Chapter 28
Pumunta si Jess sa bahay nila Michelle. Madilim sa kwarto ni Michelle at natutulog ito.
Jess: Hindi ko alam kung naririnig mo pa ako o ano. I just want you to know na pinag sisisihan ko ang mga kasalanan na nagawa ko sa iyo. Magiging masaya na ako sa pag alis ko dahil natagpuan mo na ang totoong nag mamahal sa iyo. Mabuting tao si Prince at alam ko na iingatan ka nya habang buhay.
Michelle: Naririnig kita.
Jess: Huh? Mabuti naman kung ganon.
Michelle: Hindi na ata kami magiging kami ni Prince dahil may Hydee na sya.
Jess: Si Prince na mag papaliwanag sa iyo ng lahat. Mas kailangan ka nya ngayon.
Michelle: Ha? Bakit? Ano ang nangyari sa kanya?
Jess: Nasa hospital sya ngayon pero ligtas na sya.
Michelle: Pupuntahan ko sya.
Jess: Sige.
Umalis silang dalawa at nag punta sila ng hospital. Si Ellina lang ang nandoon noong nakarating na sila ng hospital. Niyakap ni Michelle si Prince ng mahigpit.
Sa panig nila Jess ay kinausap nya si Prince sa labas ng kwarto.
Jess: Nag papaalam na ako sa kanya pero bigla nya ako narinig at nagising sya.
Prince: Pumapayat na sya.
Jess: Oo dahil lagi syang walang ganang kumain dahil sa kalagayan mo.
Prince: Babalik na ako.
Jess: Oo at sana hindi mo sya papabayaan.
Prince: Oo makakaasa ka na iingatan ko sya.
Jess: Ibigay mo sana yung pangarap na hindi ko natupad sa kanya.
Prince: Makakaasa ka Jess.
Doon na natulog sa hospital si Michelle kasama si Ellina. Alam ni Ellina na wala syang pag asa kay Prince kaya hinayaan nya si Michelle na bantayan na si Prince.
Kinaumagahan ay gumagalaw galaw si Prince. Nagulat si Michelle kaya nag patawag sya ng doctor. Agad naman dumating ang nurse at doctor. Nilipat si Prince sa ICU.
Sa panig nila Jess ay nag kakagulo sila. Gusto uli pumasok ni Jeff sa katawan ni Prince pero pinipigilan sya ni Jess.
BINABASA MO ANG
Victims of Love
RomanceKamatayan lang ang makakapag hiwalay sa dalawang taong nag mamahalan pero paano kung yung pag mamahalan na yun ay pinapadama pa rin ng isang taong yumao na at hindi sya matahimik. Paano tatanggapin ng kaluluwang yun na hindi na sya kayang mahalin ng...