MAKALIPAS ANG ILANG BUWAN.........
'sa hindi inaasahang.... pagtatagpo ng mga mundo....
...may minsan lang na nagdugtong... damang dama na ang ugong nito.....
di pa ba sapat ang... sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sayo... ibinubunag ka ng iy----'
ANAK NG TADHANA NAMAN OH!
akala niyo ang lakas maka-singer ng peg ko noh ^_^
well, mali po kayo ng iniisip..
etong walanjong alarm ko kasi ang aga aga, naka-full blast! Akala mo wala akong tenga!
Balik sa kasalukuyan...
Nakahiga ako sa kama at nagmumuni muni...
'bat di pa sabihin ang hindi mo maamin, ipauubaya na lang ba ito sa hangin.... wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo.. naririto ako nakikinig sayo..' itinuloy ko ang kanta.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko.
Bat ba kasi may ganyang paasa na kanta?!
Bakit nila iniisip na may taong handang makinig sayo?
Damdamin?
Ano nga ba ang nararamdaman ko?
ano nga ba ang dapat kong maramdaman?
Meron ba?
Bukod kasi sa lungkot muhi at sakit.... wala na akong ibang nararamdaman
Pagmamahal? Siguro iniisip niyo na isa ako sa mga bitter na babae na napapanood niyo sa mga movie o drama....
ako rin gusto ko..... maging ganoon din ako...... kasi sila.... nahanap na nila yung para sa kanila....
Ang buhay nga pala ay isang malaking kwento... ako ang author.... nasa sa akin kung gusto ko na maging comedy, drama o kaya naman ay tragic... ako ang bahalang gumawa ng sariling ending....
pipiliin ko sigurong magka-writer's block.... para naman, matagal pa ang panahon kung saan ako iiyak.
lagi ko na kasing ginagawa yun eh..... kakasawa na.... sana sa susunod, pagtawa naman ang gagawin ko
nag-alarm na naman ang phone ko...
ay naku po! Mala-late na naman ako! Habit ko na yata ito ah!
Habang nasa harap ng salamin, di ko maiwasang mag-isip...