Malas ako pagdating sa pag-ibig. Ngayon nga, di ko na alam ang ibig sabihin niyan.
Sabi nila, you couldn't have it all.....
Kapag MAYAMAN ka, MAHIRAP ang love life mo.....
at pag MAHIRAP ka naman, MAYAMAN ang love life mo.....
Ang sabi ko naman?
HITSURA NIYO.
Paano naman ang isang katulad ko,
MAHIRAP na nga... MAS MAHIRAP pa ang love life.
Yang mga napapanood ko sa mga movies at Koreanovelas? Kahit kailan di pa nangyayari sa akin yan.... kahit nga sa panaginip ay hindi.....
Eh kung iwan at paglaruan ako ng lalaki eh parang isa lang akong balat ng candy..... :(((
Maganda naman ako.
di naman masyadong sexy pero may shape naman
matalino (siguro?)
mabait.
Pero bakit ganoon?
Bakit lahat ng naging boyfriend ko, iniwan, inayawan at sinaktan ako...
18 years old at first time kong magka-boyfriend. At iyon ay si Patrick Sanchez. 4 na buwan din ang itinagal namin. Dahil first time ko at walang experience sa bagay na iyan, ako ang laging nanlilibre, nagtetext, nagpapakumbaba at nagpapaka-bulag....
Isang araw, di ko inaasahan na aayain niya akong lumabas at kumain sa isang sikat na restaurant sa amin. Laking tuwa ko noon, nagbihis ako at nagpaganda....
"pasensya na Aleli, nagkapustahan lang kami ng kabarkada ko. Nagkataon na ikaw ang napili nilang target.. di naman talaga kita mahal eh.. katuwaan lang namin iyon"
yan ang una't huling linyang narinig ko mula sa kanya. Di pa nga ako nakakaupo sa silya ng mamahaling kainan....
and just like that, naiwan ako.