Chapter 1
Masaya si Prince sa relasyon nila ni Limmie. Gusto sya ng pamilya ni Limmie lalo na ang Dad nya. Mag kasama sila sa trabaho at maging sa condo ni Limmie.
Babaero si Prince at kaliwat kanan ang pambababae nya kaya lagi silang nag aaway ni Limmie. Si Limmie ay lumaki sa lola nya. Mayaman ang angkan nya at nag iisa lang syang anak pero kapag nag mahal sya ay todo. Ilang beses na silang nag kahiwalay ni Prince pero lagi pa rin nya itong pinapatawad.
Hindi nag tagal iniwan na din sya ni Prince. Nag karoon sya ng gf na ang pangalan ay Jane. Hindi rin masaya si Jane dahil mahilig pa rin mambabae si Prince kaya lagi din sila nag aaway nito pero mahal na mahal sya ni Jane. Binigyan nya na lang ng space si Prince para makapag isip ito at seryosohin nya ang buhay nya.
Nakilala ni Prince si Lynhart. Masaya sila noong una pero di rin nag tagal nag aaway din sila palagi at ang dami nilang differences sa isat isa. Hindi rin nag tagal ang relasyon nilang dalawa.
Hanggang sa nakilala nya si Michelle. Isang simpleng babae lang na mahilig mag basa ng libro. Masungit ito at hindi namamansin. Na cha-challenge si Prince sa kanya kaya madalas nya ito sabayan sa coffee shop at kinukulit.
Prince: Mahilig ka pala sa horror.
Michelle: Yup.
Prince: Hindi ka ba natatakot pag nasa isip mo na yan?
Michelle: Hindi naman.
Prince: Pwede ba kita yayain lumabas?
Michelle: Nasa labas na tayo.
Prince: I mean lets eat out.
Michelle: Sorry hindi ako pwede.
Prince: Strict ang parents mo?
Michelle: Hindi naman. Ayaw ko lang.
Prince: Ok then sasamahan kita every afternoon dito sa coffee shop.
Michelle: Hindi na kailangan.
Prince: Bakit may bf ka na ba?
Michelle: Kung sasabihin ko bang meron tatantanan mo na ako?
Prince: Hindi.
Michelle: Haist.
Prince: Bat ba ang sungit mo?
Michelle: Di lang ako sanay makipag usap sa mga taong di ko kilala.
Prince: Ok di mag papakilala ako. Ako nga pala si Prince and you are?
Michelle: Michelle.
Prince: Nice to meet you.
Ilang sandali na lang ng dumating si Kristine.
Kristine: Nandito ka lang pala. Tara na baka mahuli tayo sa pupuntahan natin.
Prince: Ok. See you around Michelle.
Umalis na silang dalawa. Habang nakasakay sila sa kotse ay...
Kristine: Bat ba kinakausap mo yung wierdo na yun?
Prince: Hindi mo pa nga kilala nanghuhusga ka kaagad.
Kristine: Di kayo bagay. Isusumbong kita sa pinsan ko eh makita mo.
Prince: Hay ikaw talaga.
Noong nakarating na sila sa party ay nag enjoy na lang sila kasama ang mga kaibigan nila.
BINABASA MO ANG
Victims of Love
RomanceKamatayan lang ang makakapag hiwalay sa dalawang taong nag mamahalan pero paano kung yung pag mamahalan na yun ay pinapadama pa rin ng isang taong yumao na at hindi sya matahimik. Paano tatanggapin ng kaluluwang yun na hindi na sya kayang mahalin ng...