Chapter 2
Habang nasa party si Prince ay ....
Mark: Prince pare mabuti nandito ka.
Prince: Bakit?
Mark: Nandito ang mga chicks mo.
Prince: Naku exit na pala ako.
Neon: Relax. Harmless na ang mga yan ngayon at naka move on na sila puwera na lang ang isang ito.
Limmie: Can we talk?
Prince: Sure. Excuse us guys.
Lumayo sila at nag punta sila sa malapit sa pool..
Prince: Ano bang atin?
Limmie: Gusto ka kasing makausap ni Dad tungkol don sa negosyo na gusto nya i-handle mo.
Prince: Limmie kasi hindi ko na pwedeng gawin yun eh.
Limmie: Kahit para sa kanya na lang di na para sa akin.
Prince: Pag iisipan ko.
Limmie: Ok.
Hindi na sila matagal nag usap dahil lumapit si Stela. Nilayo ni Stela si Prince at sa terrace na sila nag stay.
Stela: Anong kailangan ng babaeng yun?
Prince: Wala.
Stela: Stop talking to her.
Prince: Oo na.
Stela: Bat ba sya nandito sa party ni Megan.
Prince: Friends din sila ng mga kapatid ni Megan.
Stela: Ok.
Hindi na sila nag tagal sa party at umuwi na din sila. Hindi na din kasi maganda ang mood ni Stela. Nag stay si Prince sa condo ni Stela at doon na sya nag palipas ng gabi.
Noong umaga na ay umuwi sya sa kanila. Nag breakfast sya at nag prepare para pumasok sa trabaho nya.
Noong nakarating na sya sa work ay panay ang tingin nya sa bintana. Binato sya ng ballpen ni Larry.
Prince: Aray. Adik ka Larry. Bat mo ginawa yun?
Larry: Umagang umaga nakatulala ka dyan sa bintana. Sino ba ang tinitignan mo dyan?
Prince: Wala.
Larry: Ah yang mysterious girl na nasa coffee shop.
Prince: Hindi ah.
Larry: Para masayahan ka sandali may tatawagan lang ako.
After 10mins..
Larry: Heto ang schedule ng babaeng yan kung gusto mo syang makilalang mabuti. Nandyan sya ng Monday to Friday para mag sulat o mag basa bandang 2pm hanggang 5pm depende kung umuulan. Yang pwesto nya na yan ang paborito nya. Capuccino lagi ang order nya.
Prince: Wow.
Larry: Ano ba ang balak mo sa babaeng yan?
Prince: Gusto ko lang syang kilalanin.
Larry: Hindi ganyan ang tipo mo.
Prince: Wag ka nga pambasag trip. Alis na muna ako. Pag hinanap ako ni Limmie sabihin mo may sakit ako at half day lang ako pumasok.
Larry: Mag sisinungaling pa ako dahil sa iyo.
Umalis si Prince at nag punta sya ng coffee shop para kausapin si Michelle.

BINABASA MO ANG
Victims of Love
RomanceKamatayan lang ang makakapag hiwalay sa dalawang taong nag mamahalan pero paano kung yung pag mamahalan na yun ay pinapadama pa rin ng isang taong yumao na at hindi sya matahimik. Paano tatanggapin ng kaluluwang yun na hindi na sya kayang mahalin ng...