003 || Vorfreude

1.3K 80 62
                                    

MINGYU's POV

Marami nang nagtanong saakin kung ano nga ba label namin ni Wonwoo. Maniwala kayo pero hindi ko rin talaga alam kung ano ba talaga kami? Wala naman siyang sinabi na magkaibigan kami, hindi ko rin naman siya nililigawan (ayaw niya daw, edi hindi ko ginawa) kaya hindi ko naman masasabi kung almost lovers na ba kami.

Marami na rin ang nagsasabi saakin na wala akong mapapala kay Jeon. Bakit? Kasi tatlong taon ang age gap namin at gaya nga ng sabi ko, studies ang priority niya. Isa pa, baka daw pinapaasa niya lang ako.

Marami rin nagsasabi na baka infatuation lang 'tong nararamdaman ko sa kanya. But infatuation craves for affection, when all I want is a deeper connection with Wonwoo.

Mismong ako kinekwestyon ko pa ang sarili ko kung in love nga ba talaga ako? Pero sabi ni Tamiah, isa sa mga kaibigan ko, hindi naman daw dapat tinanong ang nararamdaman natin dahil dinadamdam daw ito. Pero sino nga ba sila para manghusga sa nararamdaman ko? Wala naman silang alam.

"'Gyu, nasa'n ka? 'Di kita ma-reach." Napabalikwas ako noong biglang magsalita si Wonwoo na nasa harap ko, "A-Ah, sorry."

Naalala ko, andito nga pala kami sa bagong cafe na bukas dito sa town. Kaya naman pala gustong pumunta dito dahil bukod sa cafe siya, may mini library rin siya. Alam niyo namang sobrang hilig ni Wonwoo sa mga libro.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya sabay inom sa walang sawa niyang ino-order na matcha frappe. Kahit saang cafe kami pumunta, puro may matcha ino-order niya. Matcha frappe, matcha latte, matcha cookies, matcha cupcakes, ano pa ba? Unti nalang maging matcha siya eh.

"Wala."

"Ows?"

Napatingin ako sa kanya at napasimangot, "Eeeeh."

"Anong eeeeeh?" Ginaya niya ang pananalita ko na dahilan ng pagngiti ko.

"Kaseeeee."

"Kasi ano?"

"Dinidiktahan nanaman ako ng mga kaklase ko sa nararamdaman ko?"

Napakunot ang noo niya, "Nanaman? Anong sinasabi nila?"

Napakamot ako sa batok ko, "'Di daw totoo nararamdaman ko sayo?"

Mas napakunot ang noo niya, "Paanong hindi?"

"Uhm, paano ba 'to? Parang hindi naman daw kita mahal? Pure obssession and infatuation kumbaga. . . Tapos wala daw akong karapatan magselos kung magka-crush ka sa iba o ano. Tsaka yung age gap natin, parang ‘di daw appropriate." He looked taken a back with what I said.

He scrunched up his nose, "You know what? Our emotions doesn't need to be defined." Napansin ko ang pag-iba ng tono ng boses niya. He leaned forward a little.

“It doesn’t need to be justified. Our emotions are just. . . emotions. Nararamdaman natin yun eh, 'di natin mapipigilan. Kung sino man yang mga kaklase mong sinasabing wala kang karapatan na maramdaman yan, then that's pure bullshit already." I noticed the hint of annoyance and anger in his voice. Unti nalang baka maiyak 'to sa sinasabi niya. Napangiti ako ng sobrang lawak, because hey, he's trying to defend me, “Tsaka yang age gap na yan? Nako, huwag mo sila pakinggan. Age doesn't matter.”

"Bad ka ah. Anong bullsh—"

Naalarma siya, "Ops, ops! Huwag mo ituloy!"

"Sorry, hehe. Ikaw ah, nagmumura ka na."

"Ano ngayon kung nagmumura ako? Matanda naman na ako ah. Legal na nga ako eh." Depensa niya.

"Ah! So inaamin mo na talagang matanda ka na, Grandpa Wonu?" Napataas ang dalawa niyang kilay.

Vorfreude • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon