MINGYU’s POV
“To all the grade 9 treasurer, please proceed to the Student Council Office after this flag ceremony—” Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ng PRO dahil biglang nagsalita si Minghao na nasa harap ko.
“Ano daw sabi?” Tanong niya. Lumapit ako ng konti sa kanya at bumulong, “Punta daw lahat ng grade 9 treasurer sa Student Council.”
Humarap siya saakin kaya naman itinaas ko ang dalawa kong kilay, “Alam na.” Ngumiti ako, “Tumigil ka. Humarap ka na nga, magsisimula na flag ceremony.”
“Haha, kilig ka lang eh.” Siniko ko siya, “Humarap ka na.” Humarap naman na siya nung nagsimula nang ipatugtog ang national anthem.
Tumaas ang magkabilang dulo ng labi ko. Makikita ko nanaman si Wonwoo hyung mamaya, pero kinakabahan ako kasi baka sumemplang nanaman ako sa pag-compute ng class funds sa harap niya para sa upcoming first Friday mass this week.
Sa Catholic school kasi ako nag-aaral. Every first Friday of the month, may mass. Tapos may isang grade level na magiging sponsor sa paggastos ng pang-offering kay Father at iba pang necessities na kailangan para sa mass. Kagaya nalang ng mga bulaklak, panggastos para sa design ng backdrop at iba pa. Kami kasi sponsor ngayon kaya busy talaga mga treasurer sa pagkolekta ng pera sa mga kaklase namin.
Sigurado akong hindi ko nanaman maaalis ang ngiti at kaba ko kapag naka-face to face ko siya mamaya.
Pagkatapos na pagkatapos ng flag ceremony, pumasok muna ako sa classroom para kunin ang pitaka kong sobrang bigat dahil sa rami ng barya na nandun.
“Mingyooo, pakihabol yung bayad namin ni Hyunjin, salamat!” Binuksan ko ang coin purse ko para mahulog na ni Heejin ang bayad niya.
"Salamat. Magpa-sign na kayo kay Tamiah sa checklist ah. Para ‘di kayo ma-doble singil.” Nag-thumbs up siya saakin at dumiretso sa Secretary namin.
Sinara ko na ang bag ko at dumiretso sa Student Council Office na nasa tabi lang ng classroom namin. Narinig ko pang inaasar ako ng mga kaklase ko na mag-ingat dahil baka atakihin nanaman ako ng clumsiness ko papunta doon. Palibhasa, alam ng buong klase na may gusto ako sa grade 12 representative ng HUMSS kaya ganon nalang sila mang-asar. Na-witness na rin kasi nila ang katangahang nangyari saakin noong isang time na pumunta ako sa office nila at saktong nadapa ako sa harap ni Wonwoo.
Napatigil ako sa paglakakad at pinukpok ang ulo ko. Nakakahiya, 'yan nanaman inaalala mo, jusko Mingyu.
"Wawets, andito na si lover boy!" Binuksan ko ang mata ko at nakita ko si Haseul na bestfriend ni Wonwoo. Nasa harap na pala ako ng pinto ng SC office. Nakangiti siya ng malawak saakin ngayon. Isa rin 'to, alam niya rin na may gusto ako sa bestfriend niya.
Sabihin nalang natin na alam ng buong school na may gusto ako kay Wonwoo.
Ngumiti ako sa kanya, ngumiti rin siya saakin, "Halika, pasok. Early bird ah? Ikaw palang nandito eh." Nahihiyang pumasok ako sa loob ng student council, andun rin yung buong SC officers. Nginitian ko sila noong napatingin sila sa akin.
Bago ako tuluyang lumoob, bumulong ako kay Haseul, "Andyan ba siya?"
Tinapik niya ako sa balikat ko, "Pumasok ka na. Andun siya sa dulo, nagbabasa ng libro." Napasimangot naman ako sa sinabi niya.
"Libro nanaman kaharap niya?" Matamlay kong sabi.
"Kaya nga pumasok ka na at puntahan mo, mada-divert na atensyon niya sayo kapag humarap ka na sa kanya. Bilangin niyo na rin yung class funds niyo ah? Para mabili na namin yung mga kailangan na materials mamaya." Tapos tuluyan na niya akong tinulak papunta sa loob. Muntikan pa akong madapa pero buti nalang napahawak ako sa balikat niya kaya nakabalanse pa ako.
