Victims of Love

111 1 0
                                    

Chapter 10

Sinama ni Prince sila Lovelyn, Michelle at Mac sa Baguio at masayang masaya silang nag aani ng mga strawberries.

Nag stay sila sa bahay bakasyunan nila Prince. Nandoon din sila Ellina at Nadia.

Sa panig nila Mac at Lovelyn.

Mac: Tita ang sweet talaga nila para silang mga bata.

Lovelyn:Hay naku talaga ang mga ito pinag lalaruan ang pag kain.

Mac: Meron pa kayang mag dip ng strawberry sa chocolate tapos isusubo din sa akin?

Lovelyn: Wala! Kaya huwag ka ng mangarap ng gising dyan.

Mac: Si Tita talaga.

Lovelyn: Tawagin mo na nga yung dalawa sa garden at manananghalian na tayo.

Mac: Sige Tita.

Nag eenjoy sila sa bakasyon nilang yun. Noong gabi na ay nandoon sila sa biranda ng bahay.

Michelle: Ang lamig.

Prince: Nilalmig ka pa rin kahit kayakap mo na ako?

Michelle: Oo eh.

Prince: Hmm...mahal na mahal kita.

Michelle: Mahal din kita.

Prince: Mabuti at napag tyagaan mo ako.

Michelle: Hindi ka mahirap mahalin.

Prince: Na daan kita sa pangungulit ko ano?

Michelle: Hindi naman sa ganon. Let just say magaling ka lang kumuha ng loob namin ni Mom ko.

Prince: Likas na sa akin ang pagiging mabait.

Michelle: Owwss talaga lang ha?

Prince: Oo naman.

Michelle: Oo na dyan. May sasabihin sana ako sa iyo.

Prince: Ano yun?

Michelle: Nag padala ng application forms ang kapatid ko papuntang Germany. Sya ang mag process non pag napadala ko ang lahat ng yun pati requirements. Papayagan mo ba akong umalis?

Prince: Oo naman. Alam ko naman na gagawin mo ito para makatulong ka sa pamilya nyo.

Michelle: Ok lang sa iyo na long distance tayo?

Prince: Oo basta huwag ka lang mawalan ng time sa akin.

Michelle: Sige.

Masaya si Michelle dahil pinayagan sya ni Prince mag ibang bansa. Pagkatapos nilang nag usap ay pumasok na sila sa kani kanilang mga kwarto.

Lovelyn: Hindi na mwala yang ngiti mo.

Michelle: Pumayag na si Prince umalis ako.

Lovelyn: Mabuti naman kung ganon.

Michelle: Pero syempre nalulungkot ako kasi mawawalay ako sa kanya.

Lovelyn: Mag hihintay naman siguro sya sa iyo kaya huwag ka na mag alala.

Michelle: Oo yun din ang sabi nya sa akin.

Lovelyn: Mabuti kung ganon.

Natulog na din silang mag Ina. Masaya si Michelle at umaasa syang hindi mag babago sa kanya sya Prince.

Victims of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon