"tita... paanong...." nagpapalit palit ang tingin ko sa babaeng nakatayo at sa dalawang kambal na anak niya...
FLASHBACK...
10 taong gulang ako at 11 naman si Alexander at Leeron Park... nakikitira kami sa kanila sa loob na ng halos 3 taon.... parang pamilya na rin ang turingan namin.
Siya ay asawa ni tito Landon... isa sa pinaka mayamang businessman sa Asia... ang nanay ko naman ay nagtatrabaho sa kanya bilang isang kasambahay.. mabait ang pamilyang Park... kahit minsan ay hindi nila kami tinrato na mababa sa kanila... ganundin ang kambal na anak nila.. kaya siguro lalo silang pinagpapala dahil sa kabaitan nila...
pinag aral nila ako...
binihisan...
minahal...
wala na akong mahihiling pa...
Ang dalawang anak ni tita, si Alex at Eron ay magkaibang magkaiba...
si Alex ay tahimik at suplado
si Eron naman ay masiyahin at madaldal
magkaibigang magkaibigan kami ni Eron... siya ang talaga namang big brother ko...
pero ang puso ko??
wala na... matagal nang pagmamay-ari ni Alex..
si Alex kasi, hindi siya yung tipong showy sa feelings niya... pero sweet yan.. kapag birthday ko ay palagi niya akong binibigyan ng isang care bears na stuff toy..... minsan kahit walang okasyon bibigyan niya ako ng stuff toy... kaya tuloy.. parang blue magic na ang kwarto namin ni mama....
Isang pasko... ay bigla na lang akong hinila ni Eron papasok sa kwarto niya...
13 ako at 14 siya
ang sabi niya...
"matagal na kitang gusto Jane, matagal na matagal na.... mahal na nga yata kita eh....... ikaw gusto mo rin ba ako?" eh?
nakakalito naman... sa sobrang gulat ko ay napatakbo naman ako bigla sa kwarto at niyakap ang mga bear na binigay sa akin ni Alex....
"ano ba iyan Alex... ayoko namang masaktan si Lee.. pero anong magagawa ko kung ikaw talaga ang gusto ko.." mahigpit akong napayakap sa laruan ko...
'I love you~' sabi bigla noong laruan.....
pinindot kong muli ang logo nito sa tyan
'I love you'
dali dali kong kinuha lahat ng bears na binigay niya sa akin at isa isa iyong pinindot...