009 || Vorfreude

991 67 63
                                    

MINGYU's POV

"See you around 9B."

"Thank you and see you around sir Hong!" Masiglang bati naming lahat. Tinaas na ng mga kaklase ko ang upuan nila sa table at nagsi-alisan. Yung iba naman dumiretso sa lagayan ng mga walis at dust pan para maglinis.

Paalis na sana ako ng classroom kaya lang bigla akong tinawag ni sir Hong, "Mingyu? May I please talk to you for a moment?" Biglang kumabog ang dibdib ko. Ewan ko pero sa tuwing gusto akong kausapin ni sir, palagi akong kinakabahan. Baka mamaya hindi nanaman ako makasalita sa harap niya gaya ng dati. Nakakahiya!

Inayos ko ang strap ng bagpack sa balikat ko at saka dumiretso kay sir na nakaupo sa harap ng teacher's table.

"Take a seat, Mingyu." Kinuha ko ang isang upuan at naupo sa tabi ng teacher's table. My legs are shaking a litte kaya kailangan ko pang idaan ang kamay ko rito para kumalma.

Nakita kong may kinakalikot si sir Hong sa folder niyang black na may nakalagay na death note sticker sa harap. Tapos napatingin naman ako sa laptop niyang nakalapag sa teacher's table at nakita ko ang logo ng one piece na nakadikit sa laptop niya. Hindi man halata, pero otaku ang napakabanal naming seminaryong teacher. 

Ilang segundo ang makalipas, may binigay siya saakin na isang black journal. Napakunot naman ang noo ko noong makita ko ang pangalan ko sa harap ng journal. My name is written in white ink with a very familliar hand writing. Sa pagkakaalala ko, wala pa kaming performance task na ganito sa CLE o sadyang nakalimutan ko lang? O baka naman may nagpapabigay?

Kinuha ko ang journal at akmang bubuksan na sana kaya lang biglang nagsalita si sir kaya naman napatingin ako sa kanya habang hawak pa rin ang journal, "That journal is the property of Jeon Wonwoo from HUMSS 3. May mini task kasi akong pinagawa sa kanila noong first quarter, and I was delighted to see that the journal is dedicated to you."

Napalunok ako sa sinabi niya at napatingin sa journal na hawak ko. Hindi ko alam ang mararamdaman sa narinig ko. Seryoso ba 'to? Pero hindi ba dapat hindi niya 'to pinapakita saakin? Baka magalit si Wonwoo na pinakita ni sir yung ginawa niyang journal na dedicated saakin. 

"Sir, hindi po ba 'to confidential property? B-bakit niyo po 'to binibigay--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla kong narinig na may tumatawag sa pangalan ko kaya napalingon ako. Saktong pagkalingon ko ay nakita ko si Wonwoo na nakatayo sa pintuan ng classroom namin, hinihintay ako.

Muntik ko nang mabitawan ang journal na hawak ko sa takot na baka malaman niyang binigay saakin ni sir ang journal niya. Itatago ko na sana ang journal kaya lang bigla kong narinig na nagsalita si Wonwoo, "Hi sir, naibigay niyo na po ba?" Rinig kong tanong niya. 

"Yup, we're just discussing some few things here. Pasok ka Wonwoo, you're welcome here."

Wonwoo smiled and waved his hand, "Hindi na po sir. Hintayin ko nalang po si Mingyu dito sa labas." Sabi niya at tumingin saakin saglit, pagkatapos ay umalis siya sa harap ng classroom namin at naghintay sa isang tabi.

"Okay then." Pagkatapos sabihin yun ni sir, tumingin na siya saakin. 

"Naalala mo nung nagpa-advice ka saakin tungkol kay Wonwoo?" Dahil hindi ako makasalita, tumango nalang ako. Naalala ko ang pagsabi ko ng hinanakit kay sir tungkol kay Wonwoo. Sa sobrang pag-alala ko sa sitwasyon namin ni Wonwoo nung panahon na yon, lumapit ako kay sir at nagpa-advice. Binigyan niya ako ng advice pero hindi niya sinagot ang ilang tanong ko. Sabi niya tutulungan niya akong mahanap ang mga sagot sa tanong ko, pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari.

"Some answers to your questions are all written here. Isa ito sa mga pinagawa kong mini task sa grade 12 for the sake of helping you. I told you, i'll help you with everything." Biglang tumaas ang magkabilang dulo ng labi ko. So ito pala yung sinasabi niyang tutulungan niya ako na masagot lahat ng tanong ko? 

Vorfreude • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon