jake hindi ka naman mahirap mahalin. Lalo na at lagi ka pang andyan pag kailangan kita. Sayang lang at ngayon ko lang na realize kung kailan aalis ka na." malungkot na salaysay nito.

"Mavy I am so happy to know that you also
feel the same. Pag andun na ako I will make sure araw-araw akong tatawag sayo. That's why I gave you a laptop para makita pa
rin kita kahit hindi na tayo magkasama."

Niyakap ni Nica si Jake na nagsimula naring umiyak. "Tahan na Jake, diba sabi mo gagawin nating masaya tong last month mo dito sa pinas?"saka pinilit na ngumiti.

"Yeah, sinabi ko nga yan. Gusto kita makasama bago man lang ako umalis."

"Tama, kaya cheer up na. Magiging okay din ang lahat."

"Thanks Mavy, cmon hinihintay na tayo ni Mommy."

Nasabi na ni Jake na gusto sya papuntahin ng Mommy nito sa bahay nila. Maya-maya ay narating na rin nila ang bahay nila.

Sinalubong sya ng yakap ni Johanna ang bunsong kapatid ni Jake. Napalapit narin ang loob nya dito.

Saka naman nya binati si Melissa at si Jazelle na tahimik lamang.

"Iha salamat at pumunta ka, inaagaw ko pa ang mga huling sandali na magkasama kayo ni Jake. Pasensya ka na Iha."

"Naku Tita, you don't have to apologize. Ayos lang naman po saakin."

"Anyway Iha, na-convince mo na ba itong anak ko na tuluyan nang magcollege sa Canada?"

"P-Po?" saka bumaling sa binata.

"Naku Mavy iha, try to convince him for me please.. "

"Mom.." pagsaway ni Jake sa kanyang Ina.

"Jake diba decided ka naman na? tama ba ako? we already talked that earlier diba?"

Hinawakan ni Jake ang kamay ni Nica at pinisil ito na parang kumukuha ng lakas ng loob.

"I already told Mavy na igogo ko na yung sa Canada..

Niyakap ni Melissa ang anak at umiyak. Hindi maintindihan ni Nica ang reaksyon ng Mommy nito.

Pero marahil ay tanggap na ni Melissa ang pag-alis nito. "Salamat Anak.. Mavy, thanks sa pagconvince sa anak ko.

"Wala po yun Tita."

"Sorry guys, I just can't contain my excitement na ang anak ko ay magdodoktor na like his Dad."

Maya-maya pa ay dumako na sila sa dining area at nagsimula ng kumain ng iniluto ng Mommy ni Jake na Afritada, Carbonara at Hamonado kasama ang dalawang kapatid nito.

"Mavy kain ka lang okay, feel at home."

"Thanks po Tita."

Nang matapos ay nagstay muna siya sa garden at naupo doon. Kausap pa kasi ni Jake ang Mommy nito.

Masarap ang hangin na dumadampi sa kanyang balat kaya medyo nakaidlip sya.

Nagulat sya sa boses ni Jazelle. "Ate Mavy!"

Napabalikwas sya ng tayo mula sa kinauupuan nya at nilingon ang pinanggalinggan ng boses ni Jazelle.

"Jazelle, bakit?"

Imbis na sagutin ay hinila sya nito papunta sa loob ng bahay. Dahil may kalakihan ang bahay na iyon ay medyo hiningal sya ng marating nila ang basement ng bahay na iyon.

Nakakunot ang noo nya ng harapin si Jazelle "Bakit tayo andito?"

"Ate Mavy, isang beses ko lang sasabihin sayo to.."

Na-curious si Nica sa sasabihin ng kapatid ni Jake. "A-Ano ba yun Jaz?"

Nagpalinga-linga muna si Jazelle bago ibinuka ang bibig. "Ate, do everything to stop kuya from going to Canada.."

Hindi sya agad nakapagsalita sa narinig nya mula rito. Bakit parang iba ang ikinikilos nito? At kapansin-pansin na kinakausap na sya nito di tulad nung unang bisita nya sa bahay nila.

"Ate please .." sabay hinawakan nya ang braso ni Nica na nagpapitlag sa kanya.

"A-Ahh sorry Jaz.. I don't understand what you're talking about."

"Hindi tayo pwede magtagal dito, bumalik na tayo sa labas. Wag mo sabihin kay Kuya ang pinag-usapan natin okay?"

"Pero Jaz.." tinalikuran na sya nito kaya hindi na nya naituloy ang sasabihin nya.

Wala naman silang masyadong pinag-usapan pagkat hindi rin nya maintindihan ang mga sinabi ni Jazelle.

Nakasalubong nila si Jake na parang kanina pa naghahanap sa kanila. "Uy, friends na sila." biro nya sa kapatid.

"Whatever!" sabi ni Jazelle saka sya sinimangutan.

"Sungit naman nun, wait san ba kayo nagpunta? kanina pa ako paikot ikot"

"A-Ahmm.. Inilibot nya lang ako sa loob ng bahay nyo."

"Okay, so close na kayo ngayon" tukso nya kay Nica.

Napansin ni Jake na sumeryoso ang mukha ni Nica. "Mavy? What's the matter?"

"Sorry Jake, ahm tanong ko lang.. payag din ba ang mga kapatid mo na mag-aral ka sa Canada?

"Hmm, Si Johan pinipilit nya ako intindihin pero si Jaz iniiwasan ako."

"Bakit may nasabi ba sayo si Jaz?"

Umiling sya pero hindi parin maialis sa isip nya ang sinabing iyon ni Jazelle. Ano ba talaga ang ibig sabihin nya dun.

Nang nasa kotse na ay iyon at iyon parin ang iniisip ni Nica. "We'll start our trip to Cebu as soon as pwede ka na, I know you still have work pa. I'm sure you'll love that place. So, are you ready on our destination?"

Napansin ni Jake na parang wala itong imik at nakatingin sa bintana ng kanyang kotse. "Mavy?" tawag nya dito.

Nagulat pa ito ng hawakan sya ni Jake. "A-Ah S-Sorry Jake, ano yun?"

"Mavy are you okay? I mean kanina pa kita napapansin sa bahay and ngayon tulala ka na naman. Tell me is there something wrong?"

"Pasensya na Jake, iniisip ko lang yung kapatid mo."

"Don't worry Mavy, kakausapin ko sya before ako umalis."

"That's better Jake. Thanks" saka tipid na ngumiti.

Nang makarating sila sa bahay ay pinagbuksan nya ito ng pinto. "Are you okay na?"

Tumango lamang si Nica at saka yumakap kay Jake. "Ngayon palang namimiss na kita."

"Mavy, wag muna natin isipin yung pag-alis ko. Diba magbabakasyon pa tayo? So kailan ka pwede?"

"Hmm, sa isang araw last day ko na sa Bestia. So after nun pwede na tayo magbakasyon."

"That's great, I'm so excited Mavs" saka sya nito ninakawan ng halik sa pisngi at tumakbo papasok ng kotse.

Kumaway ito sa kanya bago paandarin ang kotse pero bago iyon ay sinenyasan sya ni Jake na pumasok na sa loob.

Natatawa na lamang sya sa ginawang iyon ni binata at paniguradong mamimiss nya ang kakulitan nito pag tuluyan na itong umalis.

wrapped with a kiss | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon