Chapter 41: Same old feeling

27 2 0
                                    

After ten years..

"Okay class, naintindihan nyo ba lahat ng itinuro ko?" sabi nya habang nagbubura ng isinulat nya kanina sa black board.

Sabay-sabay na sumagot ang kanyang mga high school students, "Yes Ma'am.."

Ngumiti sya at saka hinarap ang kanyang mga estudyante, "That's good guys, pero kung may hindi kayo naintindihan just let me know okay?"

"So that's it for today, See you on Monday!"

Saka tumunog ang bell ng kanilang school at nagtakbuhan na palabas ang kanyang mga estudyante.

Palabas narin sya ng mapansin ang red rose sa kanyang table. Kumunot ang noo nya at napangiti dahil doon.

Palagi syang nakaka tanggap ng bulaklak sa kanyang mga estudyante lalo na nung valentine's day.

Lagi nilang sinasabi "Mam, ang ganda nyo po kasi.."

Natigil ang kanyang pag-iisip ng magtext si Isay na imi-meet nya kasama din sila Carl, Greg, Johan, Jazelle at Rome.

Mabilis nyang narating ang resto at nakita nya agad kung nasaan banda ang kanyang mga kaibigan.

Nakikita nya itong nagtatawanan, nagkukulitan. Matagal narin silang magkakasama. Napaka swerte nya at nanatili ang mga ito sa piling nya.

"Hi everyone!" bati nya sa mga ito.

"Speaking of the goddess.." bulalas ni Jazelle

"Kala namin hindi ka na makakahabol.." sabi ni Isay

"Oo nga Ma'am Veronica, we're happy that you're here na.." sabi ni Rome

"Guys, pag sinabi ko na pupunta ako, I swear pupunta talaga ako. Grabe kayo sakin.."

"Hi Ate Nix.." sabi ni Johan at saka sya nito niyakap.

"Naku, pakainin nyo muna yan si Nix.." sabi ni Carl

"Look everyone, she got a rose again." sabi ni Greg

"Oh my who's the lucky guy Ate Mavy?" sabi ni Jazelle.

Sinimangutan nya ang mga ito at nagsimulang sumubo ng pagkain bago sumagot "Galing to sa mga sweet students ko, ano ba kayo.."

Nagtawanan ang mga ito saka bumaling kay Rome. Bigla syang kinabahan.

"So may pag-asa pa pala ang Tito ko!" sigaw ni Carl saka siniko si Rome.

Hindi naman makaimik si Rome sa pangungutya ng mga kaibigan nila.

Hanggang ngayon kasi ay pinupush parin nila si Rome kay Nica which is malinaw na kila Rome at Nica na hanggang mag kaibigan lang talaga sila.

"You know what? Kumain nalang tayo.."

"Hoo! Change topic na daw!" pang aasar ni Isay.

Nginitian lang nya ang nga ito at itinuon nalang sa pagkain ang kanyang atensyon.

Muli nyang tiningnan isa-isa ang kanyang mga kaibigan. Marami na nga ang nagbago.

Si Isay bukod sa ikakasal na ito ngayong linggo ay may magandang trabaho narin mismo sa Bestia at pumayat narin ito simula ng magka love life.

Si Rome ay naging mabuti nyang kaibigan. Mas lumakas pa ang kanyang resto at may bago pang itatayong business under his name naman.

Si Carl ay napang-asawa narin ang kanyang long time girl friend na si Chesca at ngayon ay nagdadalang tao na ito sa kanilang panganay.

Si Greg ay single parin at nakatuon sa kanyang lumalagong negosyo.

At ang kanyang Tita Eve ay sa wakas nakapag asawa narin. Naireto ng Daddy ni Nica sa kaibigan nito na nagtatrabaho din sa ibang bansa.

Sila naman ng Daddy Rico nya ay nakatira narin sa sariling bahay nila na malapit lang din sa bahay ni Eve.

Marami na ang nagbago sa loob ng sampung taon na iyon. Pero hanggang ngayon hindi parin nagbabago ang itinitibok ng kanyang puso.

Iisang lalaki parin ang laman nito, kahit anong gawin nya ay nananatili parin na si Jake ang kanyang minamahal.

Naputol ang kanyang pag mumuni ng bigyan sya ni Greg ng isang serving na lasagna.

Hindi na nya namalayan na nag-order pa pala sila. "Okay ka lang ba Nix?"

"H-Hah? Ay oo ok lang ako Greg.."

"Nanahimik ka na kasi dyan sa tabi kaya akala tuloy namin umuwi ka na.." pagbibiro nito.

"Pasensya na kayo, pagod lang siguro ako.."

Pagod nga lang ba talaga sya? Pero bakit kahit wala ng pag-asa ay umaasa parin sya? Napatingin sya sa lasagnang nakalahati na nya, naalala na naman nya si Jake sa pagkain na iyon.

"Oh let's go na guys, may mga pasok pa tayo bukas" sabi ni Isay

"Bye guys, I had so much fun talaga pag kayo kasama ko.." sabi ni Jazelle

"Jazelle, Johan sabay na kayo samin ni Ate Nica nyo.." sabi ni Rome.

Nag-unahan pa ang dalawa sa pagsakay sa kotse ni Rome.

"Sige ingat kayo okay.." si Carl na ginulo pa ang buhok ni Nica.

Maya-maya ay lumapit pa ito at may ibinulong sa kanya, "Pakawalan mo na sya para maging masaya ka na rin.." saka sya nito nginitian.

Natulala sya sa sinabi ni Carl. "Nix, tara na hatid ko na kayo, nauna na sa kotse sila Johan.."

"Sige, thanks Rome.."

Ilang minuto lang ay naihatid na sila Johan at Jazelle. "Thanks Kuya Rome, Bye Ate Nica.."

Kumaway sya mula sa bintana ng kotse at saka ito isinara ng masigurong nakapasok na ang mga ito.

Nang binabagtas na nila ang daan ay nakatingin lang sa malayo si Nica na malalim na naman ang iniisip.

Napansin ito ni Rome, actually kanina pa sa resto. "Nix are you okay? Parang kanina ka pa matamlay.."

Ngumiti lang ito sa kanya. Kahit tumatawa ito kanina kasama nila ay mababakas parin ang lungkot sa kanyang mga mata. Kaya nagbukas na lamang ng radyo si Rome.

Napatitig sya sa radyo, hindi nya alam kung nananadya ba ang araw na ito dahil kanina pa sumasagi si Jake sa isip nya tapos ngayon yung paborito pa nilang kanta ang tumutugtog sa radyo ni Rome.

"Rome, pwede off mo nalang yan. Sorry hah?"

"Okay, pasensya ka na.."

Napansin nya na nakatingin lang sa kanya si Rome na parang naghihintay ng sasabihin nya.

Natawa sya dito, "Okay sige magkkwento na ako.."

Natawa ito at saka pabirong inilapit ang tainga nya para sa sasabihin ni Nica.

"Sorry hah? I mean sa inyong lahat. Ang dami nang nagbago at parang naiwan ako Rome. Naiinis ako sa sarili ko.. Bakit ganito, I'm still hoping for--"?"

"Nothing? Nica, maybe tama ang sina-suggest nila na pakawalan mo muna sya kasi sa tingin ko lang nakalimutan mo na maging masaya simula ng malaman mo yun."

Naaalala pa nya nung magpunta sila ni Isay sa grocery para bumili ng panghanda nya for her birthday saka nya nakita sa post ni Giselle ang wedding picture nila ni Jake.

Halos hindi sya makatayo sa sobrang panghihina na naramdaman nya. Hindi narin sya nakapag celebrate nun dahil iyak sya ng iyak magdamag dahil hindi nya akalain na ikakasal talaga sila.

Nginitian nya si Rome, saka nito pinunasan ang mga mata nya. Tama nga siguro sila na kailangan naman nyang maging masaya at tuluyang tanggapin na kahit kailan ay hindi na babalik ang lalaking minahal nya ng buong buhay nya.

wrapped with a kiss | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon