Victims of Love

100 1 0
                                    

Chapter 14

Nailuwas nila ng Manila si James. Pagaling na sya kaya nag stay sya sa bahay. Sila Michelle at Lovelyn ang nag aalaga sa kanya.

Pumasok si Michelle sa kwarto nya para tignan si Prince. Mahimbing pa ang tulog nito kaya tinabihan nya na lang sya.

Ilang sandali na lang ng ginising na sila ni Lovelyn para mag almusal.

Prince: Napuyat ka na naman.

Michelle: Oo. Ayaw ko kasi si Mom pa ang mag babantay kay Dad.

Prince: Pag alis ko sleep ka.

Michelle: Sige.

Lovelyn: Sinabi ko na kasi sa kanya na ako na ang bahala.

Michelle: Ok lang Mom.

Lovelyn: Maayos ba ang pag tulog ng Dad mo?

Michelle: Oo.

Pagkatapos nilang nag breakfast ay umalis na si Prince.

Nasa kwarto naman si Michelle at patulog na sya ng biglang nag salita si Jess.

Jess: May something si Prince at Eloisa.

Michelle: Ikaw ba hindi titigil?

Jess: Bakit kasi ayaw mo kumprontahin si Prince kung ano history nila ni Eloisa.

Michelle: Kung naging sila man noon o hindi wala na ako pakialam. Ang masama eh kung nag lilihim sila sa akin ngayon na may relasyon sila.

Jess: Babaero kasi yang pinalit mo sa akin kaya marami syang naging gf noon.

Michelle: Hanggang kailan mo ba sya sisirain sa akin? Hindi ka ba masaya na ok kaming dalawa?

Jess: Hindi kasi kayo bagay na dalawa.

Michelle: Hindi ikaw ang mag sasabi kung kami ang nararapat sa isat isa kaya pwede ba.

Jess: Huwag kang mag bait baitan sa kanya. Buksan mo ang mga mata mo at pakiramdaman mo kung nag loloko sya o ano.

Michelle: Oo alam ko naman. Pwede na ba akong matulog?

Jess: Ok.

Naiinis si Michelle sa pakikialam ni Jess sa kanya. Hanggang ngayon hindi matanggap ni Jess na masaya na si Michelle kay Prince.

Sa panig ni Prince ay pumasok na sya sa work nya. Naging busy sya ngayong araw.

Victims of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon