| nostalgia duology #1 | high school series #1 | completed |
vorfreude
: the joyful, intense anticipation that comes from imagining future pleasure
: in which mingyu is willing to wait for wonwoo even if it will take years for them to be together. b...
Mingyu: Patulong sa chemistry, hyung. Nahihirapan na ako intindihin 'to (ノД')シクシク
Mingyu: REPLY ASAP DNOVDMKVF MATUTULOG NA AKO NG MGA 9:30
Seen 8:45 PM
Wonwoo: Video call na
Wonwoo: Mahirap mag-explain
Mingyu: Sige hyung ko, ikaw na tumawag
Jeon Wonwoo is calling. . . accept | decline
"Hyung ko mamatay na ako! Hindi ko 'to maintindihaaaaaan." Frustrated kong sabi habang sinasabutan ang sarili kong buhok. Nakasimangot na ako sa harap ng cellphone ko sa sobrang frustration ko ngayon dahil hindi ko makuha-kuha kung paano ba 'tong shell method sa Chemistry! Bwisit na electron configuration. Sa sobrang frustration ko, minumura ko na lahat ng mga nakaimbento at nakaalam ng mga lecheng mga method na 'to. Para namang magiging chemist ako sa future?! Magagamit ko ba 'to in my daily life?!
Nakita ko sa screen ng cellphone ko na tinatawanan ako ni hyung. As usual, suot nanaman niya ang circle specs niya. Medyo nabawasan tuloy ang stress ko dahil nakita ko ang ngiti at tawa ni hyung. Parang gusto kong lumipad sa kabilang bahay para lang mayakap siya.
"Ano ba yang inaaral mo diyan? Anong topic sa Chemistry?"
"Hyuuuuung ko." Naiiyak kong sabi.
"Hala 'to, huwag ka umiyak. Ano ba yang inaaral mo? Dali sabihin mo na, tulungan kita. Walang magagawa yang pag-iyak mo."
Pinunasan ko ang mata ko at kinuha ang worksheet na pinagawa ng Science teacher namin, pinakita ko yung worksheet sa kanya, "H-Hyung, 'di ko ma-gets 'tong shell method at iba pang method. Naiinis na ako, hindi ko maintindihan 'tong electron configuration."
"Ah, shell method! Basic lang yan, Gyu. Mukhang mahirap pero madali lang yan." Pinakuha niya ako ng scrap paper at ballpen para daw mas maintindihan ko kung paano gawin. Tapos sinimulan na niyang i-explain saakin kung paano yun.
May pina-imagine pa siya saakin na isang situation para mas maintindihan ko kung paano yun gawin.
Nakaabot ng isang oras bago ko maintindihan yung method. Halos maiyak na nga ako sa tuwa kasi sa wakas nakuha ko na! Gusto ko talaga lumipad sa bahay nila at mayakap si Wonwoo.
"Oh ano na, nakuha mo na?" Tanong niya saakin.
Tumango-tango ako habang nakangiti. Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay matulog dahil na-drain na ako ng sobra sa lahat-lahat ng ginawa ko ngayong araw.
"Soooo, matulog na tayo?" Tanong ko sa kanya. Humikab siya at tumango, "Matulog ka na, may gagawin pa ako eh."
Bigla akong nag-alala sa sinabi niya. Mukhang pagod na siya pero nakuha pa niya akong tulungan sa isang topic sa Chemistry. "Naistorbo ba kita?" I asked, worry is evident in my voice.
"Okay lang, Gyu. Kahit ano naman gagawin ko para sayo." Ako rin naman, hyung. Gagawin ko naman ang lahat para sayo.
"Sigurado ka?" Tanong ko ulit.
He reassured me with a soft smile, "Yup, I'm sure. True love demands sacrifice, anyway. Tulog na, puppy Gyu ko. Stop worrying about me."
Ngumiti ako. I caressed Wonwoo's cheek—but then I realized that there was a barrier between us. Nasa screen nga lang pala siya. If only I was with him right now—I would've hugged him so tight and never let go until we wake up the next day.
"I love you, Mingyu. Happy three months."
Three months na nga pala. Three months simula nung sinagot ko ang "walang-label-pero-akin-ka" proposal niya.
"I love you everyday, hyung ko. Happy three months." Sabi ko sa kanya. He bid his goodnight and didn't ended the call. Ako naman ay nagkumot na at nilapag ang cellphone sa tabi ko. Pumikit ako at itinabi saakin ang cellphone.
"Tulog ka na huh?" Rinig ko pa ulit na sabi niya sa kabilang linya.
Tumango ako habang nakapikit, "Mhmm. Goodnight." Hindi ko in-off ang tawag dahil nga may gagawin pa siya.
"Goodnight."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
—♥—
fast forward! after three months ↑ :D
sinakyan ko nga pala si seoks kanina—
CHAROT HAHAHAHA ANG QT NG KABAYONG SINAKYAN KO KANINA, COLOR PINK YUNG BUHOK HAHAHAHA
share lang hahaha si seoks talaga naiisip ko kanina habang nakasakay eh 😂