Chapter 27
Hanggang isang araw paglabas na pag labas ni Prince 2 sa bahay ay binugbog sya ng tatlong kalakihan. Pinahirapan nila ito ng husto. Naawat lang sila noong lumabas sila Ellina at Nilda sa bahay at dinala sya sa hospital.
Noong nakarating na sla sa hospital ay pinasok sya sa ICU. Dumating nman si Hydee at kinausap nya sila Nilda. Sinabi nyang mga kuya ng asawa nyang si Jeff ang gumawa non kay Prince. Pinapahanap na ni Nilda ang mga gumawa nito kay Prince.
Ilang sandali na lang ay nailipat na din sya sa ibang kwarto. Sila Nilda at Ellina ang nag babantay sa kanya.
Sa panig nila Prince ay nag suntukan sila ni Jeff. Hinayaan lang sya ni Jess.
Prince: Hindi ko papalampasin ang ginawa mong ito sa akin.
Jeff: Tol patwarin mo na ako.
Prince: Ma pag samantala ka. Sa imperno ang bagsak mo pag hindi maka survive katawan mo sa aksidente.
Nakawala si Jeff sa pag kakahawak ni Prince sa kanya kaya ito tumakbo.
Jess: Ngayon lang kita nakitang ganyan.
Prince: Paano pa ako makakabalik sa katawan ko kung weak na naman ito.
Jess: This time di kita hahayaan na umalis dito. Gagaling ka dahil mabuti kang tao at hindi tumitigil si Michelle ipanalangin ka.
Prince: Kumusta na ba si Michelle?
Jess: Ok lang sya. Heto nga pala bigay nya ito sa akin noon. Gusto ko sa iyo na.
Prince: Kwentas.
Jess: Lucky charm ko ito. Everytime na may game ako sa race lagi ko suot ito at nananalo ako. Isang beses ko lang di nasuot ito at yun ay yung kasama ko si Amber at naaksidente kami.
Prince: Ok.
Jess: Ingatan mo sya ha. Alam ko na magiging mabuti ka sa kanya.
Prince: Makakaasa kang iingatan ko sya.
Jess: Ma swerte sya sa iyo. Huwag mong hahayaan na umiyak sya at nasasaktan.
Prince: Oo. Aalis ka na ba?
Jess: Oo anytime. Huwag ka na aalis dito. Mag papaalam ako kay Michelle ngayon.
Prince: Sige.
Umalis si Jess. Binabantayan naman ni Prince ang katawan nya at nakikinig sya kina Ellina at Nilda na nag ki-kwentuhan.

BINABASA MO ANG
Victims of Love
RomanceKamatayan lang ang makakapag hiwalay sa dalawang taong nag mamahalan pero paano kung yung pag mamahalan na yun ay pinapadama pa rin ng isang taong yumao na at hindi sya matahimik. Paano tatanggapin ng kaluluwang yun na hindi na sya kayang mahalin ng...