Narinig ko ang ingay ng ilang estudyante sa labas kaya naman dali-daling akong naglakad sa direksyon ni Wonwoo. Noong nakalapit na ako sa kanya, kinuha ko ang isang armchair na nasa tabi at iniharap ito sa kanya. Umupo ako doon, “Wuy, hyung.” Sabi ko sa kanya at tinapik-tapik ang librong binabasa niya.
“Uy, ano ba?” Iritado niyang sabi saakin. Pero nung makita niya ako, nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Nginitian ko siya, “Hello hyung, kamusta?”
Medyo napahawak ako sa dibdib ko na sobrang bilis nanaman ng tibok. Nakita kong nilagay ni Wonwoo ang bookmark sa isang page ng librong binabasa niya, tapos binaba niya ito sa table na nasa tabi lang namin.
Tumingin siya saakin, “Okay lang naman. Anong oras ka na nakauwi kagabi?” Tanong niya saakin. Inabot ko ang hawak kong coin purse sa kanya, “Alas siyete na ako nakauwi.” Binuksan niya ang coin purse at nilabas ang mga pera doon, “Kumpleto na ba ‘to?” Tanong niya at itinaas ang coin purse. Tumango ako, “Kumpleto na.”
Binilang namin ng tahimik ang mga barya, hanggang sa nagsalita siya, “Nagalit ba si tita? Late ka na nakauwi eh.” Umiling ako at ngumiti, “Hindi. Alam niya kasing kasama kita kaya wala siyang angal kagabi.” Sinamahan ko kasing bumili ng bagong laptop si Wonwoo kahapon sa mall. Alas tres uwian namin kahapon kaya dumiretso kami agad doon.
Bukod sa napakatagal pumili ni Wonwoo sa kulay ng bagong laptop niya, dumaan pa kami sa book store. Ang tagal niya rin pumili ng librong bibilihin niya. Pinapili pa niya ako sa dalawang librong nakita niya, pero sa huli binili niya yung dalawa.
“Labas ulit tayo mamaya?” Napatigil ako sa pagbibilang ng mga barya at tumingin sa kanya, “Anyare? In the mood ka atang lumabas ngayon?”
“Sabi mo kasi dapat lumabas-labas rin ako eh. Naimpluwensyahan mo na ako maglakwatsa, wala kang magagawa.” Matatawag ko nang isang taong bundok si Wonwoo dati. Halos ‘di kasi siya lumalabas ng bahay.
“Sa isang araw nalang. Late ako umuwi kagabi kaya bukas nalang ulit.”
“Sige, sige. Punta tayo dun sa bagong café sa town. Libre kita.” Rich kid talaga.
“‘Ge, bahala ka.” Sabi ko, “Tapos na ako magbilang, 220 lahat.”
“Nice, sige, balik ka na sa classroom niyo.” Sabi niya at kinuha ang baryang pinatong ko sa table ng armchair. Tumayo ako, “Alis na ako.”
Tumango siya, “Sige, alis ka na.”
“Sabay ulit tayo umuwi mamaya ah? Puntahan kita dito.” Ngumiti siya saakin, “Mhmm, see you later.”
"Sige, see you later." Bago ako tuluyang umalis sa SC office, nagpaalam muna ako sa ibang officers na mauuna na ako.
Pagkatapos ko magpaalam, imbes na dumiretso sa classroom, pumunta ako ng comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle at tumayo doon ng ilang minuto hanggang sa kumalma ang puso kong kanina pa tumitibok ng sobrang bilis, "Wooh! Naka-survive ka nanaman ng isang moment kasama siya, Kim Mingyu. Bukas ulit, mag-ready ka na.” Tapos sinampal-sampal ko ng paulit-ulit ang pisngi ko.
I shook my head and went outside. Bumalik ako sa classroom ng may nakatampal na ngiti sa labi ko.
-
BINABASA MO ANG
Vorfreude • meanie
Fanfiction| nostalgia duology #1 | high school series #1 | completed | vorfreude : the joyful, intense anticipation that comes from imagining future pleasure : in which mingyu is willing to wait for wonwoo even if it will take years for them to be together. b...