MINGYU's POV
"9B! Ano na? Hindi pa ba kayo maglilinya?" Pasigaw na sabi ng president namin na si Joy. Kanina pa siya nagreremind sa harap ng classroom na lumabas at maglinya na dahil magsisimula na ang first friday mass sa gym maya-maya lang. Dahil gawa sa bato ang ulo ng mga kaklase ko, matigas ang ulo nila't hindi nakikinig sa aming president. Kapag hindi pa kasi kami lumabas, malamang special mention nanaman ang dating ng section namin dahil hindi pa kami lumalabas.
Bilang isang ever supporting and honorable treasurer ng klase, sumigaw na rin ako, "9B! Linya na sa taas, sa harap ng gym! Ayaw niyo naman sigurong magtampo sa atin si Sir Hong!" Dahil ayaw nila makinig, dinamay ko nalang ang class adviser namin para naman matauhan sila at maisipan nang luminya. Hindi kasi namin matiis na magtampo sa amin si Sir Jisoo Hong (spoiled kami sa kanya). Once na nagtampo 'yon sa amin, malamang silent treatment nanaman ang dating sa amin ni sir. Mahirap pa naman siyang suyuin, para kasi siyang babae.
Dahil sa sigaw ko, unti-unting tumayo ang mga kaklase ko at lumabas ng classroom. Pero syempre, may mga matitigas talaga ang ulo!
Lumapit ako sa grupo ng mga lalaki na naglalaro pa ng flip the bottle sa likod ng classroom, "KANINA PA KAMI NAGREREMIND NA LUMABAS NA. MGA BINGI BA KAYO AT HINDI NIYO KAMI NARINIG?"
"Oy, chill ka lang Gyu! Wait lang, isang flip pa tapos tataas na kami, hehe." Napabuntong hininga nalang ako sa inasta ni Minghao.
"Oh, naka-flip the bottle ka na, taas na!"
"Tara na p're, mamaya magliyab pa yung isa diyan."
"Gago, ba't 'di ka kasi nakikinig? Bingi ka pala eh!"
Kapag talaga officer ka, dapat may pasensya ka sa mga ganitong uri ng estudyante. Dapat ready ka sa mga passive-aggressive response nila sayo. Kasi kung hindi, baka masugod mo sila ng wala sa oras dahil sa galit.
Ilang minuto ang nakalipas, nakalabas na lahat ng 9B. Kami nalang ni Joy ang naiwan dito sa classroom. Bago kami sumunod sa taas, sinigurado muna naming nakasarado lahat ng bintana dito. Pagkatapos, lumabas na kami at ni-lock ang classroom.
"Haaaay, ang hirap talaga nila palabasin." Habang naglalakad kami sa hallway, may ilang estudyante pa rin na hindi tumataas.
"Tsk, dapat sanayin natin silang naglilinya ng maaga. Kaninang flag ceremony nga nahirapan tayo sa pagpapalabas sa kanila." Suhestyon ko.
Tumango-tango si Joy na nasa tabi ko, "Uh-huh, hindi sana tayo mahihirapan kung apat tayong nagpapalinya eh. Palibhasa yung vice president ang minsang pasimuno ng gulo. Samantalang yung secretary naman, walang pakielam."
"Yung secretary nagpapalinya sa taas."
"Oo, pero minsan talaga wala yun pakielam."
Tumango nalang ako.
Pagkarating namin sa taas, rinig na rinig ko na ang random play ng mga kanta ng mga instrumentalist. Rinig ko rin ang boses ni Wonwoo na nagbibigay instructions sa mga sections na pwede nang pumasok sa gym para umupo. Hindi kasi maayos kapag sabay-sabay kaming pinapasok sa gym kaya pinapalinya muna kami sa labas para maayos. Siya kasi palaging in charge doon.
Nasa malayo palang kami, kitang kita na namin ang kumpulan ng mga estudyante sa harap ng gym.
Nakarating rin naman kami kaagad sa linya namin. Nasa pinakalikod ako since ako ang pinakamatangkad. Si Joy rin ang nasa pinakalikod since siya rin ang pinakamatangkad sa mga babae.
"9B students, please fix your line in an alternate manner before you proceed inside the gym, thank you." Pag-announcement ni Wonwoo habang nakatingin saakin.
BINABASA MO ANG
Vorfreude • meanie
Fanfiction| nostalgia duology #1 | high school series #1 | completed | vorfreude : the joyful, intense anticipation that comes from imagining future pleasure : in which mingyu is willing to wait for wonwoo even if it will take years for them to be together. b...